Seven

9.3K 123 0
                                    

"Andrei" bulong niya. Sino si Andrei? Boyfriend niya? Kapatid niya ba? Ano? Teka nga Arkin! Bakit mo ba tinanong? Hindi mo na dapat itanong pa okay? She's nobody. She's just a friend nothing else. But I can't help my self asking, gusto kong malaman Kung Sino si Andrei sa buhay niya. Pero isa lang Ang alam ko, yung Andrei na sigurong tinatawag niya ay isang taong mahalagang Tao sa buhay niya. The way she call that name, you can see the pain in her face. Maybe one day malalaman ko din Kung Sino nga ba si Andrei sa buhay niya.

Ilang sandali akong napatitig sakaniya, minamasdan ko siya habang natutulog ng mahimbing. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko nang hawakan niya Ang kamay ko.

"Andrei?" Muling sabi niya. Tiningnan ko siya Mukhang gising naman siya pero bakit Andrei Ang tawag niya sakin?


"Celine? Hindi ako si Andrei, si Arkin ako" sabi ko sakaniya. Pero Mukhang di niya pinansin Ang Sinabi ko at nagulat ako dahil agad naman niya akong niyakap ng Sobrang higpit.


"Sabi ko na nga ba babalikan mo ko eh. I love you so much Andrei please don't leave me again Love. Hindi ko na kaya" sabi niya sakin habang umiiyak at yakap yakap pa rin ako ng mahigpit. So, yung Andrei na yun Ay boyfriend niya. Ano bang nangyari sakanila? Mukhang iniwanan siya nung Andrei kaya ganito Ang sinasabi ni Celine ngayon.


"Love, I miss you. I miss you so much" sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ilang segundo kaming nagka titingin Hanggang sa bigla niya akong hinalikan. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ni Hindi din ako makagalaw ng dumampi Ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam pero iba Ang dating sa akin ng mga halik na yun. Ramdam ko Ang pagmamahal niya sa mga halik na yun Siguro nga'y ganoon niya kamahal si Andrei.


Pagkatapos ng halik na yun Ay niyakap niya ako Sabay Hindi na siya nagsalita pa.

"Celine?" Gising ko Sakanya Sabay tapik ng mahina sa pisnge niya. Mukhang nakatulog nanaman siya at nang inalalayan ko na ulit siya para ihiga Ay bigla siyang nagising at tumingin sa akin Sabay hatak ng damit ko dahilan para magka lapit Ang mga mukha naming Dalawa.

"B-bakit?" Tanong ko sakaniya. Mukha namang May sasabihin siya kaya inantay ko pero nagulat ako ng bigla niya akong sinukahan! What the! Aaarrgghh! Celine naman!

"Shit!" Nagulat ako nang sunod sunod niya akong sukahan Buti nalang Kamo Hindi sa mukha. Pero naman eh! Nakapan tulog na ko eh. Haaay


Muli kong tinawag si Kaycie para magpalit ulit Kay Celine naasar pa nga sa akin dahil naistorbo ko pa siya.

Kinabukasan

I woke up early para mag asikaso ng sarili dahil papasok na nga ako ngayon. Naisipan kong tingnan muna si Celine Bago ako umalis. Habang Paakyat ako ng kwarto nang May narinig akong sigaw na nanggagaling sa kwarto ko. I immediately went to my room at bumungad sa akin yung Mukhang gulat na gulat na si Celine.

"Hoy! Bat ako nandito? Anong ginagawa ko dito? At anong ginagawa mo dito?" Sunod sunod niyang tanong sakin.

"Bahay ko to. Nasa Bahay kita" sagot ko sakaniya at agad niyang kinagulat nung narinig niya.

"Anong Bahay mo? Anong ginagawa ko dito? Atsaka itong damit ko? Bakit Hindi ko suot? Bakit iba Ang suot ko? Siguro pinagsamantalahan mo ako ano? Sunod sunod nanaman niyang tanong. Really? So ngayon maniac na ako sa Kanya ngayon. Celine! If you really know what you've done to me last night! You almost puked in my face and now you're accusing me like that. Really?


"Teka nga! Ang dami Mong tanong isa isa lang Pwede? And for your information Celine Walang nangyari satin okay? I respect you and I'm not what you're thinking" sabi ko naman Sakanya. Ni Hindi na ko makasingit sa sunod sunod niyang tanong. Akala mo naman Talaga pinagsamantalahan eh.


"Eh Kung Hindi Ikaw Sino? Alangan naman na-" hindi pa siya na Kakatapos magsalita nang pumasok si Kaycie sa kwarto.


"Hi. Gising kana pala, I'm Kaycie" agad na bati Sakanya ni Kaycie at nilapitan siya at kinamayan.


"Mabuti naman at nandito ka, Ikaw na Ang bahala magexplain Sakanya okay? I have to go, malalate na ako sa work" paalam ko sa kanila at agad nang umalis.

Pagka uwi ko galing trabaho naisipan kong itext si Zia para hingiin ang phone number mo Celine at makausap Siya. Gusto ko lang malaman kung okay na ba ang pakiramdam Niya at kung nakauwi naman ba Siya nang maayos sa condo Niya. Agad din namang Binigay ni Zia ang number ni Celine kaya Dali Dali ko na siyang Tinext.


Mabuti naman at nagreply kaagad si Celine sa text ko sakaniya. Nagpa salamat pa Siya sa akin at humingi ng sorry Dahil naging istorbo daw Niya. Sa totoo lang gusto kong sabihin sa kanya na Hindi naman Siya istorbo Dahil gusto ko naman yung ginagawa ko. Ginusto ko na tulungan siya at Tinanong pa niya kung paano daw Siya makakabawi, Hindi naman Niya dapat bumawi eh Ayos na sakin yun pero Dahil gusto ko pa rin Siya makita at makasama pumayag na din ako sa gusto Niya at ayun nga napagdesisyunan kong makipag kita sakanya at Lumabas para magkape.

Be Mine Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon