Author's Note
Helloo mga Kababayan ! Wag mo kayong magtaka kong wala akong parating author's note :) Hindi ko naman kasi ugali yun . Gusto ko kasi basa agad ^______^ Pero ineexpect ko na dapat basahin niyo ang Author's Note ko kapag nag A/N ako , Ok ? Hindi naman po lalagpas sa 10 sentences ang A/N .. Anyways ! Yun lang . Enjoy reading !!
MsBhookworm <3
***
CHAPTER 8
*TOK*TOK
'' Good morning Sky '' inirapan ko nalang si Dhia ng buksan ko ang pinto ko .. Isang buwan .. Nakatagal ako ng isang buwan sa Patterson International .. Isang buwan pa at aalis na rin ako , Nakasanayan ko ng magising ng umaga na hindi ko naman ginagawa ng dati . Naiirita kasi ako kapag kumakatok si Dhia sa pinto ko ..
'' Anong good sa morning kong ikaw agad ang nakikita ko ? '' pambabara niya pa , Naghagikhikan naman sila Serene at Nathalie . Nakita kong nag pout si Dhia . Hindi ko maiwasang mairita sa kanila . Sala pa ba ng babae to ? Hell , Mas makalat pa ata sila sa aso ko e.
'' Oppss , Si Dhia ang may gawa niyan .. Hinahanap niya kasi yung converse shoes niya '' si Serene the Nerd ang nagsalita . Napakunot ang noo ko , Kailan pa nag converse shoes si Dhia ? Psh , Pakialam ko naman . Trip niya yan e ..
'' Ah Oo nga pala , Nag groceries na kami . I think hindi ka na mag rereklamo sa mga pinamili namin '' tumango tango nalang ako . Mas maayos ang takbo ng utak ko kapag si Nathalie ang nagsasalita .. tiningnan ko ang alam ng ref at napanganga ako . Ok lang naman sana kong hindi lang nasobrahan ng karne at mga gulay . Mabubulok to kapag nagtagal .
'' Ok na yan diba ? Ako ang nag suggest ! '' proud na sabi ni Dhia . Sinimangutan ko nalang siya at hindi na uling umimik .. Nag handa ako ng mga sangkap na gagawin ko . Beef steak nalang ang lulutuin ko para hanggang hapunan nalang namin .
'' Sa susunod , Ako na ang mag go-grocery . Parati nalang kayong palpak '' naiirita kong sabi at hindi na sila nakapagsalita . Mukhang guilty sila .. Ilang oras pa ay natapos na ako sa pag luluto . Kanya kanya kaming kain .
'' Yummy ! '' Tumahimik lang ako .. Habang ang tatlo ay nagtatawanan . Tiningnan ko lang sila na parang hindi ako nag eexist sa harapan nila . Lihim akong nainggit . Alam kong may pamilya pa sila pero humahanga ako dahil hindi sila nagrerebelde . Hindi man nila kayang gawin ang mga bagay na alam kong gawin pero independent na sila sa pamamaraan nila ..
'' Haha , You look stupid '' sabi ni Serene at tawanan ulit sila . Ni minsan , Hindi ako nagkaroon ng kaibigan o kahit isang kaibigan lang . Ilang ang lahat sakin , Masyado daw akong kakaiba para sa normal na tao . Ni wala daw akong sense of humor at hindi rin ako friendly .. Hindi ako warm hearted at hindi ko kayang ngumiti ng hindi labag sa loob ko .
'' Aish ! Ang kalat mong kumain Dhia ! Gross '' naasar na sabi ni Nathalie , I wonder kung ano nga ba ang pakiramdam ng may kaibigan . Sa nakikita ko hindi sila ang bestfriend material . Si Dhia , maingay , hindi mapagkakatiwalaan sa mga secretes , Madaldal at happy go lucky . Samantalang ang dalawa bookworm , weirdos , independent .
'' Sky , Gusto mo ? '' nakangiting sabi ni Dhia habang inaalok ang orange juice . Umiling iling ako , Pakiramdam ko naputulan ako ng dila , Hindi ako makapagsalita . Ayoko mang umamin pero sa kabila ng imperfections nila ay nanatili silang magkakasama .. Sila ang kaibigang gustong gusto ko pero ayokong magkaroon ng kaibigan . Mahihirapan lang ako at masasaktan lang sila . Naiinggit ako kasi may nag eexist pala talagang ganuong samahan .
![](https://img.wattpad.com/cover/10272408-288-k883195.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny and Forever </3
AzioneNagmistulang impyerno ang buhay ni Sky ng mamatay ang Lolo niya , Bago man ito mamatay ay may pinahanap itong lalaki na hindi niya alam ay ang taong kinaiinisian niya pa . Nang matuklasan niya ang misteryo sa buhay niya ay akala niya ay magiging mad...