Chapter 4
Hayley’s POV
Nagbabalik na naman ako. Another school day. Another irritating day. Puro school works na naman kasi kami panigurado.
Ngayon ko na malalaman kung ano yung buong detalye nung chismis. Kumalat na kasi sa halos lahat ng freshman dito yung pangbabackstab ni Arie sa akin. Syempre naman papakialaman ko yung sarili ko pero hindi ko na siya lalabanan, wala naman din kasi akong mapapala.
Gusto ko lang alamin yung dahilan niya at kung ano yung mga pinagsasabi niya. Narinig ko pa nga sa mga chismosa na nakikipagkwentuhan siya dun sa isa sa mga professors namin. Close kasi kami sa prof. mga bata pa kasi yung iba. Binaliktad niya raw kasi yung kwento. Yung tungkol sa pagkakasira ng pagkakaibigan namin. Pagkabalik niya daw nung training nila sa journalism, bigla bigla na lang daw akong hindi namansin.
Hay nako. Tapos na naman yun kaya hayaan na. Aantayin ko na lang yung dismissal kasi kating kati na akong malaman yung mga pinagsasabi niya.
“Hayley.”
“Bakit Aldrich?”
“Gusto kong makita sa personal yung palagi mong ikinukwento.”
“Si Mikhael?”
“Oo.”
“Sige. Kailan mo ba gusto?”
“Mamayang lunch. Kahit diyan lang sa corridor natin.”
“Sige.”
That was my seatmate Aldrich Thompson. A friend of mine. Palagi ko kasi silang kinukwentuhan tungkol sa pagpapatawa ni Mikhael. I am bragging about him. Iba kasi talaga siya. Biruin mong naglakas loob siyang sabihin sa akin na tatanggalin niya yung pagiging isang isnabera ko hindi naman sa lahat ng tao. Siya lang yung nangako sakin na ilalabas niya yung tunay na Hayley Faye. All in one. Pinaghihiwalay ko kasi talaga yung pangalan ko. Hayley is an approachable isnabera while Faye is a certified maldita. Ewan ko nga kung bakit ako natuwa nung sinabi niya yun eh.
I’ll text him na nga. Baka makalimutan ko pa at lumabas na siya ng campus.
To. Mikhael Steve Davis
Hoy lalaki. Magpakita ka sa akin bago ka lumabas ha. May ipapalagay ako sa wallet ko.
Ganda ng text ko noh. Ganyan talaga eh. Hindi na yan mababago. Kung iniisip niyo kung tama ba yung nabasa niyo, well tamang tama. Pinatago ko kasi yung wallet ko sa kanya. Close na naman kasi kami. At saka masyadong akong magastos. Kailangan kong magtipid. Eh napag alaman kong matipid siyang tao kaya sa kanya ko naisip ipatago.
Ayan. Sa wakas at lunch break na. Makapunta na nga sa may stairway. For sure naman kasi na dun yun maghihintay. Sabi ko na nga ba eh.
“Pakilagay nga to sa wallet ko.”
“Sige.”
“At saka pala sumama ka sa akin sa may room. Gusto ka kasi makita nung classmate ko.”
Then ayun. Sumunod lang siya. Kasama ko kasi si Lein. One of my friends din. Ngiting ngiti nga ang loka eh. Yung ngiting mapang asar. Alam ko ipinapahiwatig nito eh.
Grabe ang tahimik niya ha. Inaantay ko pa kasing bumalik si Aldrich. Nag lunch kasi sila ni Gene sa labas. Kaya ngayon nakaupo lang kami sa may bench. Umalis na rin kasi si Lein kasi pupunta daw siya sa cafeteria. Kaya it means na kaming dalawa lang. Pinapanood lang naming magdaanan yung mga tao.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
General FictionMeeting you was fate. Becoming your friend was a choice. But falling in love with you was beyond my control.