"REEEAAAA!" Napagulantang ako sa lakas ng boses ng may ari nitong apartment na inuupahan ko. Kasunod non ay sunod sunod na malalakas na katok. "Anjan na po" malakas ngunit mahinahon kong sagot. Hay, ano nanaman yun? Akala mo naman napaka ganda ng apartment na to, eh isang hipan lang ata gigiba na eh.
"Ano po yon?" Tanong ko nang mabuksan ko na ang pinto nitong apartment na puro anay na. Inilahad niya ang kamay niya. AGIII! OO NGA PALA, DI KO PA NABABAYARAN ITO. MAGTA-TATLONG BUWAN NA. "Ahh, ehh. Aling Selda, baka naman po pwedeng palugit niyo na saken yun-" hindi pa ako tapos magsalita ay bunganga nanaman niya ang narinig ko
"Haynako! Ako'y tigil-tigilan mo ha Lorea." Lorea? Sino yun? "Umm. Lorean po." Pero sinigawan nanaman niya ako. Hay, araw araw ganto! Hindi ko na matitiisan to. Wala pa akong mahanap na trabaho simula ng makapag tapos ako. Mahihirapan ako neto. "Wala akong pakealam sa pangalan mo. Magbayad ka o Aalis ka?" Mataray niyang sagot. Bumuntong hininga nalang ako. "Sige po."
"Pag Wala ka pang binayad saakin pasensyahan nalang tayo." Sabe niya habang tinataasan ako ng kilay. Tsaka siya umalis. Sinara ko na ang pinto ko at bumuntong hininga. Kailangan ko na talaga magbayad. Mahihirapan ako maghanap ng murang upa kapag hindi pa ako nakapag bayad. Hays, nakakahiya naman kung babalik ako sa bahay ng kaibigan ko.
"Jane?" Sambit ko sa telepono. "Yes? Why?" Yan si Jane, ang kaibigan ko simula nung ako'y elementarya. "Baka naman may alam kang job opening. Kailangan ko na talaga eh" bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "Wala eh. Bakit? Sinungitan ka nanaman nung bakulaw jan? Haynako. Sabe ko naman kase sayo dito ka nalang okay naman kay mommy para di lang kame tao dito. Tsaka para mo nang nanay to noh, Aarte kapa." Daldal naman. Haynako. "Wag na noh, nakakahiya"
"Ayan ka nanaman! Alam mo, tigil tigilan mo yang pagiging Mabait, mahinhin o kahit ano mang kashitan mo sa buhay. Sa sobrang bait o hinhin mo inaabuso ka na ng ibang tao." Ayan nanaman siya sa mga payo niya. Hindi ko naman pinapakinggan. "Try mo magalit one time lang" Dagdag pa niya. "Ewan ko sayo. Bye na nga" sagot ko at baba sa kanya ng telepono.
Ano bang trabaho Pwede kong kunin? Kahit ano basta yung Mataas ang sweldo, kahit ano lang talaga makaalis lang ako dito sa bulok na apartment na to.
•••••••••
3 Hours Later
"Isang grupo ng mga lalake, nakitang nagma-marijuana sa isang club. Timbog, ngunit nakapag pyansa rin sa tulong ng isang magulang." Rinig ko sa radio habang ako ay naghahanap ng trabaho sa dyaryo. "Ayon sa nakakita matagal na daw gumagamit ang grupong iyon, dahil madalas silang tumambay sa nasabing club." Grabe ha? Matagal na pala bakit ngayon lang nahuli? Mga pulis nga naman.
"Nakilala ang mga lalakeng ito sa ngalang DL ngunit walang nakakaalam kung anong ibig sabihin nito. Nagsilbing palaisipan sa nakakarami kung sino ang magulang na nagpadala ng pang pyansa at tinanggap ng mga kapulisya." Wala namang nagbago basta pera automatic na yan sa mga pulis. Tindi naman ng nga lalakeng yun ah, uulitin lang nila yang mga kalokohan nila.
Makaalis na nga para makahanap na ng trabaho. Cross fingers sana meron.
••••••••
Nakakita ako ng for hire kahit saan pero pag nagtatanong ako, hindi na pwede o kaya may nakakuha na kapag wala naman hindi pasok sa age ko. Ano ba hanap nila? Yung uugod ugod na? Sus.
Teka, yung jollibee pwede ata crew eh, tanong ko nga. "Ate pwede po ba mag apply ng crew dito? O kahit ano na lang po basta meron" sambit ko sa babaeng nasa counter. Ngumiti siya pero umiling "sorry po pero hindi na po kame tumatanggap eh." Napabuntong hininga ako at tumango.
Saan ako maghahanap ng trabaho? Gabe na pero wala parin talaga. Tuluyan na ata akong mapapalayas sa apartment na yun.
Naglalakad ako papuntang apartment ko ng maka Rinig ako ng pagtatalo. Sa may iskinita. Sinilip ko kung ano yun, grupo ng lalake pero actually Lima lang sila. Tapos merong isa na nakasandal sa pader habang kinakausap niya yung isa pang lalake na parang nagmamakaawa sakanya.
"Pre pwede naman natin pagusapan ng maayos to eh." Yan ang narinig ko sa lalakeng nagmamakaawa nga. Hindi ganon kalayuan sa lugar ko pero ramdam ko ang ngisi ng lalakeng nakasandal sa pader. "Sinumbong mo kame sa mga pulis, akala mo ba ganon lang kadali yun?" Sagot naman niya. Lumuhod yung lalake sa harapan ng lalakeng nakasandal sa pader.
Mahirap man paniwalaan pero, sila ba yung?
"Pre hindi ko naman sinasadya eh, napagutusan lang." Sagot muli nung lalakeng nakaluhod. Sa isang kurap nasa sahig na yung lalake napatakip ako sa bibig at nanlaki ang mata ko. Sila nga yun. Kumabog ng malakas yung dibdib ko ng lumingon sa direksyon ko yung lalakeng nakasandal sa pader na sumapak sa lalakeng nagmamakaawa (gulo no? Di ko kase kilala eh) napaatras ako ng makita ko ang ngisi sa kanyang labi, Madilim man dahil sa isang poste lang pero kita ko ang mahubog niyang katawan at magagandang mga mata.
Napaatras ako at naglakad ng Mabilis papunta sa apartment ko na di kalayuan dito sa iskinita. Hindi ko aakalain na makakasaksi ako ng ganito. Sila ba yun? Hindi parin ako makapaniwala, nanginginig parin yung buo kong katawan. "Sino siya?" Isang matipunong boses ang narinig ko saaking likuran, hindi ko siya nilingon sa takot kong makita na sila yun. Kaya tumakbo ako papunta sa gate ng apartment at nilock ito.
"Rea?" Napatalon ako sa Gulat ng may kumalabit sa balikat ko "anak ng tupa!" Nilingon ko kung sino iyon. Si aling grace lang pala. "Okay ka lang ba hija?" Tanong niya. Unti unti kong hinabol ang hininga ko sabay tumango. "Bakit parang Pagod na Pagod ka? Okay ka lang ba?" Tanong niya muli. "Opo. Kailangan ko lang po magpahinga." Sambit ko saknya sabay punta sa kwarto ko.
Sinara ko ang pinto ko at nilock ito, hinga ng malalim. Wag mo na isipin okay? Hayaan mo na yun. Wala lang yan hindi mo na ulit yan makikita.
Sana. Hindi mo na talaga ulit sila makita...
BINABASA MO ANG
His Property (Short Story)
Short StoryLorean Mandellago A very independent woman that have goals in life. To be successful. But she has a difficult time finding a job for her own. She is so desperate to find a job. "I think this is my destiny. To live by my own, struggling alone." - Lor...