SCHOOL--LIBRARY

1.6K 28 3
                                    

"Share ko lang po itong story ko.

Third year college ako nung nangyari tong pangyayaring ito. Gumagawa kami ng thesis nung time na yun. Although yung school namin ang may pinakamalaking library sa buong lugar namin, me and my bestfriend decided na pumunta sa ibang school para sa related lit and studies namin. (Note: magkaiba po kami ng topic ng thesis namin, may sarili kaming partners pero kaming dalawa lang yung nagpunta sa other school to research) so ayun na nga, dumating kami sa school na yun parang around 1-2pm then nagtanong kami kung saan nga ung library nila, may mga students na nagturo sa amin kung saang building un. Pagpasok namin dun, sabi ko kay bestfriend in a very low voice ""bes ang creepy naman dito, after natin dito uwi na agad tayo ha? Please :( "" tapos sabi nya ""oo naman, tska ang lamig lamig dto may naffeel akong hindi maganda"" tapos ung place ng loob ng building papunta sa library ay ung parang sa mga horror movies na nasa loob ka ng isang building na puro mga dim light tapos ang lamig lamig pa basta ganun, then finally nakita na namin ung library tapos nagsulat kami sa logbook nila.

Tapos nakakuha na kami ng mga books na kailangan namin then naupo kami at ipinatong yun sa may table, magkaharap kami ni bestfriend habang nagsusulat ng mga related lit at studies na napili namin para sa thesis namin. Mga ilang oras nadin kami nasa library nang maisipan kong magCR, pagpunta ko sa may cr eh wala namang ibang tao dun kundi ako, dahil nga sa feeling ko baka may pumasok na mga ibang students ay doon ako pumasok sa mga huling cubicle, nung tapos na ako magwiwi narinig ko tumutulo ung gripo sa may 2nd na cubicle, so I decided na icheck kung nakabukas nga para if ever eh maisasara ko but there's no water na tumutulo sa gripo mejo kinilabutan na ako nung time na yun kasi chineck ko din kasi ung cubicle 1, pero naka off din yung gripo.

After nun bumalik na ako sa library, umupo na ako sa harap ng bestfriend ko para tapusin ung sinusulat namin, pamaya maya inuubo na ako ung grabeng ubo kasi lumuluha na yung mga mata ko, yung feeling na may sumasakal sa akin, kasi nd n talaga ako makahinga , pinagtitinginan na nga ako ng mga staff at ibang prof at student dun kasi namumula na ung mga mata ko at muka ko kakaubo, nagtanong na si best kung ok lang ako, of course hindi! Tapos nasabi ko na lang na ""tama na po please"" umiiyak na talaga ako sa sakit. After non i feel better na, sabi ng mga prof eh hanggang 4pm lang daw open ung library nila so what we did by 3:30pm is kinuha na lang namin ung mga phone namin para picturan ung page para itype nalang sa bahay, yung phone ko ay mga 15-20% pa ng battery kaya alam ko makakacapture pa yun ng pictures pero nung tinapat ko na si phone ko sa book, bigla yun namatay, akala ko nagloloko lang yung phone ko, sinubukan ko ulit 3x pero ganun ulit yung nangyari pero kapag sa ibang book na hindi ko na need eh gumagana yung camera. I feel scared ofcourse until sa paguwi ko ganun padin kahit na nakasakay ako sa bus. Paguwi ko ng bahay pagopen ko ng phone ko ayun ok na ulit. First and last ko na punta sa school na yun. I hope na nd na ulit maulit. i know hindi sya nakakatakot pero i just want to share this.

Filipino Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon