Chapter 1

1.4K 29 5
                                    

Here is it guys :D and take note! Di nato base kina zake kundi kay Erick na at ang buhay niya.

Enjoy reading!

------------

Chapter 1

Ang daming tao sa beach, as usual peak season ngayon kasi bakasyon na naman.

Naka sandal ako sa isang puno ng niyog habang naka tingin sa dagat. I wave my hand nung makita ako nila zake at mike na kumakaway din sakin, naka ngisi.

Napangiti narin ako kahit hindi umabot sa mga mata ko. Nakaka-inggit silang tingnan. Masaya, magkasama at in love. E ako kaya?

Umiling-iling ako bilang pagtanggi sa dalawa nung sinenyasan ako ni zake na lumapit sa Kanila. As much as I love the sea and go swimming at magkipag laro sa kanila... Alam kong makakasagabal lang ako sa dalawa. Kakabalik lang ni mike kahapon at alam kong na miss nila ang isat-isa kaya hindi naku magpapaka-epal.

Mahirap ng maging third wheel.

Okay na yung makita kong masaya ang bestfriend ko at least may nakakaranas ng kasiyahan na tulad sa kanila.

Nginitian ko silang dalawa bilang assurance nga okay lang ako bago tumango si zake at tumakbo na papunta sa dagat hawak-hawak ang kamay ni mike.

Ilang minuto din akong nakatayo lang sa may puno hanggang sa hindi ko na matiis ang nararamdaman kong lungkot, bagut at inis sa mga taong nakapalibot sakin.

Ayaw kong magpaka-bitter pero anong magagawa ko? Sa ang saya nila habang ako dito...

Nag-iisa.

Umalis naku sa pagkakasandal sa puno at nag simulang maglakad papalayo sa beach, pa tungong hotel namin.

Makatulog na nga lang.

--------------------------

Nagising ako sa ingay ng pinto. Ugh, sino ba yang kumakatok at parang wala ng bukas sa lakas. Kaninis oh!

Parang zombie akong naglakad papuntang harapan ng pinto ng hotel room ko habang pakamot-kamot sa likod.

I yawn bago ko binuksan ang pinto.'anong kaila- woah' pagsimula ko pero napatigil nung bigla akong yakapin nung lalaki sa harapan ko. What the-

Naka dilat ang mata at sinusubukang itulak ang lalaki papalayo sakin. 'Uhmm, dude mukhang naliligaw ka ata' pero ang higpit ng yakap niya sakin. Lalakasan ko pa sana ang pag tulak sa kanya papalayo pero natigilan ako nung magsalita to.

'Mmmm... Ralph, I miss you, alam mo naman na mahal na mahal kita kaya bat ka umalis? Ba't mo ko iniwan?I love you so much' sabi nito. Sinong Ralph pinagsasabi nito? Tsk tama nga ko lasing nga at napagkamalan paku!

Naguguluhan naku sa pinagsasabi ng gong-gong at kinakabahan pero nung naramdaman ko na yung labi niya sa leeg ko ay otomatikong lumipad yung kaliwa kong kamay sa mukha niya at yun! Knock out ang manyuck.

'Eerrrr...langya at may balak pakong rapin tsk' sabi ko habang nakahimas sa parte ng leeg ko na hinalikan ng gago.

Tiningnan ko lang ang nakatihayang gago habang nag-iisip. Anong gagawin ko dito?? "E di ireport mo sa management" sagot naman nung isip ko sakin.

Inalog-alog ko muna ang ulo ko para mawala yung antok bago ko siya tiningnan uli.

Sinipa ko ng mahina ang baywang niya para itesting kong tumba na nga ba at nung di gumalaw ay napahinga ako ng malalim bago dumuko.

Alam kong mali at pwede kong ikapahamak to pero yun yung nasa isip ko na dapat gawin kaya binuhat ko ang gago. Nahirapan ako sa bigat niya ang tangkad kasi pero awa ng diyos nakarating din sa Kama.

Ngayong nakahiga nato sa kama ko ay nagkaroon naku ng pagkakataong tingnan siya ng maayos. Sabagay may itsura ang mokong mas gwapo nga lang ako sa kanya though mas matangkad siya ng mga 3inches sakin. Naka jeans at band t-shirt sa kaya malamang galing sa club to at napagkamalan ang kwarto ko. Tsk mga lasing nga naman.

Umupo muna ako sa white chair sa gilid ng kama katabi ng sliding door sabay silip sa kurtina at tama nga ko, gabi na at pag tingin ko sa wall clock, napa dilat ako ng mga mata.

Shit ganun kahaba yung tulog ko?! Mag aalas dose na ng gabi at mga alas kwatro ako nung bumalik dito.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakapikit ang mata. Mukhang di na naman ako makakatulog nito uli ngayon pat may lasing sa kama ko.

Tiningnan ko uli ang lalaki sa kama ko habang tumatakbo sa isip ko ang katagang...

Am I doing the right thing? Sino kaya ang gagong to?

A Stranger gives me love (book 2) (Tagalog boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon