Chapter 5

580 13 0
                                    

Chapter 5

Kinabukasan, Nakangiti at masigla akong pumasokng sa gate ng UNI. Bumabati sa mga kakilala ko habang naglalakad papauntang building ng department namin, pati nga si guard binati ko.

Pagkapasok ko palang sa lab namin ay sinalubong agad ako ng dalawa ko pang kaibigan sa year level ko. Si Trisha at Mika(pronounce as myka). Nakangiti sila sakin pagpasok ko sabay sabi ng 'good morning!'at pagkadinig ng iba ko pang kaklase ay sunod-sunod na silang bumati sakin.

Nakangiti parin ay binati ko din sila ng isang malakas na 'good morning guys!' Bago ako naglakad papunta kina trish na nasa gitna.

'Morning uli' bati ni mika sakin.

'Yeah morning, anong na miss ko kahapon?'direkta kong tanong sa dalawa nung maka-upo naku sa upuan namin at naka sandal ang batok sa table na naka stasyon samin.

'Aside sa pagsusungit ni ma'am grace at pangmamaliit samin ni ma'am bebz... Eh, wala namang nangyari don't you worry don't you worry chi-ild! Hindi lang naman ikaw ang absent!' Napa simangot ako sa pag kanta ni Mika ng 'don't you worry child' kasi halatang wala sa Tono at alam kong ginawa lang niya yun para inisin ako dahil alam niyang ayaw ko sa mga kantang tulad nun. Kasakit sa tainga. Ngumisi naman ang dalawa sa reaksyon ko.

'Eerr... Wag mo nang kakantahin yun, last na ah sakit mo sa tainga' nag pout naman si Mika sa sinabi ko habang tumawa ng mahina si Trisha sa tabi ko. 'Tsaka, grabe naman kayo ganun lang talaga sila ma'am mabait naman sila they just want to encourage us with their 'words' para magsipag pa tayo dahil nga nasa third year level na tayo.' Ngayon, si Mika naman yung napa simangot at ako naman yun napatawa sa sinabi ko. Hah, kahit nga ko alam kong hindi Totoo yung mga sinabi ko. Tsk.

'Sayo mabait sila kasi paborito ka nila ang talino mo kasi kaya bes, paminsan-minsan I open mo naman yang Bluetooth mo at e share yang brains mo samin' naka-pout parin si Mika pagkasabi niya nito. Napa tawa ako ng mahina sa sinabi ng kaibigan ko. Siguro nga medyo mahigpit sila ma'am pero hindi naman talaga sila mabait sakin they just favored me on some occasions kasi kilala nila ang parents ko I know I'm not that smart.

'Tama na nga yan, may mas maganda akong nasagap na balita kahapon' umpisa naman ni Trisha. Na intriga naman ako kasi minsan lang to mag-bigay ng importansya pag tungkol sa tsimis kaya alam kong maganda to. Tumagilid ako at hinarap si trish; pati si Mika ay na curios din kaya nilapit ang sarili ng kunti dahil nga nasa kabilang dulo siya ng lamesa.

Tumingin muna si Trisha sa paligid namin bago to ngumiti. 'I heard na may bagong club VP na daw tayo kasi nga ikaw na yung magiging club president -oh bakit di ba Totoo?' Tanong ni Trisha nung tinaasan ko sa ng kilay. Alam ko naman yung usap-usapan na papalitan daw nila yung president namin dahil busy na nga si ate Cher sa internship niya at yun na nga baka ako 'daw' ang papalit. Hindi ko naman iniisip masyado. Hindi nako nagsalita at nagpatuloy sa pagsasalita si trish. ' kay ate Cher na nga nanggaling yun pero anyways... Balik tayo sa bagong VP natin. From what I've heard matalino, mabait galing daw to sa mayamang pamilya and most importantly gwapo pa! At na confirmed ko to kahapon!' Tili ni trish pagsabi ng 'gwapo' na sinabayan din ni Mika. 'Aaayyye! Bagong hot boy nanaman sa department natin!' Tili ni Mika naku kung boys na talaga pag-uusapan wala na talaga, hopeless talaga tong dalawa at here I am thinking na kung ano tong balitang to.

Tsk. Wala din pala si trish pag boys na pag uusapan akala ko manhid to hehe.

'Yun na yun? Akala ko naman kung anong bagyo nanaman ang tatama sa bansa, tsk ikaw trish ah nahahawa kana kay Mika, you're turning into a woman already oi may crush na siya' kantyaw ko kay trish at na mula naman ang pisngi.

'Shut up Rick, madami na naman akong crush ah di ko lang sinasabi' depensa ng namumula kong kaibigan. Yeah, at isa naku sa mga crus mo. Sasabihin ko sana yun pero mukhang magiging Kamatis nato sa hiya kaya tumawa nalang ako bago ako napatigil dahil sa sapak sakin sa likod ng ulo.

'Hmmp, anong nahawa sakin?! Eh ikaw nga yang nagtuturo samin ng kalandian if I know gusto mo rin makilala yung bagong classmate natin kasi hot yun denial ka lang! Bleh!' Parang batang sabi ni Mika sakin na sinagot ko naman ng droll face.

'Huh wala akong paki dun I'm here for one purpose and that is to study yun lng yun sayo na yan kung sino man yan' sagot ko kay Mika.

She mada a face at that bago siya tumingin kay trish ng naka kunot ang noo.

'Oo nga, ano nga pala pangalan niya?'.

'Ah eh Ke-' pero bago pa matapos ni trish yung sasabihin niya dumating naman si Sir Ramon- nag-iisang lalaking faculty member sa department namin. Agad namang tumahimik ang lahat ng kaklase ko pagka kita kay sir pati ako natahimik at napanganga-

No. Hindi dahil kay sir kung hindi dahil sa kasama niya at sa pagpatuloy ni trish sa sasabihin niya ng pabulong habang nag-aayos ng upuan habang ako naman ay nacemento sa upuan ko.

'Kent Jun Park yung pangalan niya'

At hindi pa sana ako maniniwala na siya yun kung hindi lang sa tili ni trish pagka pansin niya sa harapan namin.

'Eeeehhh... Siya yun!

'

A Stranger gives me love (book 2) (Tagalog boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon