Celine's POVIt's been almost 2 years since we've left the Philippines. Naging masaya naman ang paninirahan namin dito sa states. Hindi naman ako nahirapan sa panganganak ko Dahil alaga naman ako ng parents ko. Hindi nila ako pinabayaan maging si Paulo. Si Paulo ang kasakasama ko nang manganak ako kay Athan.
Nagising ako sa isang halik sakin sa pisnge at hagikgik ng maliit na bata. "Good morning mommy!" Matinis na Tono na Bati nito. Isang gwapong batang lalaki ang bumungad sa mga mata ko. Nako. Alam ko na may hihilingin to kaya ganito nalang ang ngiti at pa-cute sakin nitong batang to. Minsan nga napapaisip nalang ako kung 2 years old lang ba 'tong kausap ko eh. Masyado na kasing maraming alam.
I groaned and smiled at him. "Good morning baby love!" Bati ko sakaniya sabay yakap sakaniya at halik sa labi. Sometimes, I feel so unfair kung titingnan kasi halos wala sakin nakuha ang anak ko. Hindi maitatanging kamukhang kamukha Siya ng daddy Niya.
Hindi ko naman inilihim Kay Athan Kung Sino Ang daddy niya. Alam niyang nasa pilipinas Ang daddy niya. Araw Araw nga niya akong kinukulit Kung kailan daw kami pupunta sa daddy niya. Makakalimutan lang niyang magtanong Tungkol Kay Arkin kapag kapag sama niya si Paulo.
Bigla naman pumasok sa isip ko si Arkin, kamusta na nga ba Siya ngayon? Ano na kayang balita sakaniya?
Almost two years na, pero wala na akong naging balita kay Arkin. Nakakalungkot lang isipin Dahil umasa akong gagawa Siya ng paraan para magkaayos kami. Nagkamali ako, tama na rin talaga siguro ang naging desisyon ko na dito na sa America manirahan at tuluyan na siyang kalimutan.
Niyakap naman ako ni Athan."Tito daddy wants me to go with him! He said we will go to the mall and buy me many many toys!" Masayang sabi nito sakin.
Napabuntong hinga naman ako. Masyado kasing ini-spoiled ni Paulo si Athan. Lahat ng gusto nito laging sinusunod, kaya minsan kapag nagtatampo sakin ang anak ko walang ibang pinagsusumbungan kundi si Paulo.
"Can I come with Tito daddy, mommy?" Tanong nito. Ilang sandali ko siyang tinitigan. "..please, mommy?" Sabi nito at ngumuso at nagpuppy eyes.
Hay nako. Manang mana ka talaga sa daddy mo.
Bumuntong hinga ako at tumango."Okay. But promise me first that you'll behave, it's that okay?" Tanong ko sakaniya.
Agad naman itong tumango at nagtaas pa ng kanan niyang kamay. "Yes mommy! Thank you! I love you!" Masayang sabi niyo saka ako niyakap at pinaulanan ng halik sa mukha. Sino ba naman magulang ang makakatanggi sa ganito ka cute na bata. Napatawa naman ako sa ginawa niya at niyakap din siya. "I love you too, anak ko" sabi ko sakaniya at hinalikan Siya sa labi.
Minsan napapaisip ako kung minsan ba sinubukan kaming hanapin ni Arkin Dahil ni minsan Hindi manlang Siya nagparamdam sa akin. Ni Hindi manlang Siya gumawa ng paraan para mahanap at puntahan kami ng anak ko dito.
Nang matapos kaming magtanghalian may narinig naman akong bumusina sa labas ng gate. Nakita ko pa kung paano nasabik si Athan Dahil alam na alam niyang si Paulo na iyun.
"Hi buddy! Are you done?" Nakangiting Bati nito .
Agad naman itong ngumiti nang makita Niya si Paulo. Lumapit naman si Paulo sakaniya at agad siyang binuhat. "Tito daddyyy!" Masayang Bati naman ni Athan sakaniya at hinalikan ito sa pisnge. Ngumiti naman ako kay Paulo nang makita ko itong nakatingin sa akin.
"Let's go?" Sabi ni Paulo kay Athan. Dali Dali namang tumango si Athan sakaniya at nagmamadali nang Lumabas ng bahay.
"Sigurado ka bang ayaw mong sumama?" Tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Be Mine Forever (COMPLETE)
RomanceWARNING: This story May have mature content and some parts may not be suitable with young readers. I cannot assure you that you would not have encounter any typos and grammatical error in every chaper, so PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. (RatedSPG18+)...