Isang gabi habang nagfu-fudtrip ang magkaibigan sa terrace.
"Musta na pare? Ako? Okay lang. Eto nagmumunimuni, nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba!"
"Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? Eh yung hirap na dinadaan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pagnabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten eh. Ang alam lang ata nila e mamili ng, manakit, at magsaya. Tingin mo?"
"Lagi naman ganun eh. Una palang, lalake na ang nasghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung anu-ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi sa kanila na mahal natin sila. Alam kya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten, Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max, maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, lahat na! Kulang nalang eh pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kahit na mahal talaga natin sila. Basta ang alam nila, pa di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin sila, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang standards o uuwi ka nang na badtrip, iiling-iling, at minsan, luhaan."
Wala tayong magagawa, marami silang alibi eh, eto ang mga examples ng mga alibi nila: "hindi pa ko ready eh..", "sorry pero I think we should just be friends..", "ha? Uhhmm nagpapatawa ka ba? Hahahaha", "pag-iisipan ko muna...", "para lang kitang kapatid eh..." isang malaking pagsaklob ng langit at lupa 'yon para sating mga lalake.
"At hindi lang yun tol. Sa pre-relationship stage pa lang yun. Pag sinagot na nila tayo, satin parin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtyatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo, tayo!
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
"Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet ; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan! Ganun ata talaga."
"hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, eh di okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun."
"Pero alm mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun? Iba tayo magmahal eh. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubuslubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradarama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan, kababaihan... iba talaga tayo pag nagmahal"
"At ito ang pinakamasaklap"
"Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Badtrip no? wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod."
"At ano pa ang pa ng kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak."
"Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iayak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" pagkatapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makatulog."
"Haay buhay! Ang hirap maging lalake. Lagi ka nalang naiiwan sa ere. Ano pare? Hindi ka na nga nagsasalita? In-love ka no?"
"Ako, kamusta? Eto. Pa easy-easy, bubuntong-buntong hininga, titingin-tingin sa stars, mumuni-muni..."
Ang mga babae talaga, oo.
A/N:
Vote.Fan.Comment.
-BabyDeeeee
xx
BINABASA MO ANG
Side ng Boys
HumorAng mga lalaki kahit na sobrang pa-cool, gusto din namang suyuin, lambingin, mahalin at ingatan. Kailangan din namin kasing maramdaman na may taong handang magmahal kung sa ano man ang ugali namin, mayabang, pa cool, astig. Kailangan lang naman ng i...