True Story!

682 3 2
                                    

BASED ON TRUE STORY

2004, Grade 1 ako. I have two moms. Biological mom and my auntie (kapatid ng papa ko) walang anak yung auntie ko kasi ang sabi ng bio-mom ko na hindi na daw magkakaanak tita ko dahil may problema sya sa matres. Pang 3 ako saming 4 na magkakapatid. At saming 4 ako ang paborito ng tita ko dahil sabi ng iba naming kamag anak, may hawig daw ako sa tita ko, yung iba naman kamukhang kamukha ko daw. Super close kami ng tita ko. Naging close kami dahil sya nag aalaga sakin kasi si bio-mom ko nagwowork sya at ung papa ko is nasa ibang bansa. Nakatira kami sa iisang bahay sa Binondo Manila. Lolo't lola ko (father's side) at mga kapatid ng papa ko. At mga pinsan namin. Kaya marami rami kami sa bahay na yun. Hanggang 3rd floor ang bahay. Sa 2nd floor kami natutulog kasama ung lola't lolo namin at bunsong kapatid ni papa na walang asawa. Sa 3rd floor. Tito ko (kuya ni papa) at tita ko na super close ko (kapatid ni papa).

January 2004, may nakita daw na kabaong ang tita ko sa 1st floor at sya daw ang nasa loob nun. Bata pa ko nun. I was 6 yrs old. Pero nakakaintindi na kami kahit bata pa kami. March 2004, araw araw kami nagigising ng 12 am, oo lahat kami. Sinasaniban sya every 12 am nung magsimula ng mag March. Nung sinasaniban sya, I remembered a lot. Naaalala ko pa nung tinuturo nya ko at ang sama ng tingin nya sakin. Ung tito ko tumawag na ng pari at pastor. Pero hindi nila kaya ang nasa loob ng tita ko. Saktong 3 am lang mahihimasmasan ang tita ko sabi ng bio-mom ko. Ako nag alaga sa kanya kapalit ng pag alaga nya sakin nung bata ako.

March-June 2004. Bihira na sya kumain, ako na halos nag uubos ng pagkain nya. Lagi akong nasa kwarto nya para bantayan at alagaan sya. Hindi sya nilalabas ng bahay dahil nasusunog ang balat nya pag lumagpas lang ung katawan nya sa labas ng pinto namin. Kaya may private doctor sya. Pero nung October 3, 2004. 2 am. She's bleeding base sa mga nakita ko. Nagwawala sya dahil sinasaniban sya. Nakagapos sya, ung kamay at paa nya nakagapos rin. Habang binababa sya ng hagdan kitang kita ko na halos mamilipit ung kamay at paa nya pababa ng hagdan. But suddenly, paglagpas ng pinto namin bumagsak sya, dinala sya sa hospital pero DEAD ON ARRIVAL. Ang findings nya sa hospital ay LEUKEMIA STAGE 4. At buntis sya. Buo na ung bata pero nung pina DNA test, hindi sa asawa nya nanggaling ang bata. Hanggang ngayon binibisita pa rin namin si tita at baby angelus sa North Cemetery.

Guys, I need you opinions.

I'm 19 years old now. Ang dami kong sakit. Halos hindi na ko tinitigilan ng mga sakit, malubha man o hindi. Nakagraduate na ko ng college pero hindi ako makapagwork dahil sa mga sakit na to. Nakagraduate rin ako na puro medicines ang tina-take ko. Guys, possible kaya na connected lahat ng nangyari sa tita ko at sa akin ngayon? Guys pahelp naman. Nagpapahospital ako ngayon pero walang findings ang doctor sakin. Pero di ko maexplain kung ano tong mga sumasakit sa katawan ko at bukol sa katawan ko. Salamat sa opinions guys!

Len

Filipino Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon