A/N: Last one!!
Hindi mapakali ang bagong-upo na Hari ng Sapiro. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog pagkat isang mahalagang pagdiriwang ang magaganap bukas. Masyado siyang aligaga at sobrang nasasabik sa mangyayari bukas.
Hindi siya nahirapan kung ano ang kanyang ibibigay sa may kaarawan. Ang problema niya ay kung paano niya ito ilalahad sa kanya. Hindi naman maaaring ibigay na lamang niya ito sa harap ng maraming tao pagkat unang-una ay hindi ito madadala kahit saan at napakalaki. Pangalawa ay baka mailang ito kapag nakita siya.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman na iniiwasan siya nito, simula nang bumalik ang kanyang kapatid hanggang ngayon. Marami na rin ang nakakapansin na hindi ito kailanman napapadpad sa Sapiro, o kahit saan mang lugar sa Encantadia na alam nitong naroon din siya.
Napangiti siya nang maalala na napagtanto niya na siya na ang itinitibok ng kanyang puso.
**************************
Lumilipad ang kanyang diwa patungo sa diwata na nakikipag-usap kina Aquil. Hindi niya maintindihan ang sarili. Heto siya't kasama si Alena, ang diwatang mahal niya, at ang kanilang anak na si Kahlil, na sa awa ni Bathalang Emre ay nabawi nila at kanilang binura ang mga pinagsasabi ni Pirena sa kanya, ngunit si Amihan ang nasa kanyang isipan. Na hinihiling niya na si Amihan ang kanyang kasama ngayon, na nasa tabi siya nito at siya ang kanyang sinasandalan.
Minsan ay nagseselos siya kay PaoPao pagkat lagi itong kasama ni Amihan. At lagi rin siyang nagkukumo ng kamay hanggang sa magdurugo ang mga ito kapag ang kambal-diwa naman ng bata ang nakakasama nito.
Marami na rin siyang pinagseselosan at sa kanyang isip, ay kanyang binubugbog, dahil hindi siya ang nakakasalamuha nito. Simula nang nalaman nilang buhay si Alena, at nalaman din nila na may anak siya rito na ikinagulat niya, hindi na siya pinapansin nito. Kahit simpleng pagtabi lamang sa upuan ay umaalis na ito sa kung anu-anong dahilan. Kahit titigan, hindi na rin siya sinusuklian.
Madalas, sa kanyang pagkagalit sa sarili ay pumupunta siya sa lugar ng mga bandido upang maghamon ng laban, o di kaya naman ay sa mga Ascano, mailabas niya lamang ang kanyang sama ng loob.
Isa pa iyang si Wahid na dumadagdag sa kanyang suliranin. Kailangan pa nga pala niyang pagbantaan ito na lumayo sa kanyang prinsesa.
Aaminin niya na sa lahat, kay Amihan siya pinaka-nangungulila. Nangungulila siya sa mga panahong sila ang magkasama at siya pa ang sinasandalan nito. At sa mga lihim na ngiti nito kapag nakagawa siya ng bagay na ikinatutuwa nito, tulad ng pag-aalaga niya kay PaoPao nang pinuntahan nito si Cassiopeia.
Napabuntong hininga siya. Tumingin siya muli sa kinaroroonan ni Amihan bago tumayo at umalis.
Nasa sa Sapiro siya ngayon. Nakaupo at tinitingnan ang mga ginto't kayamanan na nakatago ng bumagsak na kaharian. Aanhin niya ang mga ito kung hindi naman maibabalik ang panahon na sana ay kasama niya ang kanyang mga magulang. Na sana ay naranasan niya kung paano maging anak sa kanila at ang kagandahan ng Sapiro.
Aanhin din niya ang pagmamahal kung hindi naman si Alena ang kanyang iniibig....
Nagulat siya sa kanyang naisip. Mahal niya si Alena, hindi ba? Nagkunot ang kanyang noo at inintindi ang sarili. Sinuri niya nang maigi ang kanyang damdamin, pati na rin ang kanyang mga ala-ala nila ni Alena.
Simula ng kanilang unang pagkikita, ang kanyang pagtulong sa digmaan nila laban sa mga Hathor, ang pagkikita nila sa talon, ang kanilang mga tagpuan, hanggang sa muli nilang pagkikita.
BINABASA MO ANG
Ang Tagapagligtas ng Mag-Ina
FanfictionMalalaman ni Ybrahim ang nangyari kina Amihan at Lira sa Lireo, at ang kanyang pagnanais na mailigtas sila mula sa kamay ni Pirena.