V: Rescue

82 11 9
                                    

Rinig ko ang tibok ng puso ko habang nakaharap sa pinto ng Principal's Office.

Kalagitnaan ng klase nang ipatawag ako bigla sa intercom ng school kaya ako nandito. Panay pa rin ang pag-iimbesta ng mga pulis sa school dahil sa nangyaring pagkamatay ni Marah, at dinig kong may nakuha na raw silang lead at malapit ng matukoy ang suspect. Kung totoo man iyon, yun na marahil ang dahilan kung bakit ako ipinatawag.

Ni minsan, hindi pa ako nagagawi sa Principal's Office. Dalawa lang kasi ang ibig sabihin kapag ipinapatawag ka ng nakatataas, una ay kapag nabigyan mo ng parangal ang buong eskwelahan at ang pangalawa, at madalas, ay confidential o kung mayron kang nagawang kasalanan na may kaakibat na parusa.

Hindi man kasi mayaman at kalakihan ang pinapasukan kong Unbersidad ng MariutoHigh, strikto ang palakad ng mga guro rito lalong-lalo na ng nakatataas.

Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin kong tumakbo ngayon palayo sa lugar na'to.

Sandali kong ipinunas ang pinagpapawisan kong mga kamay sa aking palda bago nanginginig na kumatok. Naisip kong kung ano man ang maging kahangtungan ko sa pagkamatay ni Marah, maluwag ko iyong tatanggapin.

"Tuloy."

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang malamig na knob. Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong naestatwa. Sinalubong ako ng seryosong mga mukha ng aming principal na si Mr. Mariuto, kasama ang dalawang lalaking kahit hindi nakauniporme ay alam kong mga pulis.

"Maupo ka Ms. Alferez." Turo ni Mr. Mariuto sa isang bakanteng upuan na sinadya rin atang ilagay sa harapan nilang tatlo. Mas lalo akong kinabahan at napalunok habang tinungo iyon at pumwesto. I was tempted to squirm when I met their scary gazes. Not that they were staring at me na parang galit sila, but more like they were scrutinizing me.

"You're maybe wondering why we summoned you here in the middle of class hours, we decided na mas mainam na gawin ang pag-uusap na ito habang abala ang lahat at nasa kani-kanilang mga klase."panimula ni Mr. Mariuto.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang magpatuloy.

"Do you know why you're here Ms. Alferez?"

Lumunok ako. "N-no sir."

"Nakikilala mo ba itong mga kasama ko ngayon?"

Sandali ko silang pinagmasdan bago nag-iwas ng tingin.

"N-no sir."

"These are Insp. Theo Ruman at Insp. Rick Sales. They are here to investigate the case of Ms. Marah Domingues."

Nakuyom ko ang mga palad na nakapatong sa aking binti. Alam na kaya nila?

"We want to talk to you... Evi, right?" malumanay na wika ni Insp. Ruman. "May mga nais lamang kaming itanong sa iyo kung okay lang."

I meekly nod.

"Magsimula tayo sa'yo. Maari mo bang ipakilala ang iyong sarili?"

Hindi na bago sa akin ang proseso nila kaya tiningnan ko sila isa-isa bago nagsalita.

"Elvira Madrid Alferez. 17 years old. Kasalukuyang nasa senior high Grade 12-B ng MariutoHigh."

"Pero mas kilala ka sa pangalang Evi, tama ba?" Tanong ni Insp. Sales na sinagot ko ng tango.

"Kilala mo ba ang biktima na si Marah Domingues?"

Parang may bumara sa'king lalamunan kaya tumango lang ako ulit.

A Year to 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon