Ang Ikinukubling Mga Damdamin

1.7K 29 8
                                    


Inaalagaan ni Danaya ang hadia. Nakahinga siya ng maluwag nang bumuti na ang lagay nito, at muling nagkamalay. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng kapatid, na wala siyang pakialam kung ano ang mangyari kay Mira. Naaawa siya sa kanyang hadia.

Namulat muli si Mira mula sa kanyang pagkatulog. Sinuri niya ang paligid upang hanapin ang kanyang ashti. Naroon ito sa may sigaan at kanyang linapitan at umupo sa tabi nito. Ngumiti siya nang yakapin siya ng kanyang Ashti Danaya, at piniit lalo ang sarili sa yakap nito upang maramdaman ang init ng kanyang yakap.

Makalipas ang ilang sandali, tinanong siya ng kanyang ashti, "Kumusta na ang iyong pakiramdam, Mira?"

"Mabuti naman na, ashti. Avisala eshma sa pag-aalaga sa akin. Nasaan pala si ina? Bakit wala po siya dito?"

"Bumalik si Amihan sa Lireo. May pinadala kasi si Pirena na hibla ng buhok at daliri ni Lira, at ito ang dahilan kung bakit nagpadalos siya sa pagpunta doon."

Ngumiti na may bahid ng lungkot si Mira. "Mabuti pa si Lira. Mahal na mahal siya ng kanyang ina, at gagawin ang lahat, kahit mapahamak, mailigtas lamang siya."

"Mahal ka rin ni Amihan, Mira." Sabi ni Danaya. "At masakit sa kanya ang kanyang nagawa laban sa iyo, ngunit wala na siyang pamimilian. Akala namin na hindi ka sasaktan ni Pirena, na sasang-ayon siya sa aming panukala, ngunit..."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa, ashti. Naintindihan ko kung bakit niyo ginawa ito. Nagseselos ako kay Lira pagkat tunay na ina niya si Reyna Amihan." Malungkot na sambit ni Mira.

Nalungkot si Danaya para sa hadia at hindi niya malaman kung ano pa ang sasabihin. Hinawakan na lamang niya ang kamay nito at pinisil bilang tanda na naririto lamang siya para sa kanya.

Matapos ang ilang sandali, nagkatinginan ang dalawa at parehong nakangiti. Pagkat nakita nila sa hindi kalayuan sina Amihan.


************************

Dinala ni Amihan ang kanyang anak at mga kasama sa kinaroroonan ni Danaya at Mira. Hinawakan niya ang kamay ng anak at hinila ito sa kinatatayuan ng dalawa. Niyakap niya muna si Danaya, bago bumaling kay Mira. Walang mapagsidlan ang kanyang tuwa pagkat maayos na ang kalagayan ng anak.

"Natutuwa ako't maayos ka na, anak." Masayang sambit ni Amihan kay Mira. "Huwag mo na gagawin muli ang pagkitil sa iyong buhay, pakiusap. Hindi ko kakayanin kapag nangyari muli iyon." Maluha-luhang pangaral niya sa anak.

Namumuo na nag luha sa mga mata ni Mira dahil sa pag-aalala ng kanyang ina. "Poltre, ada. Nangangako po ako na hindi na po mauulit iyon."

Hinalikan ni Amihan ang noo niya. "Patawad rin, Mira, sa aking nagawa sa'yo. Hindi ko na sana tinuloy ang aking balak na gamitin ka laban kay Pirena kung ito ang magiging kinahinatnan mo."

Umiling si Mira. "Naintindihan ko po, ina, kaya wala po kayong dapat ikahingi ng tawad." Napaluha si Amihan at guminhawa ang kalooban dahil sa tinuran ng anak. Niyakap niyang muli ito nang mahigpit at nangako sa sarili na hinding-hindi na niya gagawin muli ito maging sa isa sa kanyang mga anak, o sa kahit na sino.

Samantala, natutuwa si Danaya na malaman na nakaligtas si Lira at niyakap ito. "Salamat kay Emre at ligtas ka, Lira."

Ngumiti ng malaki si Lira, "Ashti, natutuwa po ako't nakita ko po kayo ulit."

Hinahaplos ni Danaya ang mukha ng hadia at kitang-kita ang pagkagalak sa kanyang mata. At pinisil nang mahigpit ang mga pisngi nito.

"Aray! Ashti, ang sakit nun ah." Panigaw na sabi ni Lira sa kanya, sabay himas sa kanyang mga pisngi.

Ang Tagapagligtas ng Mag-InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon