Umatras ang aking paa. Kasabay ng panlalaki ng aking mata ay ang panginginig ng buo kong katawan.Madilim ang buong kwarto na nasisinagan lamang ng liwanag mula sa binuksan kong pinto. Inside are human bodies.
Dead bodies to be exact.
Nakadilat ang mata ng mga ito at tulalang nakatingin sa'kin. Nagkalat din ang dugo sa buong kwarto, ding-ding at sahig. My hands instinctly covered my mouth to stop a sob from coming. Parang lalabas dun lahat ng kinain ko kanina.
Oh my God. Anong nangyari rito?
I shut my eyes, masyadong nahumindigan sa aking nakikita at tumalima agad para umalis.
"It's you..."
Anang isang boses making me stop. Kasing lamig nun ang pawis na tumutulo saking noo.
Pigil ang paghinga'ng nilingon ko muli ang madilim na kwarto. Sa gitna ng dilim ay may nakita akong isang pares ng mata. Isang pares ng mapupula at malalamig na matang nakatitig sakin.
No! Not again!
It moved in the dark. Lumabas ito mula sa dilim at lumitaw ang mukhang bente-sinko anyos na lalaki. Bakas sa buong katawan nito ang maraming dugo lalo na sa kanyang bibig. Tumutulo r'on ang pulang likido habang nakangisi at tuwang-tuwang nakatitig sakin.
Natulos ako sa'king kinatatayuan kahit pa sumisigaw ang utak kong tumakbo. Bumaha agad sa aking memorya ang isang bangungot.
"Matagal ka naming hinanap." He continued to say habang humakbang papalapit sakin. "Sa wakas, nakita rin kita."
Sa takot ay hindi ako makagalaw. Ilang hakbang na lang ang layo niya kaya hindi ko na napigilang umiyak.
Lumapit ang duguan nitong kamay sa aking mukha, pero sa isang iglap bigla rin siyang nawala sa'king harapan at tumilapon sa ding-ding. Nawasak pa ang tinamaan nitong pader.
My lips trembled. Anong nangyari?
"No one touch her." Anang isang boses making me gasp sa sobrang lalim ng timbre n'on. His voice was enough to make all my hair stand.
Isa pang lalaki ang lumabas mula sa dilim at ngayo'y nakatayo sa harapan ko. Balot ito ng maitim na cloak at tanging ang kanyang buhok lang ang aking naaninag.
"She's mine..." Dagdag pa nito sa boses na panginginigan ka ng laman. Bahagyang lumingon ang ulo nito sakin making me see one of his red eyes na tagos sa kaluluwa kung makatingin.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig. It's another vampire! Akala ko ligtas na'ko pero pati ito malamang papatayin din ako!
Galit itong sinugod ng kaninang bampira at parang mga hanging nagpalipat-lipat sila sa lugar. Masyado silang mabibilis kaya hindi sila masundan ng aking mata. Puro mga galit na ungol at kalmutan lang ang aking naririnig.
It was agonizing to hear. Para akong pumasok ulit sa isang bangungot. Sa tinakasan kong nakaraan...
Takbo anak! Takbo! Their voice echoed.
Nagtakip ako ng tenga. No! Kailangan kong makatakas dito. Pinilit kong itayo ang nanghihina kong tuhod. I was still trembling like crazy nang marinig ko ang isang malakas na ungol kasabay n'on ay ang paggulong ng isang ulo sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
A Year to 18
Mystery / ThrillerEvi is an orphan. Namatay ang mga magulang niya when she was ten. Sabi ng mga pulis it was an accident. But she knew better. Her parents were killed because of her. And those killers are now after her. Kung bakit ay di niya alam. She thought it alre...