Nine

9.3K 148 1
                                    

Nagising ako nang bigla akong nakaramdam nang gutom. Bumangon ako at umupo muna sa kama ko, tiningnan ko ang orasan ko at mag-aalas dos palang naalala ko palang Hindi pa ako kumakaen masyado kong tinututok ang sarili ko sa trabaho kaya kahit pagkain ko nakakalimutan ko na.

Naglakad ako papunta sa kusina para maghanap nang pwedeng makaen, ngunit pag dating ko doon Ay bigo ako nang makitang wala man lang laman iyon kung Hindi itlog at mga prutas lang, ganito na ba ako ka busy para Hindi makitang ganito na ang sitwasyon nang ref ko? Sabagay, minsan kasi sa labas naman ako kumakaen kaya Hindi ko na namalayan na wala na palang supplies dito. Nagpasya nalang akong pumunta sa isang convenient store para tumingin nang pwedeng kainin, mamaya nalang ako tuluyang mag-gogrocery pagka uwi ko galing shop.

Nangbihis muna ako bago ako umalis, nangsuot lang ako nang short at sleeveless na damit tutal malapit lang naman iyon dito sa condo ko. Pagkatapos ko Ay nagdrive na ako papunta sa store.

Habang nagiikot ikot wala akong ibang makitang gusto kong kainin. Nakakainis, sa susunod Hindi ko na hahayaang mawalan pa ako ulit nang supplies sa ref, ang hirap maghanap nang ganto eh. Pero sa huli, ang kinuha ko nalang eh iyong sandwich doon dinamihan ko nalang para Hindi ako magutom babawi nalang ako mamaya kapag mag-gogrocery ako at pati chocolates pinagkukuha ko nalang din. Bahala na tumaba ako mehehe

Kinabukasan

Kring ...

Kring ...

Kring ...

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko.

"ano ba? Sino ba iyon. Ang aga aga naman mangistorbo nyan!" Utal ko sa sarili ko

"Uhmm. Hello?" Bati ko na halatang antok na antok pa.

"Celine? Baka gusto mong pumasok today? Anong oras na wala ka pa dito sa shop." Zia said. Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan at halos malaglag ako sa pagka gulat na makitang alas dyes na pala nang umaga. Shit! Napa sarap ang tulog ko kagabi.

"Sh*t! Sorry Z. I'm on my way. See you" sabi ko sakaniya Hindi ko na Inantay ang sagot Niya at agad kong binitawan ang cellphone ko sa Kama at agad agad nang nagtungo sa banyo para maligo.

Nang nakarating akong shop agad akong sinalubong ni Zia. "Oh. Try mo kayang magsuklay bes, tingnan mo iyong buhok mo ang gulo oh" sabi sakin ni Zia sabay abot ng suklay Niya.

Kinuha ko naman iyon saka nagsuklay at umupo sa table ko. "Eh nagmadali na ako pumunta dito e, kaya Hindi ko na namalayan" sabi ko naman sakaniya.

"Bakit naman kasi late ka na gumising? Kasama mo ba siya kagabi?" Tanong Niya.

Umiling iling naman ako sakaniya."H-Hindi ah."

"Hindi nga ba?"

"Hindi nga." Tipid kong sagod sakaniya.

How could she think na si Arkin ang kasama ko kagabi? Eh Hindi naman alam ni Arkin ang condo ko, ano? Etong Kaibigan ko talaga Napaka malisyoso.

"Umm. Okay, by the way. I received a call mayroon tayong client at gustong tayong kunin na organizers para sa wedding reception, ano game?"

"Oo naman no! Kita din 'yon"

Tumango naman si Zia. "Okay then, we need to pack up our things"

Nagulat naman ako sa sinabi Niya."ha? For what? Eh titingnan lang naman natin ang venue Hindi ba? Uuwi din tayo agad, right?" tanong ko sakaniya nang may halong pagtataka.

Umiling naman Siya. "No. Sad to say pero sa baguio gaganapin ang kasal"

Nagulat naman ako sa sinabi Niya. "Ha?"

Tinaas ni Zia ang kamay Niya para Hindi ako magsalita. "Di mo na pwede bawiin 'yong sinabi mo naka-oo na ako doon, ayokong biguin si mr. Suarez, Celine. Kaya pupunta na tayo doon sa ayaw at sa gusto mo."

Wala akong nagawa kung Hindi sunduin nalang ang sinabi Niya. Ano pa bang magagawa ko eh naka-Oo na pala Siya sa kliyente namin, Hindi ba?
At saka pumayag na din ako lalo Dahil sinabi Niya din na Gold wedding anniversary 'yun. Eh ganon ako, basta pag dating sa mga ganon Hindi ko na hihindian. Kinikilig kasi ako, kahit Hindi man natuloy ang Lovestory namin ni Andrei Atleast sa iba Makakakita ako. Masaya ako na ng makita ang iba na masaya Dahil sa pagibig.

Kinabukasan
Eto na kami ngayon, nasa Kotse na kami ni Zia. Nagpresinta kasi 'tong si Zia na Kotse nalang daw Niya ang Gagamitin namin. pabor naman sakin iyon Dahil bukod sa tipid sa gas e, Hindi pa ako pagod.

Apat na oras din bago kami makarating sa bahay nila mr. Suarez. Maganda at napa kalaki ng bahay nila Mr. Suarez, malaki ang drive way nila ilang minuto pa bago ka makarating sa mismong bahay nila. Malawak ang lupain nila at punong puno ng mga iba't ibang ito ng mga bulaklak ang Hardin nila.

Nang makarating kami sa mismong bahay Ay halos mapanganga ako sa sobrang laki ng bahay nila.

Sa labas pa nga lang sobrang laki na, paano pa kaya kapag sa loob?

Pagkababa namin ng Kotse at agad na sumalubong sa Amin ang isang kasambahay.

"Hi mga hiya. Magandang araw po sainyo. Ako si Tess". Bati sa amin nang isang kasambay, I think she's in late 50s.

Ngumiti naman kami ni Zia sakaniya. "Magandang araw din po" sabi ko nan sa kaniya.

"Nanay Tess nalang po itawag niyo sa akin.Halika, tuloy po kayo hiya" aya Niya sa Amin at sumunod namin kami. Kinuha naman nang isang matandang lalaki ang mga gamit namin kung Hindi ako nagkakamali at tauhan din nila dito sa mansyon.

Naglakad na kami at pumasok na sa main door. Sinamahan kami ni nanay Tess pumunta sa isang living room. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki ng loob ng bahay, halos malula ako sa daming mamahaling gamit ang naroon.

"Dito nalang kayo maghintay mga hija, tatawag in ko lang si Lorenzo". Tumango naman kami kay nanay Tess at agad siyang umali.

Nang makaupo kami ay agad kong tinabihan si Zia. "Huy! Hindi mo naman sinabi sa akin na ganito pala kayaman 'yung kliyente na sinasabi mo."

Natawa naman Siya."relax ka lang Celine, ano ka ba? Kahit gaano pa kayaman 'yong mga kliyente na makakaharap natin, ano naman? Magaling tayo ano! Kaya natin 'yan" sabi nan ni Zia sa akin sabay kindat.

Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Ang lakas nan kasi ng loob nitong kaibigang kong to. Eh paano kung may magawa kaming Hindi magustuhan Diba? Baka ipakulong pa kami. Nakakatakot.

"Huy! Alam ko 'yang iniisip mo celine. Wag ka ngang negative! Kaya natin 'to!". Sabi Niya agad sakin na dahilan para Lumakas naman ang loob ko.

Tama si Zia, kaya namin to.

Tumango nan ako sakaniya.

Habang Nagaantay kami kay Mr. Suarez Ay naglibot-libot muna ako ng tingin habang busy naman si Zia sa kakakalikot ng cellphone Niya.

Nakita ko 'yong mga picture frame na nakasabit sa digdig, tumayo ako para makita ko nang malapitan 'yong mga pictures na 'yon. May nakita akong isang matandang lalaki na may yakap yakap na matandang babae, siguro Siya si mr. Lorenzo Suarez at 'yong yakap yakap Niya Ay 'yong asawa Niya. Napangiti ako noong makita ko iyon, kitang kita sa mga ngiti nila na mahal talaga nila ang isa't isa. Bigla tuloy naisip ko na naman si Andrei, kung nabubuhay lang sana Siya Sigurado ako na ganon din sana kami kasayang magkasama ngayon.

Lumakad pa ako ng kaunti para tingnan iyong ibang pictures. May napansin akong may isang family picture, ito siguro ang buong pamilya nila mr. Suarez. Tiningnan ko isa isa ang mga anak Niya, nakakatuwa ka mukhang kamukha ng mga babae ang AMA nila samantalang ang mga lalaki Ay kamukha ng nanay nila.

Habang pinagmamasdan ko ang family picture nila, may isang pamilyar mukha doon sa picture akong napansin. No. Hindi Siya 'to!

Pero paulit-ulit kong tinitingnan 'yong mukha 'nong lalaking 'yon.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Arkin iyon.

Don't tell me, daddy Niya si mr. Suarez?

Be Mine Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon