Chapter 3

7 1 0
                                    


Chapter 3



Konting-konti na lang at maibabato na ni Toni ang hawak na hammer drill kay Quin. Kanina pa siya pinagtitripan ng loko.


"Tigilan mo nga 'yang pagsipol mo!" saway niya dito. Matalim na tinignan niya ito. Ngisi-ngisi lang ang loko.


"Bad trip ka na naman bunso," nakidukwang ito sa hood ng sasakyan na kinukumpuni niya. Past-six na at halos lahat ng tao sa talyer ay nagliligpit na para umuwi pero heto pa rin siya at busy-busy-han ang peg.


Inirapan ito ni Toni, "Sino ang tao sa shop mo? Bakit pagala-gala kang kurimaw ka?" hindi man halata pero may business si Quin na bookshop. 


Yup, it's true. Bookshop ang napiling business ni Quin. Kung si Kuya Steel at Finn ay ang pagpapalago ng auto shop ni Tito Seb ang kinarir si Quin naman ay "nalihis" ng landas. Wala sa mukha ni Quin na kilala nito sina Oscar Wilde, Ernest Hemmingway, J.K Rowling at Haruki Murakami. Book nerd noon pa man si Quin. May buong set ito ng Harry Potter Adult Hardback edition. Kalimitan sa mga collections ni Quin ay limited edition or collector's edition. Proud owner ito ng The BookPlace.


"Relax ka lang bunso. Bantay ko ngayon sa shop si Cassie." Napataas ang kilay ni Toni.


"Si Cassandra Del Pierro?" tanong niya. Ngising demonyito ang isinagot nito.


"Anyway, diba may date ka mamayang gabi?" pag-iiba nito. Lalong napasimangot si Toni.


"Busy ako,"


"Sus! Pakipot ka pa. Hindi na uso 'yon." Kaninang paalis na si Jet ng talyer ay siya namang pagdating si Quin. Lalo siyang naasar dahil walang pakundangang sinabi ni Jet kay Quin na magde-date sila! 'Ni hindi pa nga siya pumapayag.


"Sinong may date?" sabay silang napatingin ni Quin sa bagong dating. Si Finn pala.


''May dalaga na tayo, bro."


"Sino?" pukpokin kaya nya ng martilyo si Finn. One time lang.


"Isa ka pa!" pinandilatan ni Toni si Finn. Naka-maong pants at t-shirt na may logo ng autoshop nila ito. Ang alam ni Toni ay galing ito sa bangko.


''Kamusta ang meeting mo sa bangko?" plano ni Finn na mag-extend ng service, gusto nito magtayo ng driving school. Last year pa sana nito sinimulan iyon kaya lang ng una itong mag-loan sa bangko ay na-denied. Paano ba naman ex-girlfriend pala ni Finn ang manager ng bangko! Bitter ang babae kaya naman gumawa ito ng paraan para ma-denied ng loan application ni Finn kahit halos lahat naman ng requirements ay meron ito.


"Ok naman. Isang kindat lang sa manager buong pera ata nila sa vault ibibigay 'sakin." Umopo ito sa isang monoblock chair. Urgh! Men!

"May date ka bunso?"

"Wala."

"Meron."

"Wala!"

When Will You Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon