Ang Panaginip ni Ybrahim

3K 51 5
                                    


Sa pinagtataguan ng mga tapat sa reyna, bakas ang pag-aalala ng mga enkatado at enkantada sa kalagayan ni Reyna Amihan at ni Sang'gre Danaya. Mula nang malaman nila na pumunta sa Lireo ang dalawa para bawiin ang tunay na diwani ng Lireo, ang tunay na Lira, mula sa kamay ni Pirena, ay hindi naaalis ang kanilang pagkabahala. Ipinagdarasal nila kay Bathalang Emre na maayos lamang sila.

************

Lumalaban sa mga Hathor si Amihan, hanggang kanya itong matalo. Itinuro niya ang kanyang espada sa dama ni Pirena at pinagbantaan kung nasaan si Lira. May isang diwata na hindi niya makita ang mukha ang nagpakita kay Amihan at siya'y niyakap.

'Hindi yakap ng ina ang naramdaman ko sa iyo,' rinig niyang sabi ni Amihan. Kay bilis ng pangyayari. May sinaboy ang dama kay Amihan na kanyang ikinahilo, at ang diwata ay umiba ng anyo at naging si Pirena. Tuluyan ng bumagsak ang reyna. Samantala....

Sa isang silid, nakita niyang pumasok si Pirena at ang kanyang dama. May magandang dilag na diwata na roon ay nahihimbing. Binigay ni Pirena ang kutsilyo sa dama at tinangka nitong patayin ang diwatang nahihimbing. "Paalam na, Lira."

************

"LIRA! AMIHAN!"

Biglang pumasok sina Wantuk, Aquil, at Muros sa kubol na tinutulugan ni Ybarro. Nakita nila na humihingal si Prinsipe Ybrahim at tumutulo ang pawis sa kanyang ulo. Ang isang kamay ay pinurong sa kanyang mga mata, at ang isa ay nasa kanyang dibdib.

"Ybarro! Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" Alalang sabi ni Wantuk sa kaibigan.

Ngunit, hindi ito narinig ni Ybarro. Sa isip ng prinsipe, binabalikan niya ang kanyang pinaginipan at lalong natakot sa maaaring kinahitnan ng kanyang mag-ina sa kamay ni Pirena. Hindi niya ito maalis, pati na ang namumuong takot sa kanyang dibdib.

Niyugyog ni Muros ang mahal na prinsipe upang makuha nila ang kanyang atensyon. Ini-angat ng prinsipe ang kanyang tingin, at nakita ng tatlo ang takot sa mga mata nito.

Nagkatinginan ang tatlo, at natanto na nagkaroon ng masamang panaginip ang prinsipe. "Agape avi, Prinsipe Ybrahim..." Panimula ni Muros, "ngunit, kung ano man ang iyong napanaginipan, mananatili lamang na panaginip ito. Kung kaya't kalmahin mo na ang iyong sarili."

Ikinalas ni Ybarro ang sarili sa pagkakahawak ni Muros. Mababakas sa kangyang mukha ang galit, sakit, takot, at pag-aalal. "Hindi! Hindi lamang iyon panaginip. Kung panaginip lamang iyon, bakit ako nakararamdaman ng ganito?! Itong takot... at paghihinagpis nina Amihan at Lira?!" Sigaw ni Ybarro, na may halong takot sa kanyang tinig. Ang kanyang mga mata'y pinipigalan ang mga luha na gustong dumaloy sa kanyang mukha.

"Ybarro, huminahon ka. Sabi nga ni Muros, panaginip lamang iyon." Pagpapakalma ni Wantuk. Kanya itong inakbayan nang mahigpit, at naramdamang nanginginig ang kaibigan. Nag-aalala siya para rito, kung mula sa isang panaginip lamang ay ganito na ang kanyang takot.

Tiningnan nang maayos ni Aquil ang prinsipe - humihingal at puno ng pangamba. "Kamahalan, kung inyong mararapatin, maaari bang sabihin niyo sa amin kung ano ang nasa iyong panaginip? Baka makatulong kung may pagsasabihan kayo at baka maibsan ang iyong takot." Matapos ng kanyang sinabi, hindi pa rin nawawala ang panginginig ng prinsipe. Napaisip ang mashna, at marahang nagsabi, "Kung nais ninyo, maaari nating hingin kay Pinunong Imaw na gamitin ang kanyang tungkod upang alamin ang kalagayan nina Reyna Amihan at ni Diwani Lira."

Tumingin si Ybarro kay Aquil, at tumango. Huminga siya nang malalim at pinahinahon ang sarili. Aalamin nila ang nangyari, at ipinagdarasal niya kay Emre na hindi magkatotoo - na hindi kailanman magkatotoo, ang kanyang panaginip.

Nang makita nina Wantuk, Muros, at Aquil na tuluyan nang maayos ang kalagayan ng prinsipe, lumabas na sila sa kubol at pinuntahan si Pinunong Imaw. Matapos ang ilang sandali ay sumunod na rin si Ybarro.

Ang Tagapagligtas ng Mag-InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon