• 14th | Ikaw at Ako •

1.9K 71 0
                                    

Maine's POV

Kasalukuyan kaming kumakain ni Alden ng magsalita siya..

"Uhhmmm..Maine."

"Bakit?"

"Kapag umalis ako huwag hahanap ng iba ha?"

"Hay naku...nagiging seloso na naman ang aking Mahal....Don't worry Live...promise,Hindi ako hahanap ng iba" sabi ko habang tinataas ko pa aking aking kanan kamay na parang nagplePledge.

"MamiMiss kita. Pero Maine sure ka ba talaga na papayagan mo akong umalis?"

"Kung kailangan...papayagan kita."

"Thank you...I'm so lucky to have you."

Tumayo siya at niyakap ako...habang magkayakap kami biglang tumunog ang phone niya.

"Wait lng."

'Yes Dad....Opo nandito ako sa bahay nila Meng....Opo....Okay.Bye Dad....'

"Uhhmm..mauna na ako Meng. May pinapagawa kasi sakin si Dad eh."

"Okay."

Pagkatapos nun niyakap na niya ako at hinalikan niya ako sa noo....ilong at sa aking mga labi.

"Bye...I love you always remember that."

"I love you too."

Ihinatid ko na si Alden sa labas...at nang makaalis na siya pumunta na agad ako sa kwarto ko.

"WAAAHH!!!" sabay na tili nila Hani at Chylee.

Agad ko naman na tinakpan ang mga bibig nila.

"Anak! Ano yang ingay diyan?" sabi ni Nanay sa baba.

"Wala po Nay!" pagkatapos kong sabihin iyon agad akong humarap sa dalawa.

"Ano bang problema niyo?"

"GIRLL!! Nakita namin yon! Kiniss ka ni Papi Alden sa LIPSSS!!" sabi ni Hani na parang mamamatay na sa KILIG!

"Ang SWEET niya Girl!!"-Chylee

"😒 Yun lng?....Grabe kayo mga Bakla!"

"OMG! Don't tell me girl you already done that many times.??!"

Ngumiti na lng ako bilang sagot.

Pero pinagbataan ko sila.
"TRY niyo ulit na tumili ako na mismong maglalgay ng duct tape sa bibig niyo."

"Pero Beh! Matamis ba?"

"Loka!" Sabi ko sa kanya tapos ihinagis ko sa kanya yung unan ko.

Habang kami ay nagkukwentuhan ay tumunog yung telepeno ni Chylee...

"Uhh-ohh...i think kailangan ko ng umuwi."

"Sama na ako. Sige na Bhes! Uwi na kami ha?"

"Sige! Byeee!!"

Nagbeso-beso na kami tapos umuwi na din sila.

Habang ako'y nasa loob ng kwarto ko..ay bigla kong naalala yung sinabi niya na aalis daw si Alden

Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko kaya diko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Paano na lng kung hindi na siya bumalik?

Paano kung may mahanap siyang iba?

Paano kung dinadahilan lng niya yun pero may iba na pala siya?

.Ang SAKIT mong MAHALIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon