Chapter 3

31 2 1
                                    

Chapter 3

Hayley’s POV

“Hindi mo kailangang makonsiyensya Hayley. Sinaktan ka niya. Siya yung may kasalanan at hindi ikaw.”

“Eh bakit ba kasi ako yung sinisisi nila? Palagi na lang ako. Wala na akong ginawang tama.”

“Hayaan mo na sila.”

“Sa tingin mo ba dapat ko siyang i add?”

“Huwag. Kapag ginawa mo yun maraming magagalit sayo.”

“Tulad na lang nino?”

“Ako, si Ann, mama mo at marami pang iba.”

“Hahaha. Sige na nga.”

Here I am. Talking to a new found friend. Hay. Buti na lang may tao pang natitira para maging tunay na kaibigan ko. Tama nga kaya ako? Sana hindi siya katulad ng iba. Kasi sa kanya ko nakikita yung paniniwala at attention na hindi kayang ibigay ng dati kong best friend.

Hindi niyo pa nga pala kilala kung sino yung tinutukoy ko noh. He’s none other than Mikhael Davis. Isa siya dun sa mga nagtext sa akin. How it all come up?

*Flashback*

“Paano ba yan? Hindi ako kinaya nung mga yun. So it means na walang kwenta yung idea mo.”

“Hayley. Wait!”

“What now?”

“May natitira pa. Kinakabahan pa daw kasi siya.”

“I don’t care.”

They my phone rang.

“Siya na yan.”

“Sinong siya?”

She just smiled at me. I read the text. 

Fr. 09********

Hi. :)

“Sino to?”

“Isang taong invisible sayo. Pero araw araw mo namang nakakasama. Nakakatabi.”

“Don’t tell me na si ano to.”

“Siya nga.”

Ewan ko kung ano yung nagtulak sa akin para replyan yun etong taong to. At dahil pagod na akong makipagbarahan dahil wala namang makakatalo sa akin. Hindi nila ako keribels. Kaya papatayin ko muna ang maldita radar ko. At makikipag usap na ng matino.

Hello.  :) - Kilala mo ba ako? – Oo. Diba ikaw yung katabi ko sa service? – Oo. Hahaha. Kilala mo naman pala ako eh. – Hahaha. Oo nga. 

Hanggang sa humaba yung conversation naming dalawa.

*End of flashback*

Astig noh. Puro Hahahaha. Feeling ko tuloy wala siya problema. Ang saya siguro ng life niya. Nadadamay tuloy ako. Hahahaha. Tigil na nga. Baka tumawa na lang ako ng tumawa at hindi na ako makapagkwento.

Simula nun palagi na kaming nagkakatext. Hindi na nawala yung tawanan namin. Nasisiyahan daw siyang lagi akong katext. Eh pati rin naman ako. Nakakatawa kasi talaga siya. Natural na yung pagpapatawa niya eh. Iba yung pakiramdam ko sa kanya.

Mikhael’s POV

Hi. Nagka POV pa tuloy ako. Nakakatuwa naman. Siguro naman kilala niyo na ako noh. Ako ulit si Mikhael Davis. Yung ka textmate ni Hayley. Palagi na tuloy akong lutang simula nung replyan niya ako. Dati ko pa naman siyang kilala. Noong high school pa lang siya palagi ko na siyang nakikitang naglalakad pauwi. Naaalala ko pa noong basang basa siyang umuwi sa bahay nila. Naaawa nga ako sa kanya noon eh. Dati ko pa namang gustong makipagkaibigan sa kanya eh. Kaso nga lang may humadlang.

“Mikhael, gusto ko siya.”

“Ah. Okay.”

Si Drake yun. Isa sa mga katropa ko. May gusto siya kay Hayley kaya hindi ko na ipinagpatuloy. At saka nahihiya din naman ako sa kanya. Pero isang araw, nagkaroon ako ng lakas ng loob na itext siya. Gustong gusto ko kasi siya talagang makilala eh. Kahit na hiyang hiya ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kapag itinext ko siya, wala namang mawawala sa akin. At kapag nagalit naman siya, hihingi na lang ako ng tawad.

Hello.  :) - Kilala mo ba ako? – Oo. Diba ikaw yung katabi ko sa service? – Oo. Hahaha. Kilala mo naman pala ako eh. – Hahaha. Oo nga. 

Humaba na yung conversation.

Tapos yan nga yung kinalabasan. Nireplyan niya ako. Sobrang saya ko kaya nun. Napangiti pa nga akong mag isa nun eh. Akala ko kasi masungit siya. Actually, masungit naman talaga siya eh. Pero pag nakilala mo pa siya, hindi mo aakalaing yun pala yung tunay na Hayley.

Pagkatapos nun, palagi na akong nagloload kapag may load siya para lang makatext ko siya. Hindi ko naman kasi siya nakakausap sa personal. Pero kahit na ganun pinilit ko pa ring kausapin siya nun. Ang galing ko nga kasi nagsucceed ako sa misyon ko.

Isang beses naman nakasama namin siyang magsimba the after nung mass dumiretso kami sa mall. Marami naman kaming magkakasama. Kumanta pa nga sila ni Reign eh. Tapos nagkatitigan kami ng panandalian. Napangiti kaya ako pagkatapos nun hindi ko nga lang pinahalata.

Hanggang sa nagtagal tagal na at madalas niya na akong pinapansin.

“Mikhael!” Sino kaya yun?

“Bakit?”

“Ilibre mo nga ako.”

“Tara.”

“Hahahaha. Joke lang.”

“Tara nga.”

“Joke lang naman yun eh.” Sabay ngiti at alis niya.

Akalain mong si Hayley yun? Isang certified isnabera sisigaw para tawagin ako. Nakakagulat lang talaga. Tapos parang natanga ako nun na nawala sa sarili. Nakangiti na tuloy ako nun habang nakikipagkwentuhan. Paano ba naman kasi unang beses kong maka encounter ng isang katulad niya. Hindi naman kasi ako malapit sa mga babae. Siya lang talaga. Masyado siyang espesyal para sa akin. 

============================================

A/N

Nagustuhan niyo ba? Okay pa ba? Comment lang po ng mga reactions niyo. Thanks for reading.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon