Introduction

37 2 2
                                    

Introduction

Sadyang mapalaro talaga ang tadhana. Lalo na kapag mundo na ng pag ibig ang usapan. Sabi nga, “Expect the unexpected.” Hindi naman kasi natin maididikta sa mga puso natin na siya ang mamahalin, ngayon ko siya mamahalun at dito ko siya mamahalin. Kadalasan, kung kailan pa natin hindi inaasahan ang mga bagay bagay na mangyari, dun pa ito nagaganap. Hindi rin maiiwasan ang mga pagsubok sa mga taong nagmamahal o nagmamahalan. Minsan kasi ang taong mahal mo, may iba ng mahal. Kung parehas naman kayong nagmamahalan, kadalasan may hadlang. Kaloka diba? Hayy. Buhay nga naman.

Kailan? Saan? Sino? Iyan ang ilan sa mga katanungan ko bago ko natagpuan ang lalaking mamahalin ko araw araw. Kung tatanungin ko ako kung bakit hindi forever ang ginamit ko, simple lang ang kasagutan ko diyan. Hindi naman kasi ako naniniwala na totoo ang forever, wala pa naman tao ang nakaabot na diyan diba? Kung kaya’t mas gugustuhin ko pang sabihin na araw araw ko siyang mamahalin hanggang umabot sa puntong kakailanganin ko ng mamaalam sa mundong ito.

Mayroon lang naman kasing dalawang salita ang pinaniniwalaan ko pagdating sa pag ibig. Yun ay ang araw araw at bukas. Mas makatotohanan naman kasi. Mas madaling panghawakan diba?

Lahat naman tayo may kanya kaniyang karanasan eh. Walang nagkakatulad. Siguro sa sitwasyon, oo. Lahat tayo makakaranas ng sakit, saya, pighati at lungkot. Lahat tayo mararanasang umiyak, tumawa at ngumiti ng dahil sa isang tao. At lahat tayo, matututo mula sa lahat ng mga karanasang yun.

Sa storyang ito, marami kayong matututunan. Marami kayong malalaman. Marami kayong matutuklasan. Aish. Ituloy na nga lang ang pagbabasa. Ang dami pang arte eh.

=============================================================================

Author’s Note

Binago ko yung prologue at introduction kasi ang boring. Kasalukuyan ko na pong inaayos yung plot. Hahaha. Basta yun na yun. Basahin niyo na lang. Thanks daw. T_T

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon