First day of school namin at halata sa mata ng mga estudyante ang excitement, lalo na ang mga first year. Alam kong first year sila dahil ngayon ko pa lang sila nakita. Tsaka maliliit din sila.Nandito ako ngayon sa isang tindahan sa labas ng campus. Wala, tamang tambay lang dahil maaga pa naman. Sarado pa ang room namin dahil wala pa ang magiging adviser namin.
"Megs di ka pa ba papasok?" biglang tanong sa akin ng isang pamilyar na boses. It's Jievon, my close friend.
Napatingin ako sa kanyang gawi at agad na nakaisip ng nakakalokong bagay.
"Jievon di 'ba 'yun 'yung crush mo na si Vhenom? Luh! Papunta sya dito." sabay panlalaki ng mata ko at may tinuro sa bandang likuran niya. Kita ko naman ang panlalaki ng kanyang mata at pamumula ng mukha.
"Oh my God! Are you serious? Hala! Nakalimutan kong magpulbos!" agad namang napaikot ang mga mata ko dahil sa kaartehan nitong kaibigan ko. Binaba ko ang kamay saka sinabit ang bag sa aking balikat.
She's so inlove with that boy.
"I was just kidding Jie. You're over reacting." natatawa ko pang saad sa kanya. Agad naman siyang nagdabog dahil doon. I can't help but smile. Medyo childish din talaga siya pero okay lang. Hindi naman siya gaya ng iba na nasobrahan sa pagka-OA.
"Tara na. Baka hinihintay na tayo ng mga bruha." sabi ko atsaka nauna ng maglakad. Nilingon ko pa siya sandali at kita pa rin ang pagkabusangot ng kanyang mukha.
Loka-loka ka talaga Jievon.
Gawain ko na kasi talaga ang tumambay muna sa labas ng campus bago pumasok. Tho, maraming mga lalaki sa labas ng campus. Pero wala akong pakialam sa kanila.
"Meeeeeeegs! I missed you." agad na sigaw ng isa pa naming barkada na si Leizl. Kasama din niya si Molly at Jein na kaibigan din namin.
"Ang OA mo din Liezl. Magkasama pa lang tayo kahapon no." natatawa kong sabi.
Si Liezl at Molly ang matatalino sa barkada namin. Aaminin kong hindi ako matalino. Well, katamtaman lang. Si Jievon at Jein naman ay magkapatid. Mas matanda si Jein kay Jievon pero kung titignan sila ay parang si Jievon pa ang nakakatanda dito. Mas matangkad kasi si Jievon kesa sa Ate nito. Pero wag kayo. Magaganda ang boses ng dalawang 'yan.
"Tsee! Panira ka talaga ng moment. O'sya! Maglinis na tayo bago pa dumating si Ma'am." nilagay ko naman ang mga gamit ko sa upuan atsaka kumuha na din ng walis.
Nasabi niyang maagang pinabuksan lahat ng room para sa mga bagong salta. May iilan daw kasing transferees bawat year at di pa alam kung saan ang magiging room nila. Kaya naman nilahat na lang ang pagbubukas ng room.
Natapos kaming maglinis ay dumating na agad si Maam. Actually, siya din ang adviser namin noong second year kami. Pero sabi ng principal na ilipat na daw siya sa third year kaya siya pa rin ang magiging adviser namin this school year. Kahit na may pagkastrikta ito ay wala na kaming magagawa.
"Megs tara na. Third period na." pukaw ni Molly sa atensiyon ko. Tumayo naman ako atsaka sumunod na sa kanya. Nauna na palang lumabas ang tatlo di man lang ako hinintay.
Si Molly ang kaibigan namin na beauty and brain. Di ko nga lang alam kung bakit hindi pa 'to nagkakanobyo. Di naman kasi palakwento.
Naghihintay kami ng mga kaibigan ko sa labas ng isang naturang room kung saan kami magkaklase sa aming third period. May nagkaklase pa kasi sa loob kaya di pa kami pwedeng pumasok. Kokonti lang kasi ang room sa skwelahang ito kaya hintay-hintay na lang sa labas.
Nagkukwento si Jievon ng kung anu-ano nang naglabasan ang mga studyante sa katabing room na papasukan namin. Wala kaming pakialam dahil natural lang naman talaga iyon.