Prologue

57 3 1
                                    

Prologue

“Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal para lang mapatunayan ko sayo na ako ang dapat piliin mo. Sabi nga ng iba, kayang sabihin ng lahat na mahal nila ang isang tao pero hindi lahat kayang maghintay at mag effort.” He uttered.

“Oo nga naman. Diba sabi ko rin sayo na lahat ng bagay, nakapaghihintay. At kapag hindi nakapaghintay, hindi bagay.” Ang tanging naisagot ko sa lahat ng sinabi niya.

“Kaya ako maghihintay para mapatunayan kong bagay tayo.” Gusto ko ng sumabog sa tuwa dahil sa mga sagot niya. Nakakakilig kaya.

“Nasa sa atin pa rin naman kasi ang desisyon eh. Kung ano yung gusto nating mangyari sa hinaharap. Tayong lahat ang gumagawa ng sarili nating storya, ng sarili nating destiny. Pero ito kasi yung mga tanong eh, tayo pa rin kaya sa hinaharap? Wala kayang gugulo sa nasimulan nating love story?” Kahit sino naman siguro, iyan din ang itatanong.

“Ito lang ang sagot ko diyan. Wala silang magagawa para guluhin yung samahan nating dalawa? Matatag tayo diba? Hindi sila magtatagumpay kapag ginawa nila yun.” Hayy. Sana nga.

“Sa bagay. Kung tayo naman talaga, tayo talaga. At kung gugustuhin natin maraming paraan. As long as alam natin sa sarili nating mahal natin ang isa’t isa.”

“Hindi ako magsasawang mahalin ka.”

“Ako, pwedeng magsawa. Pero wala akong balak tumigil sa pagmamahal sayo. Kasi hahanap at hahanap ako ng paraan para mahalin ka ng paulit ulit.”

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon