• 1st | NObody •

5.7K 114 14
                                    

Maine POV

Wow.

Parang kahapon lang ng nagkabanggan kami at naging magkaibigan.

Nasa harap ko ngayon ang lalaking hinding-hindi ko pagsisisihang mahalin.

Kung wala siya...wala sana akong rason pa na mabuhay sa mundong ito.

Before everything magpapakilala muna ako.

First of all my name is Nicomaine Dei Harunoi. 21 years old. Half Filipino - Half Japanese.

Half Japanese man ako hindi ko naman masyado alam magsalita ng Japanese kasi sa Pilipinas na kami tumira mula noong 2 years old ako at hindi naman ako naTrain nila Mama at Papa na magsalita ng Japanese.

Nandito ako ngayon sa room ko. Like what i've said. Nasa harap ko ngayon ang lalaking hinding-hindi ko pagsisisihang mahalin.

Siya ang BUHAY ko. Kung wala siya. Wala sana akong rason pa na mabuhay sa mundong ito.

Alam niyo ba kung sino ang kausap ko?

Kausap ko lng naman.

Ang UNAN na niregalo sa akin ni RJ. Wala kasi siya ngayon eh. May meeting daw sila sa office.

Ako na lonely.

Wala naman kasing magawa dito sa condo eh.

Nakaupo ako ngayon habang kausap ko yung unan.

"Nasan ka na kasi?"

"Akala ko ba hindi magtatagal yung meeting niyo? Asan ka naaaaaa?"

Nakakabaliw mang isipin pero talagang nakasanayan ko nang kausapin itong unan kapag wala si RJ sa tabi ko. May tatanungin pa sana ako sa unan ko ng biglang may tumawag sa phone ko..

Krrriiinnggggg!!!.....

Sinagot ko naman iyon agad at ang narinig ko ay isang boses ng babae.

"Hello?"

Biglang nag-init ang dugo ko ng marinig ko ang boses ng babae.

"Hello? Sino po sila?" tanong ko.

"Hello po? Kamag-anak po ba kayo ni Richard James Hundson?"

Nag-alinlangan akong sumagot ng oo kasi baka prank lang ito. Pero napilitan akong sumagot kasi baka importante ito.

"Ahmm..opo. Bakit po?"

"Pumunta po kayo dito sa St.Lukes Medical Center. Naaaksidente po kasi siya." sabi ng babae sa kabilang linya.

Bigla kong nabitawan ang phone ko matapos kong marinig ang sinabi ng babae. Pero agad ko naman iyong pinulot para sumagot na pupunta ako don.

Nagbihis na agad ako....God! Please iligtas mo si RJ kung ano man ang nangyari sa kanya.
Matapos kong magbihis kinuha ko na ang susi ng kotse ko at pinaharurot ito papuntang ospital. Nagsuot na lng ako ng shorts at isang yellow tshirt. Hindi na ako nag-make up pa kasi ospital lng naman pupuntahan ko at ang kailangan ay mapuntahan ko si RJ.

Sa ospital...

Pagkarapos kong nagparking lumabas na ako ng aking sasakyan ng napakabilis. Pero sa kamalasan ko ay natapilok ako.

.Ang SAKIT mong MAHALIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon