"You are mine now. Until the day you turn eighteen."
Lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig. Pakiwari ko'y ginapangan ako ng kung anong mga insekto habang nakatingin sa kanya.
Agad akong tumalima para takbuhin muli ang hagdanan pababa pero pagtalikod ko'y bigla itong bumulaga sa aking harapan dahilan para mapasigaw ako sa gulat at napabulagta sa sahig.
Dahan-dahan akong umusog palayo. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko nang humakbang ito papalapit sa'kin at umupo sa tapat ko. Napakaseryoso ng mukha niya habang blankong nakatitig sakin ang mga mata nitong balot ng misteryo.
Lumitaw sa kanyang labi ang isang nakakapangilabot na ngisi.
"Akala mo ba talaga matatakasan mo ko? You're a fool."
Hindi ko napigilang mapalunok. He tilted his head to the side eyeing me tauntingly.
"Subukan mo mang tumakbo... mahahanap at mahuhuli pa rin kita."
Binundulan ako ng takot sa narinig. He moved closer kaya wala sa sariling itinaas ko ang aking mga kamay at pinag-ekis ang aking mga daliri. Napanood ko kasi minsan sa t.v. na takot daw ang mga bampira sa krus.
Mawala ka na! Mawala ka na, please!
"Evi?" My eyes opened. "Narinig kitang sumigaw. Okay ka lang ba?" Sumalubong sakin ng nakakunot na mukha ni ate Mikee, isa ring tenant sa baba na naging kaibigan ko na.
Agad akong napalinga-linga sa paligid habang sunod-sunod na humihingal ng malalim.
Nawala na siya.
~~~
Magdamag akong hindi nakatulog kagabi kaya napuyat ako kinabukasan. Mabuti na lang at hindi na nagpakita muli yung nakacloak na lalaki. Huh, mukhang effective ata yung cross sign sa kanya.
Napakapit ako sa strap ng aking bag habang nilalakad ang daan patungo sa'ming classroom. Ayoko pa sana talagang pumasok pero kailangan. Pagkabukas ko ng pinto ay agad na natahimik ang maingay na klase.
Weird. Palaging kasing maingay ang room namin kapag wala pang teacher. Tsaka bakit ganito? Pansin kong natuon sakin ang atensyon ng buong klase na para akong mabubutas sa mga tingin nila.
May dumikit ba sa mukha ko?
Yumukong tinungo ko na lang ang aking upuan sa likuran. Umiwas naman agad yung mga estudyante na malapit sa pwesto ko at nagbulungan.
BINABASA MO ANG
A Year to 18
Mystery / ThrillerEvi is an orphan. Namatay ang mga magulang niya when she was ten. Sabi ng mga pulis it was an accident. But she knew better. Her parents were killed because of her. And those killers are now after her. Kung bakit ay di niya alam. She thought it alre...