1 - PAPER DOLL

4.7K 84 0
                                    


Hindi ako mayaman dahil wala akong manika katulad ng sa kalaro kong si Lyka. Pero sapat na sa akin ang makita ko ang mga magaganda nilang buhok at asul na mga mata.

Hawak ko ang isang paper doll na ibinigay sa akin ng ng kalaro ko. May mga damit ito na sinasabit sa parteng balikat ng doll. Maganda rin ang paper doll pero hindi kasing ganda ng manika ni Lyka na marunong pang kumurapkurap.

Kumuha ako ng suklay at nagkunwaring nasusuklay ko ang buhok ng paper doll ko.

"Ayan! Maganda ka ulit!" natutuwa kong sabi.

Kumuha ako ng bimpo at iniligay iyon sa mesa sa sala at saka ko hiniga ang paper doll ko doon. Hindi ko siya pwedeng itabi sa akin dahil wala akong malaking bimpo para maging higaan.

Inaantok na humiga rin ako sa upuan na mahaba na gawa sa kawayan.  Masakit sa ulo dahil matigas at wala akong unan, hiniram kasi ni kuya ang isa kong unan.

Pero sabi ni tatay, hindi daw ako dapat humingi ng kahit ano o magreklamo dahil wala akong karapatan. Siguro dahil bata pa ako. Pero naniniwala akong mahal ako ng tatay ko, nahihiya lang siguro niyang iparamdam sa akin.

THE UNWANTED DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon