Celine's POVIlang Linggo ang lumipas at nagpatuloy ang masasayang pagsasama namin ni Arkin. Paminsan minsan Ay sa condo ko Siya nagstay magdamag minsan nga Hindi kami pumasok dalawa at buong maghapon lang kami magkasama sa condo ko wala kami ginawa kundi magtabi dalawa na halos di Siya kumawala sa akin.
Gumising ako na pakiramdam ko tamad na tamad ako kumilos. Ewan ko ba? Noong isang ko pa nga Napapansin yung sarili kong ganito. Tamad gumising at parang tamlay na tamlay.
Kahit aantok antok pa Ay pinilit ko pa ring tumayo para magasikaso na at maligo. Ilang sandali matapos kong magayos ng sarili Ay kinuha ko na ang bag ko at umalis na sa unit ko.
Ilang minuto Ay nakarating na ako sa shop ko. Sinalubong naman ako ni Zia ng Masayang ngiti habang nagaayos ng mga bulaklak.
"Oh? Bat parang ang putla mo Celine? Are you sick?" Tanong nito bakas ang pagaalala nito sabay lapit sa akin at kinapa ang noo ko.
Umiling naman ako."Ayos lang ako Z..medyo tinatamad lang siguro ako ngayong araw." Sabi ko naman sakaniya.
"Are you sure? Kumaen ka na ba?" Muling tanong Niya. Umiling naman ako.
"Wait here. Bibili lang ako ng makakakaen natin, okay?" Sabi nito at umalis na.
Makalipas ang ilang minuto Ay bumalik na si Zia Dala Dala ang pagkaen binili Niya sa isang fast food chain.
"Here.." Sabi niyo pagka kapag Niya ng binili niyang pagkaen at isa isang binuksan ito.
Dali Dali naman akong tumakbo sa isang ng maamoy ko ang manok na binili Niya.
"Celine? Okay ka Lang ba? Anong nangyari sayo?" May pagaalalang tanong ni Zia sa akin habang kumakatok sa pinto ng cr.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuloy tuloy pa rin ako sa pagsusuka pero wala naman akong mailabas.
Nang pakiramdam kong medyo maayos na ako Ay Lumabas na ako. Nakita ko ang pagaalala ni Zia.
"Okay ka lang ba? Punta na kaya tayo sa hospital?" Sabi nito habang inaalalayan ako na makaupo sa upuan.
Tumango naman ako."okay lang naman ako Z..wag kang magalala"
"Hindi kaya?" Sabi naman ni Zia
Napatingin naman ako sakaniya."Hindi kaya ano?" Sabi ko sakaniya.
"Hindi kaya..buntis ka?" Sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kay Zia. Ako? Buntis?
"H-ha?" Sagot ko sakaniya.
"Kailangan natin makasigurado kung buntis ka nga talaga." Sabi nito.
Sa totoo lang, masaya rin naman ako kung totoo ngang buntis ako. Hindi ako magsisisi kung meron mang mabuo Dahil mahal ko naman si Arkin at alam kong mahal din naman Niya ako. Ang importante ngayon malaman ko kung buntis nga ba talaga ako.
Pagka uwi ko galing shop Ay dumaan muna ako ng pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo pa nga ang binili ko para makasigurado ako sa resulta nito.
Pagka dating na pagka dating ko ng condo Ay dumaretso agad ako sa cr para Gawin na ang dapat ko gawin. Sabay kong pinatakan ang tatlong pregnancy test na nasa harap ko at walang kurap kurap akong nagantay ng resulta.
Halos maiyak ako sa tuwa nang makita kong pare-Parehong dalawang guhit ang Lumabas. Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ko ngayon.
"Hi baby.." Sabi ko sa sarili ko sabay hipo sa maliit kong tyan. "I'm your mom..I'm so happy kasi nandito kana..I'll promise to love you as I love your dad, baby.." sabi ko sakaniya habang may ngiti sa aking mga labi."..I can't wait to tell your dad"
BINABASA MO ANG
Be Mine Forever (COMPLETE)
RomanceWARNING: This story May have mature content and some parts may not be suitable with young readers. I cannot assure you that you would not have encounter any typos and grammatical error in every chaper, so PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. (RatedSPG18+)...