Chapter 2

13 0 0
                                    



Chapter 2

Five years ago...

Napasimangot si Toni ng makitang nakabalandra lang sa sahig ng banyo ang dalawang tuwalya. 

Take note DAWALANG PUTING TUWALYA! 

Ang dalawang tuwalyang nasa sahig ay kay Kuya Steel pero si Quin ang huling nagbanyo. Nag-unahan pa sila sa banyo kanina pero dahil doble ni Toni ang size ni Quin naunahan siya nito. Naiiling na dinampot niya ang mga tuwalya. Ginamit na naman ni Quin ang tuwalya ni Kuya Steel and for sure mamaya kapag dumating si Kuya Steel mula sa talyer at nalaman na may gumamit sa tuwalya nito ay magagalit iyon.

"Quin!!!!!!!" sigaw niya habang palabas ng banyo.


"Ginamit mo na naman 'yung tuwalya ni Kuya Steel!" nakita niya ang salarin sa may kusina. Naghahalungkat ito sa ref.


Bumaling si Quin sa kanya at painosenteng tinuro ang sarili, "Ako? Hindi ah..."

"Anong hindi? Eh ikaw ang huling naligo." Kutusan nya kaya ito? 

Nginisihan lang siya ni Quin. Isinara na nito ang ref. Hawak nito ang isang pack ng chicken nuggets.


"He he he... nagpaalam naman ako sakanya eh. Ligo kana bunso tapos prito mo 'tong nuggets." Walang anu-anong inihagis ni Toni ang dalawang tuwalya kay Quin.


"Lechugas ka talaga!" binirahan niya ng talikod ito. Narinig pa niya ang malutong nahalakhak ni Quin.

Papasok na sa banyo si Toni ng makarinig siya ng busina. Baka sa kapitbahay.



Nang matapos makaligo at bihis muling bumalik si Toni sa kusina nila. Basa pa ang buhok na nagsusuklay siya ng marinig na may kausap si Quin sa kusina.

"Quin ikaw ang mag-saing..." naputol ang sasabihin niya ng makitang may bisita pala sila.


"Bunso naalala mo pa si Jethro?" napakunot noo si Toni. Pamilyar sa kanya ang bisita nila.


"Hi Toni." Bati nito sakanya at muntik na atang himatayin si Toni ng ngumiti ito. Dimples ba 'yong nakikita niya?


"Classmate siya ni Steel noong high school." Patuloy na pakilala ni Quin kay Jet . 


Tumayo si Jet habang mataman na naka-ngiti pa rin sa kanya. 


She inwardly winced. Another tall creature. Outnumbered na ata si Toni sa mga matatangkad. She's only stood 5'1 and half. Samantalang ang magkakapatid na sina Kuya Steel ay halos six footer ang height. How unfair diba? And for sure ay nasa six something ang height ni Jet.

Toni stared at Jet. Nakikita mo ba ang dimples gurl? Naghuhumiyaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. 

Almond shaped eyes, high cheekbones, a classic Greek type nose and yeah the jawline. Hindi particular sa hitsura si Toni. But gollywow! Hindi pwedeng hindi mo mapansin ang mga magagandang features ni Jet! Naka-statement shirt ito na kulay puti na may print na "LAST CLEAN SHIRT" at kupas na maong pants. Leather slippers naman ang sapin nito sa paa.

Muli niyang tinitigan ang mukha ng binata...

"Na-love at first sight ata sakin ang bunso nyo," bigla na lang umigkas ang kamay ni Toni at binato niya ng hairbrush si Jet. Muntik na itong matamaan pero mabilis ang reflexes nito at naka-ilag sa flying hairbrush niya. Sabay ang halakhak ni Jet at Quin.


"Mukha nga," iiling-iling na sabi ni Quin. Tinignan lang niya ng masama ito. Dinampot naman ni Jet ang hairbrush na tumama sa gilid ng lababo.

"Nai-kwento ka na sakin ni Steel." Sabi ni Jet sabay abot kay Toni ng hairbrush.


This is the first time she met him. Although kilala niya ito dahil super friends ito ni Kuya Steel noon sa science high school. Ang alam niya sa London nag-migrate ang pamilya nito after high school graduation. Katunayan niyan may picture ang dalawa na naka-toga at magkaakbay. 


Galing sa mayamang pamilya si Jet. According sa kwento ni Kuya Steel at Tito Seb, piloto ang tatay nito samantalang doktora naman ang nanay. Isang anak lang si Jet. Hindi mo aakalaing matalino ito dahil pilyo daw ito at si Kuya Steel noon. Magkabarkada ang dalawa sa kalokohan. Ang sabi pa nga ni Tito Seb muntik na daw mapatalsik sa science high school noon ang dalawa. Naging malapit din si Jet sa pamilya Fontana dahil lagi itong tumatambay sa bahay at talyer ng pamilya. Maski sina Finn at Quin ay ka-vibes nito.


"Luto mo na 'yung nuggets bunso." Muling sabi ni Quin. Natauhan naman si Toni. Nakita niyang parehong naka-ngisi ang dalawa. Sarap pag-untugin.


"Oh don't bother to cook, may dala nga pala akong foods. Ill get it in my car. Sobrang na-excite lang talaga ako kaya hindi ko na bitbit."


"Uy! Tamang-tama pala buti nagkusa kana na magdala ng pagkain. Siyempre ikaw ang galing abroad, 'nga pala diba nag-chat ako sayo ng size ng paa ko? Ano nabili mo ko ng rubber shoes?"


"Tado! Tulungan mo ko magbitbit." Naunang lumabas ng kusina ni Jet pero ng nasa tapat na niya ito ay bigla siyang kinindatan!

Kasunod nito si Quin na naka-ngisi pa rin.


"Luto mo pa rin 'yung nuggets bunso." Sabi nito sabay karipas ng takbo. 

Toni rolled her eyes. Si Quin lang ata ang kilala niyang lalaki na hindi nagsasawa sa chicken nuggets. Chicken nuggets lang ay mabubuhay na ang loko.








"Any plans for tonight, mi amor?" biglang natauhan si Toni. Bumalik na sakasalukuyan ang isip niya. Naka-dukwang si Jet sa mesa habang halos dalawang pulgada na lang ang distansya ng mga mukha nila. Shit!

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Naka-ngiti ito kaya naman kitang-kita niya ang dalawang dimples nito. Juicekolerd! Ano ba ang nakain ko kaninang umaga?



Shitness ka talaga kahit kalian Jethro!!





________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

VOTE

COMMENT & FAN!!!


parang gusto ko ng siomai!! x_x


Thank you sa mga bumasa!! 'Till next chapter uli!!



NP: Closer by Chainsmoker

When Will You Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon