Chapter 5

7 2 0
                                    


Ricky P.O.V

Nagdaan na ang ilang araw pero di pa rin mabura sa isip ko yung itsura ni anica. Ewan ko ba kung bakit laging tumatakbo sa isip ko sya. Buti na lang di sya napapagod. Hahaha

Kagigising ko lang din kasi first day of my hell school nanaman naku!!!  Bumangon na ako at inayos ang aking hinihigan paglabas ko nakita ko si nanay na nagluluto at si tatay naman nagkakape.

"Good morning tay at nay! " bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning anak! "Sabay na sa nila.

"Halika na at kumai na tayo di ba papasok ka na ngayon sa skwelahan nyu? " tanong sakin ni nanay

"Opo nay! " sagot ko at tinulungan kong mahanda ng pagkain si nanay at naupo na.

Kumain lang kame ng tahimik. Nang matapos kameng kumain naghugas na ako ng pinggan.

Naligo na rin ako at nagbihis ng uniforme ng school long sleeve na puti na sobrang laki sakin tapus pantalon na blue na sobrang luwang sakin nagmumukha tuloy ang mataba. at blue necktie na may logo ng school namin. U na malaki tapos na sa loob ung k.  Kasi "KU" ang initial ng school namin means kazami university.  Isa sa pinakasikat na paaralan sa buong mundo. Buti nakapasok pa nga ako dito bilang scholar eh. Nagsuot na rin ako ng eye glasses ung pangnerd talaga.

Nagpaalam na ako kay nanay at tatay na aalis na naghintay lang ako ng masasakyan.  Nang may dumating na jeep sumakay na agad ako papunta sa school.  Bumaba na ako sa kanto at naglalakad napansin ko din na marami ng magagarang sasakyan ang nadaan dahil alam mo na?  Mayayaman sila eh at may kaya bumili ng ganung sasakayan.

Nakarating na ako sa gate at pumasok na..  Na walang nakakaramdam ng presensya ko ni isa sa kanila.  Oo loner ako dito gusto ko lang mag isa ako. Makikipagkaibigan lang naman sila sakin para mangopya ng assignment o kaya sa quiz kaya mas gusto ko na lang mapag isa.

Dumaretso ma lang ako sa aking room.  Nadatnan ko ang aking mga kaiskwela na maiingay at dumaan ulet ako sa kanila na parang walang pakealam.

Naupo na lang ako sa pinakadulong parte ng room na katabi ko ay bintana na masarap pagmasdan ang tanawin at masarap din ang simoy ng hangin. Nagulat na lang ako ng may biglang tumabi sa akin at pagtingi ko sa kaya isa din syang nerd pero cute naman tingnan siya at ang mas kinabigla ko ay nginitian nya ako. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ng dahil sa ngiti nyang yon. Napa owas na lang ako ng tingin at tumingin na lang ako sa bintana. Maya mayay may kumalabit sakin buti na lang di pa dumadating teacher namin. Napatingin ako sa katabi ko dahil sa pagkalapit niya sakin.

"Hi!  Im kate collins. Pwede ba kitang maging kaibigan alam mo na transferee ako eh kaya wala akong maka usap kung pwede?? " mahabang lintaya nya wala na akong nagawa dahil teansferee sya eh.

"Okay!  Im ricky samonte!  Nice to meet you! " ngiting makilala ko.

Biglang dumating yung teacher namin dahil first day of school nga ay nagpakilala kame isa isa sa harap. Nung nasa likod na tumayo si kate at pumunta sa harap. Nagpakilala sya pero walang nakinig so umupo na lang sya habang naglalakad sya ay tumayo na din ako para makapagpakilala. Nang malapit na kameng makasalubongan ay may pumatid sa kanya kaua dali dali ko syang sinalo. But it was a wrong move. Dahil sobrang lapit ng mukha na kaya napatitig ako sa mukha nya. Bigla ko na alala si anica. Natauhan ako at bigla akong napalayo. When i saw her face. Damn red as tomato

"Are you alright? " i ask her

"Y-yeah thanks" pagkasabi nya non lumakad na ako papunta sa harap. Nagpakilala. Katulad ng nangyari kay kate walang nakinig kahit may teacher sa harap.

"Ayan na pala si mister genius. Hahaha"

"Alis ka na dyan. "

Naglakad na lang ako pabalik sa upuan ko at nagdiscuss na lang yung teacher namin. Nakikinig din ako ng may bigla nanamang may kumalabit sakin.

Pagtingin ko si kate pala. Ano nanaman kaya problema nito?

"Bakit? " tanung ko sa kanya habang naka focus yung mata ko sa tinuturo ng teacher.

"San ka kakain mamaya?  Pwede bang makasabay kaw palang kilala ko dito eh" sabi nya ng nakanguso kaya di ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil sobeang cute na. Iniwas ko na lang bigla ang aking mata ng mapatingin siya sakin.

"Okay pero may baon ako kung wala kang baon samahan na lang kita sa cafetria mamaya" at pinagpatuloy ko ng ang pakikinig sa guro.

Natapos ng aming pang umagang klase at niyaya ko syang magpunta sa cafeteria dahil wala syang baon. Habang naglalakad kame ng bigla na lang syang natumba at mas nagulat ako ng tingnan ko kung sino ang nabangga niya. Ang queen ng school sya din ang number one na nangbubully sa nerd at scholar na kagawa ko.

"Look what have you done ? " naggagalauting sabi ni Joy Mendez ang queen bee.

"Sorry po" sabi ni kate kaya tinulungan ko syang makatayo at nakatungo lang sya habang humihingi ng paumanhin kay joy.

"No!  You ruined my new uniform . Bitch" at bigla na lang sinampal si kate dahil hawak hawak ko sya naalalayan ko sya.

"Im so sorry! " sabi ni kate tinulungan ko ng maglakad palayo si kate . Pero bagu pa kame makalayo narining naming sumigaw si joy.

"ILL MAKE YOUR LIFE HERE LIKE A HELL"

Nakalayo na kame at nagpunta na sa cafeteria at bumili na nag makakain nya at pumunta na kame sa garden kung saan madalas ako kumain at tumambay kapag vacant time.

____________________________________

Vote.  Comment.  Follow.

xbLackEmperoRx

The Nerd LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon