VI: Death Trap p.2

50 2 0
                                    


"Ate Mikee?" Ang nanulas sa aking bibig nang makita ko ang babaeng nakatayo sa loob ng aking apartment.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakitang nagmukhang binayo ng bagyo ang aking tirahan sa sobrang kalat.

Heck. Anong nangyari rito?!

Muli akong napatingin kay ate Mikee na lumingon sa aking pagtawag at saka lamang napansin na may kakaiba sa kanya. At hindi lang basta kakaiba. Her eyes were dilated at may mahahabang pangil na nakausli sa bibig niya.

My eyes widened.

Sh*t! Bampira.... si ate Mikee?!

Mabilis akong umatras, nang biglang matisod ako ng nakatumbang upuan sa'king likuran making me lost my balance at agad na bumagsak sa sahig hitting my head in the process.

Dam*it! Ang sakit...

Agad na umikot ang aking paningin. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Para akong masusuka. I felt a sharp pain on my palm kaya itinaas ko iyon at nakita ang isang basag na parte ng vase na tumusok sa'king kamay. Napuno iyon ng dugo.

Namutla ako sa nakita. Agad akong pumikit sa biglang pagdilim ang aking paningin when I heard a scary growl. Nagmulat ako ulit ng mata making my heart stopped nang nasa ibabaw ko na si ate Mikee. Napakalapit ng mukha nitong ilang dangkal na lang ang pagitan sa mukha ko. Her eyes were all white at panay tulo ng laway niya sa aking pisngi. Para itong asong ulol na anumang oras ay lalapain ako ng buo.

I squirmed under her gaze. Ano ba 'tong nangyayari?! Bakit nagkakaganito si ate Mikee?!

I was mentally begging na bumalik sa siya pagiging normal. Nakakatakot ang mukha niya na pinaresan ng magulo at mahaba niyang buhok. Our noses brushed making my whole body shudder with fear. I realized na inaamoy niya ako.

At some point, my mind was screaming na malamang nababaliw na ako. Na pinaglalaruan lang ako ng isip ko. I know ate Mikee. She's been with me ever since I started living on my own. Mabuting tao siya.Hindi siya bampira!

Pero nang hawakan nito ang dumudugo kong kamay at walang alinlangang binunot ang nakatusok na bubog d'on ay agad akong napasigaw sa sakit, making me realized everything is real.

Inilapit nito ang duguan at nanginginig ko'ng kamay sa kanyang mukha na parang adik na nakalanghap ng marijuana. She then opened her mouth baring her long fangs at umaktong kakagatin ang kamay ko.

Aksidenteng nasagi ng isa ko pang kamay ang paa ng nasirang upuan na agad kong pinulot at inihampas sa ulo ni ate Mikee. Umungol ito sa sakit at agad napahawak sa kanyang ulo.

Sorry ate Mikee.

Agad akong umalis sa ilalim niya at patakbong tumayo para tumakas. Adrenaline was taking over me.

Pero hindi pa man ako nakakaabot sa may pinto ay bigla akong itinulak ng malakas mula sa likuran dahilan para makipaghalikan ako sa pader.

Muli na naman akong nahilo sa pagkakauntog.

Isang mabigat na bagay ang nakapatong sa'king likuran dahilan para di ako makagalaw. Iniipit ako ni ate Mikee sa pader.

Wala akong nagawa nang sabunutin niya ang buhok ko para iangat ang aking ulo. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa sobrang sakit no'n lalo na ng maramdaman ko ang hininga niya sa aking batok.

"Ahhhh!!"

I screamed when I felt her fangs sink into my skin. Nauulit na naman ang lahat. Everything that happened seven years ago suddenly rushed inside my head, na para bang kahapon lang nangyari lahat.

A Year to 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon