"No!" Agad akong napabalikwas ng bangon with my heart pounding. Daig ko pa ang tumakbo ng ilang milya sa sobrang hingal at sunod-sunod na daloy ng pawis ko sa noo.It's that dream again..
I run my hands on my bed hair habang pinapakalma ang aking dibdib.
Darn it. Its been seven years pero hindi pa rin talaga ako pinapatahimik ng nakaraan ko. Ang akala ko naibaon ko na ang lahat ng takot at pinagdaanan ko sa limot but heck, I was wrong.
Bumabalik na naman ang ala-alang iyon. And this time, they're getting more frequent. Halos gabi-gabi ko na siyang napapanaginipan.
I touch the side of my neck and slightly shivered. It's like I could still feel the tingling pain on my skin.
Napaigtad ako sa gulat nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa sidetable at binuksan ang pumasok na text. It was from Alesh.
Wer r u?! Buses r already here @ skul. At aalis na mya2. San k n ba?!
My eyes widen at agad napatingin sa wallclock ng aking kwarto. It's already 7thirty?! Sh*t! Late na ako!
Dali-dali akong umalis ng kama at muntik pang madapa nang takbuhin ko ang banyo para maligo. I took the worlds fastest shower at nagbihis. I brush my teeth at kara-karang nag-ayos that in a span of thirty minutes ay tumatakbo na ako pababa sa hagdan ng inuupahan kong maliit na roof apartment at nagmamadaling tinakbo ang daan papuntang school.
*****
"Finally!" bungad ni Alesh nong makapasok ako sa bus. Habol ang hininga na bagsak akong umupo sa tabi niya sabay naramdaman kong umandar na ang sasakyan.
"Sa..wakas...nakaabot..din.." hinihingal kong sabi.
"Nagmarathon ka na naman ba papunta dito?" Nakataas ang kilay nitong usisa while studying me. "Bat ang tagal mo? Don't tell me nakalimutan mong may field trip tayo ngayon?"
Lahat ng tao mayroong close friends during their school years. On my case, si Alesh yun. Kaklase ko na siya since freshman hanggang ngayon na nasa senior years na kami at gagraduate na from highschool. Sa lahat ng friends ko, siya ang masasabi kong bestfriend ko.
I made a sheepish grin. Napaikot na lamang ang mata nito with a 'sabi na nga ba' face.
"Pambihira ka, dinaig mo pa ang lola ko sa pagkaulyanin."
Hindi ako umimik. Truth is hindi ko talaga nakalimutan. Masyado lang akong puyat lately at walang tulog dahil sa mga sunod-sunod kong bangungot. Ayoko ding ipagsabi kahit na kanino kahit na kay Alesh. No one knows my past but me. Maski ang mga magulang kong kumupkop sa'kin doesn't know my real story.
"Oh-Em-gee! Hunkie at nine o-clock!" Mahinang tili ni Alesh sa tenga ko na bahagya pang niyugyog braso ko kaya nilingon ko na lang din kung sino tinutukoy niya.
Tsk. Ang crush lang pala nitong si Caleb.
"Kung makareact ka naman kulang na lang ilublob mo na siya sa kape."
"Tss, akala mo lang yun cause I bet hindi ka na naman nagbreakfast kaya pagkain pumapasok sa isip mo." muli nitong sinilip si Caleb kaso di na ito maabot ng paningin niya.
"Palit tayo." naka-pout nitong sabi.
"Huh?"
"Palit tayo ng upuan para makita ko si Caleb ko..." pakiusap nito with batting eyelashes pa.
"Oo na, magtigil ka na, mukha kang epileptic.."
She glared making me chuckle. Nagpalit na lang din kami ng upuan.
BINABASA MO ANG
A Year to 18
Mystery / ThrillerEvi is an orphan. Namatay ang mga magulang niya when she was ten. Sabi ng mga pulis it was an accident. But she knew better. Her parents were killed because of her. And those killers are now after her. Kung bakit ay di niya alam. She thought it alre...