Magkasama ang mag-ina na nagpapahinga sa lilim ng puno matapos ang buong araw na pag-eensayo. Kasama nila si PaoPao kanina ngunit bumalik na ito sa kuta. Bata pa naman ito kaya pinagbigyan ni Amihan na magpahinga ng maaga at ngayo'y nakikipaglaro kina Banak at Nakba.
"Inay..." Panimula ni Lira. Hindi siya sigurado kung papaano sabihan ang nais.
"Lira? Ano iyon, anak?" Ngumiti ang kanyang inay, at kinuha niya ito bilang tanda na pwede niyang sabihin ang nasa kanyang isip.
"Nay, totoo po bang hindi pwede magkaroon ng asawa ang reyna?"
"Totoo, Lira."
"Bakit po?"
"Pagkat ang reyna ay dapat na ituon ang sarili sa kanyang nasasakupan, sa Lireo."
Nakagat niya ang labi, at inintindi ang sinabi ng kanyang inay. "May isa lang po ang magulo sa akin, nay. Papaano niyo ako naisilang kung wala naman kayong asawa?"
Napangiti lamang si Amihan sa tanong ng anak. "Sa panaginip, Lira. Hindi pa kami magkakilala ng iyong ama noon. At siya ang binigay ni Bathalang Emre upang maging ama ng aking anak – na maging ama mo."
"Kung ganoon, wala akong pamimilian dahil si Emre na ang pipili ng ama ng magiging anak ko pagdating ng panahon?"
"Oo. At siya ay kinakailangang maging karapat-dapat upang maging ama ng tagapagmana ng Lireo."
"Ang weird naman, nay."
Tumawa lamang si Amihan sa sinabi ng anak. Matapos ng ilang sandali, may bigla siyang naalala na maaaring ikaliligaya ng anak.
"Lira, nais mo bang marinig ang isang awiting natutunan ko noong nakatira pa ako sa mundo ng tao?"
Nanlaki ang mga mata ng anak sa saya. "Oo naman, nay! Parinig po."
Naikwento na ng kanyang inay ang naging buhay nila ni Lolo Raquim sa mundo ng mga tao. Ngunit ngayon pa lamang niya nalaman na umaawit pala ang kanyang inay. Natutuwa siyang malaman na namana niya ang kanyang magandang boses mula rito.
"Medyo hindi ko na natatandaan ang ibang mga salita sa haba ng panahong hindi ko ito inaawit. Kaya't pagpasensiyahan mo na ako kung mabali-baligtad ko ang iba. Alam mo, inaawit ko ito sa iyong Ilo Raquim at Ila Mine-a noon dahil naaalala nila ang kanilang pag-ibig para sa isa't isa kapag naririnig nila ito."
"Talago po?" Ngumiti nang malaki nang malaman iyon. Napaka-sweet naman ng pag-iibigan ng kanyang lolo't lola.
Huminga nang malalim si Amihan, at nagsimulang umawit.
♪♫ At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sasabihin
Minamahal kita ♪♫
Natuwa si Lira sa saya nang marinig na kinakanta ng kanyang inay ang Panalangin.
♪♫ Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
At wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
At sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihing
Minamahal kita ♪♫
Hindi na mapigilan at sinabayan na ni Lira sa pagkanta ang kanyang inay, siya namang ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay.
♪♫ Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka (makapiling ka), makasama ka (makasama ka)
Yan ang panalangin ko
At wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
Sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sasabihinAking sasabihin... kapag aking sasabihing
Minamahal kita
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka (makapiling ka), makasama ka (makasama ka)
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag, ang pusong ito
Mawala ka, sa 'king piling
Mahal ko, iyong dinggin
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko
Panalangin ko sa habang buhayMakapiling ka sa habang buhay ♪♫
Napakalaki ng ngiti ng mag-ina nang matapos ang kanilang awit. At rinig sa buong kagubatan ang kanilang tinig—ang kanilang matamis na tawa.
Sa hindi kalayuan, nakaupo sa sangay ng isang mataas na puno, binabantayan ni Ybarro ang kanyang mag-ina. Hindi niya inakalang aawit si Amihan, at napakalamig at napakaganda ng kanyang tinig. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at hindi mapigilan ng kanyang puso na dumadagundong nang malakas. Pati na rin ang imahe na sa hinaharap, sa isang silid ng palasyo ng Sapiro, sila ni Amihan ang magkasama.
[Wakas.]
P.S. Last bonus chapter tomorrow <3
BINABASA MO ANG
Ang Tagapagligtas ng Mag-Ina
FanfictionMalalaman ni Ybrahim ang nangyari kina Amihan at Lira sa Lireo, at ang kanyang pagnanais na mailigtas sila mula sa kamay ni Pirena.