Chapter 7

272 13 4
                                    

Chapter 7.

Sa mga sumunod na linggo ay medyo nasisikmura ko na naman ang presensya ni kent, at dahil nga magkaibigan sila ni zake, minsan ay nagkakasabay na din kami sa mga lakad... gaya  ngayon.

"So naka pili ka na ba zake?" Tanong ko habang pumapapak ng popcorn.

" Ou" tumango siya sakin. "Hinihintay ko pa si mike parating na daw".

Inalok ko sa kanya ang popcorn pero umiling siya ng pagtanggi. Nilibot ko ng tingin ang lugar, at napansin na medyo madaming tao, seguro dahil sabado ngayon. Wala naman akong napapansin pang pamilyar na mukha kaya binaling ko uli kay zake ang atensyon ko habang lumalamon ng popcorn, ubos na to bago pa ata kami maka panuod ng sine sa tagal nung dalawa, oh well good for me haha.

Mga 10 mins na kaming naghihintay, at ubos na din yung popcorn ko pero wala pa ding mike at kent.

Aakmang tatayo na ko para bumili ng juice ng biglang...

"Meow!"

"Ay tanginang gago!" Wala sa oras kung sigaw dahil may siraulong nanggulat sakin! Akala ko talaga kinagat ako ng pusa sa paa ko! Ugh.

"So ang saya mo na non?" Nanlilisik mata kong tanong kay kent. Ngumisi lang talaga ang gago at tumango.

Aaaayst! Pakasarap talang bugbugin to! Pero dapat mag pigil. Truce daw truce.

"Paka childish" sabi ko sabay ngiwi sa kanya.

Maysasabihin pa sana si kent ng biglang nagsalita si zake.

"Hi kent! Andito ka na pala good2" pa tango-tango niya habang naka ngiti.

"Si mike ba, paparating na?" Tumingin uli si zake sa cellphone niya sa tanong na yun ni kent at biglang nagbago na naman uli ekspresyon ng mukha.

"Something's wrong zake?" Tanong ko.

"Um... ah... ano may problema kasi sa..." tumingin uli siya sa cellphone niya " ano.. ah! May problema sa parking lot, yep! Puntahan ko nalang muna si mike don ah." Ngumisi lang ito at tinabi ang phone niya sa bulsa.

Aalukin ko sana siya ng tulong baka kelan ni mike pero nag simula ng maglakad si zake.

Huminto muna ito tsaka lumingon samin ni kent. "Hintayin niyo nalang kami dito, mabilis lang kami promise!" Bago nagmadaling maglakad uli.

Naka tingin pa din ako sa direksyon kung saan naka tayo si zake mga ilang segundo lang nang marining ko ang pagbuntong hininga ni kent.

"Let's buy some popcorn " at nag lakad na siya papunta sa food corner ng cinema.

Habang naka pila si kent para omoder ,nag text naman si zake.

" eriiick, soooorry baka matagalan kami ni mike dito kasi kinakausap pa niya si guard. Nasasayo naman ticket niyo ni kent diba? Ma una nalang kayo susunod nalang kami" maykasama pang smiley na emoji sa dulo ng text. Ngayon medyo nag aalala na tuloy ako sa dalawa. Ano ba kasi nangyari don. Sumagot nalang ako ng okay at mag text kung kailangan ng tulong.

"Bat naka simangot ka na naman? "

Pinakita ko kay kent yung text ni zake at pati siya napa kunot ng noo.

"So, papasok na tayo?" Tanong ko habang binubulsa ang phone.

Nag kibit balikat si kent bilang sagot.  "I guess so, akin na ticket."binigay ko naman sa kanya at nag simula na kong maglakad papuntang cinema two.

"Uy, mali yang papasukan mo, dito tayo sa three" natigilan ako at nilingon siya. Naka kunot noo kung kinuha ang ticket para basahin uli at tama nga, sa cinema three kami pero akala ko ba horror panunuurin namin bakit " drama? Seryoso?" Nag kibit balikat lang uli si kent at nag lakad na papuntang entrance ng cinema three.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Stranger gives me love (book 2) (Tagalog boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon