Chapter 6

6 0 0
                                    



Chapter 6


Hindi alintana ni Toni ang mga matang kanina pa nakasunod sa bawat galaw niya. Kasalukuyan siyang nasa maliit na opisina ng talyer dahil abala siya sa mga invoices na kailangang bayaran na.


"Babe, hindi mo ba talaga ako papansinin?" Kanina pa niya gustong bulyawan si Jet pero nagpipigil lamang siya dahil nasa labas lang ang Kuya Steel niya.


"Ako nga ang dehado sayo eh. Imagine! You threw a fork on my face!" Lumingon siya sa binata na prenteng naka-upo sa nag-iisang wooden bench sa may gilid ng pinto. Amusement is written on his face.


"Hindi ka naman napuruhan ah," Nakataas ang kilay na sabi niya. Past twelve na ng tanghali pero fresh na fresh pa rin ang loko! Simpleng army green v-neck shirt at khaki shorts. He really looks good whatever he wears. Kung hindi lamang talaga niya kilala ito ay aakalain mo na isa itong model. Even his body is good!


"You're eye raping me again, babe." Biglang pag-init ng tainga ni Toni. OMG! She's ogling Jet! Gusto niyang batukan ang sarili. Kailan pa siya nagkaganoon? Kailang pa niya napansin na maganda manamit ito? And worse pati ang katawan nito ay napapansin na niya!


If looks could kill, malamang ay kanina pa ito nakahandusay sa sahig.


"Why you don't want to be my girlfriend?" cool na cool ang tono nito, iyong tipong nagtatanong lang kung saan sila kakain.


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Pretend lang naman eh," Yup, Jet wants her to be his pretend girlfriend. Kagabi after ang niyang kumalma ay ipinaliwanag nito na "pretend girlfriend" lang naman ang kailangan nito. Hindi alam ni Toni kung maiinsulto siya sa proposition na iyon ni Jet.

"Gusto mo ba na mapikot ako? You know how much I love my Lola Esther kaya hindi ko matanggihan ang mga babae na pinapa-date niya sakin."


"As if naman na hindi mo gusto ang laging makipag-date." Ismid niya sa binata.


Ang Lola Esther García Samaniego nito ay isang dating sikat na model noong kapanahunan nito. Hindi pa niya nakikita ng personal ang lola ni Jet dahil lagi siyang tumatanggi kapag iniimbitahan siya ng binata sa mga gathering sa bahay nito. Pero kilala niya ang matanda dahil na rin sa Kuya Steel niya at kay Jet na madalas ikwento ang matanda.


Kagabi ay ikinuwento sakanya ni Jet ang pangungulit ng lola nito na ireto siya sa mga apo ng amiga nito. Out of blue daw na bigla itong nagtanong sa lovelife ng apo. Tuwing magpupunta si Jet sa bahay ng lola nito ay may ipinapakilalang anak or apo ng amiga nito. Minsan ay ang Lola Esther na nito mismo ang nagse-set ng date at tatawagan na lang si Jet para sabihin na may babaeng ka-date ito para sa araw na iyon.

Nag-iisang apo lang si Jet kaya naman hindi nito mapahindian ang matanda dahil kahit na high school pa lang ang binata ng mag-migrate ang pamilya nito sa London ay na natili ang closeness ng mag-lola.


"Matanda kana kaya dapat lang na mag-asawa kana tulad ng gusto ng lola mo."

"You wanna get married?" Biglang parang nalaglag ata ang puso ni Toni dahil sa sinabi na iyon ni Jet. Seryoso ba ito? At ang peste niyang puso ay parang may naghahabulang kung ano dahil sa lakas ng tibok niyon.

"Look, I know I'm asking a huge favor. It is because I'm more comfortable to be with you. Sa maniwala ka man or hindi ang tagal na mula ng huling nakipag-date ako... Ooppss, don't give me that look, ok?"


"Bakit?" patay malisyang sabi ni Toni at hindi niya mapigilang mapangisi. Ano ba ang iniisip niya?


"I'm not gay, ok?" nakasimangot na sabi nito. Ganoon na lang ang tawa ni Toni. Lalong napasimangot si Jet. Kahit nakasimangot ito ay mukha namang hindi offended sa naisip niya. At alam ni Toni na hindi bakla ang binata. Gusto lang niya makita ang reaksiyon nito. Well, ito lang naman ang nag-assume na iyon nga ang iniisip niya.


Biglang naging pilyo ang hitsura nito. Tumayo ito at lumapit sa puwesto niya.


"I'll french kiss you to prove that I'm not what you're thinking," Parang tumigil ata sa pagtibok ang puso ni Toni. Unti-unti itong yumuko.OMG! French kiss agad-agad?!

Halos maduling na si Toni dahil sa lapit ng mukha nila ni Jet. Hindi niya alam pero may maliit na pakiramdam siya na excited. Never been kiss siya kaya naman hindi niya sigurado kung ganoon ba dapat ang pakiramdam ng hahalikan. Not just a simple kiss!


Mariin siyang pumikit at hinintay na maglapat ang mga labi nila ng binata. Ito na...

Pero lumipas ang ilang segundo ay wala naman siyang Frech kiss na naramdaman. She opened her eyes.

Parang gustong lumubog sa kinauupuan niya si Toni dahil sa naka-ngising mukha ni Jet! Talagang hinintay niya na halikan siya ng mokong!


Makatalungko ito sa harap niya at hindi na ganoon kalapit ang mga mukha nila.


"Be my girlfriend, please." masuyong sabi nito. My heart...



________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Happy reading!

VOTE

COMMENT

FAN

When Will You Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon