"Ano?!" Biglang sigaw ni Zia matapos kong sabihin sakaniya Kung ano Ang nakita ko nung gabing 'yun. "..nasabi mo ba sakaniya yan?" Tanong niya at biglang upo sa tabi ko.Umiling ako."Hindi ko nabanggit sakaniya Z.." Sabi ko sakaniya Sabay yuko at punas sa luha tumulo sa mukha ko.
"..ano? Bakit Hindi? Alam mo nung isang Gabi pa ako nagtitimpi jan sa Amara na yan eh! Nako kapag ako Talaga di nakapagtimpi kakalbuhin ko Talaga siya! Makikita niya!" Nagngingitngit na sabi ni Zia.
Bumuntong hinga ako."tama naman siya eh..W-wala naman akong magagawa Kung si Amara Talaga Ang mahal niya..ginagamit niya lang ako para makalimutan si Amara.." Sabi ko sakaniya.
Bakas sa mukha ni Zia Ang lungkot dahil din sa nararamdaman kong kalungkutan ngayon."Celine.." Bulong na tawag niya siya akin.
Ngumiti ako."Okay lang ako Z.." Sabi ko sakaniya. Ngumiti naman ako at niyakap niya ako.
Tama. Pipilitin ko nalang tanggapin Ang katotohanan na Hindi naman niya Talaga ako mahal. Simula ngayon lalayo na ako sakaniya. Sa tingin ko iyun na din naman Ang dapat kong Gawin, dahil Ayoko din naman na makasira pa ng relasyon nilang dalawa kaya ako na Mismo Ang lalayo.
Kinagabiha
Arkin's POV
Maghapon Hindi lumabas si Celine sa kwarto niya Hindi ko alam Kung bakit. Naka ilang text at tawag na ako sakaniya pero ni isa Hindi siya sumagot. Nagtataka na ako sakaniya dahil Kagabi ko pa napapansin Ang pagka tahimik niya. Hindi ko alam Kung May nagawa na akong Mali nang magkaganyan siya.
Nang ginaganahan ding yun laking Pasalamat ko at Bumaba na ng kwarto niya si Celine. Napansin kong parang Ang tamlay tamlay niya, Hindi ko alam Kung bakit.
Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nakaupo sa buhangan habang sila Erick at Xander naman Ay abala sa pag Gawa ng bonfire.
Natuwa naman Ako't dahil napapayag ni Zia si Celine na bumaba. Pagka dating niya Kung saan nakaupo kaming magka kaibigan Ay Pansin kong Hindi siya sa akin tumabi. Sa halip sa tabi ni Zia siya nagsusumiksik.
Ilang beses ko sinubukan hulihin siya sa tingin pero ni Hindi niya ako magawang kausapin o Tingnan man lang sa mata.
Naramdaman kong Tinapik ako sa balikat ni Xander."Bro?" Sabi nito Sabay nguso Kay Celine. Para bang sinasabi nito na Lapitan at kausapin ko Celine dahil maging siya Ay Pansin din Ang pagka tahimik at Walang imik ni Celine.
Tumango naman ako. Naghahanap lang ako ng tyempo para makausap siya. Kahit Hindi niya sabihin alam kong May problema, alam kong May Hindi tama. Hinding Hindi ako matatahimik hanggat Hindi ko nalalaman Kung ano man iyon. Hindi ko kayang tumagal tong ganitong sitwasyon namin ni Celine.
Ilang sandali dumating naman si Drew at May Dala Salang guitara. Tuwang tuwa naman Ang iba naming mga kaibigan.
"Oh! Eto na 'yung guitarang pinapakuha niyo..sino tutugtog?" Sabi nito habang hawak hawak Ang guitara Sabay upo.
"Si Arkin! You play guitar right?" Agad naman na sabi ni Summer Sabay tingin sa akin at senyas.
Actually marunong naman Talaga akong tumugtog ng gitara. Pero matagal ko na ding Hindi ginagawa yun. Pero sa ngayon Mukhang kailangan kong Gawin.
"Yun naman Pala eh!..go Arkin!" Sabay sabi naman ni Kim at Mukhang Tuwang tuwa pa.
Ngumiti naman ako at tumango sakanila. Inabot naman sa akin ni Drew Ang gitara.
Sumulyap muna ako ng sandali Kay Celine pero wala pa rin tong imik at Walang karea-reaksyon Ang mukha niya.
Huminga muna ako ng malalim Bago ako magsimulang tumugtog.
BINABASA MO ANG
Be Mine Forever (COMPLETE)
RomanceWARNING: This story May have mature content and some parts may not be suitable with young readers. I cannot assure you that you would not have encounter any typos and grammatical error in every chaper, so PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. (RatedSPG18+)...