Chapter 8

2 0 0
                                    


Chapter 8


Kanina pa hindi mapakali si Toni dahil anytime ay dadating na ang boyfriend niya. Kanina ay nag-text sakanya si Jet na susunduin siya nito sa talyer. Ayaw niyang pumayag dahil nasa talyer din si Kuya Steel na mag-hapong badtrip. Kanina mula ng pumasok si Toni ay asiwa na ang pakiramdam niya dumagdag pa ang animo menopausal na babae na kasungitan ni Kuya Steel.


Two days ago ng huli silang magkita ni Jet, more on sa text lang ang communication nila. Bigla kasing naging busy ito. Hmmp! Baka lumalandi kamo... 

Nako subukan mo lang na maging taksil sakin Jethro! Ibabalik kita sa sinapupunan ng nanay mo! Biglang kinastigo ni Toni ang sarili. Napakunot noo siya. Hindi pa man nagsisimula ang "relasyon" ay nagiging possessive na siya sa binata.


Inabala na lamang ni Toni ang sarili sa pag-aayos ng mga invoice habang hinihintay si Jet. Ilang saglit ay nagulat si Toni ng biglang bumukas ang pinto, biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita kung sino ang bagong dating.


"Hi! baby,"


Jethro Samaniego looking oh-so dashing is in front of her! May dala itong isang bungkos ng tulips. He was wearing white polo shirt and denim pants. Brush up din ang buhok nito na madalas ay parang laging "I just woke up" hair. Mukha itong good boy sa porma nito. Nah ah ah, mukha itong manliligaw! Iyong tipong lalaking hinihingi ang kamay ng isang dilag sa mga magulang nito.


He looks like he stepped out of GQ magazine. Mygosh! Move over David Gandy.


"Miss me?" Biglang nawala ang kung ano mang sumapi na maligno kay Toni ng marinig ang pilyong boses nito. Shit ka talaga Jethro!


Hindi nakontrol ni Toni ang kamay niya. Binato niya ito ng hawak na picker.


"Ouch! Ito talaga napaka-bayolen..."


"Toni nakuha mo ba...." muling bumukas ang pinto at inuluwa naman niyon si Kuya Steel na may hawak na martilyo. Sabay silang napatingin ni Jet sa bagong dating. Agad na tumutok ang mga mata ni Kuya Steel sa dalang bulaklak ni Jet. Napakunot noo ito.


"Anong meron?"


"Wala!"

"Nanliligaw." Nanlaki ang mata ni Toni at malakas na napasinghap sa sabay nilang sagot ni Jet.


"Kay Toni?"


"Oo"

"Hindi!" Pinukol niya ng masamang tingin ang binata.  Tumikhim si Toni at nilapitan si Jet pero wrong move ata dahil langhap na langhap niya ang pabango ng binata. Pinaghalong aftershave at citrus ang amoy nito. Hindi ganoon katapang ang amoy pero parang gusto niyang ilagay ang ilong sa leeg nito. Lalong dumagundong ang tibok ng puso ni Toni. 


Humalukipkip si Kuya Steel habang nakatitig sakanilang dalawa ni Jet.


"Kailan pa?"


"Hmm.., Kuya, ano..."


"Wala namang masama kung liligawan ko si Toni hindi ba?" Tiningala ni Toni si Jet. Ang tangkad talaga nito. Halos ilang pulgada lang ang lamang ni Kuya Steel kay Jet na nasa-six-three feet ang taas. Seryoso ang mukha ni Jet. Wala sa loob na napalunok si Toni. Tinignan niya ang magiging reaksiyon ni Kuya Steel. Poker face lamang ito. 


"Kuya..."


"Alam naba ito ni tatay?"

"Nagpaalam na ako kina Tito." nagpalipat-lipat ng tingin si Toni sa dalawa. Tumango-tango lang si Kuya Steel. Bigla siyang naguluhan sa usapan ng dalawa.


"Basta iuwi mo si Toni sa bahay ng walang labis at walang kulang." seryosong-seryoso na sabi ni Kuya Steel habang mataman pa ring nakatingin sakanila ni Jet. 


"You know me, Steel. I'll take care of her." parang kinuryente ang buong sistema ni Toni ng biglang pumulupot ang isang bisig ni Jet sa baywang niya.


"Nagpapa-alala lang. Basta ayoko ng uumagahin si Toni sa labas." patuloy na sabi ni Kuya Steel bago lumabas ng opisina.


Bumaling si Kuya Steel sa kanya at nagbilin. "Huwag ka magpagabi." Wala sa loob na tumango lamang si Toni.


Lalong humigpit ang pagkakahawak sakanya ni Jet. 


"May basbas na tayo ng kunseho, irog." Hindi na niya pinansin ang sinabi ni jet dahil tulala pa rin si Toni na nakatingin sa pinto. bakit biglang nag-iba ang pakiramdam niya? Bakit feeling niya totoong may "relasyon" na sila ni Jet. Shitness bakit ako kinikilig?!!









________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


Pls VOTE>COMMENT>FOLLOW


happy reading! :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Will You Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon