Chapter four

41 2 0
                                    

Naisipan kong maglakad pauwi sa apartment ko Tutal malapit lang naman. Pero actually, hindi ganon ka lapit. Kailangan mo parin mag jeep, pero dahil mas kailangan ko ang makapag Isip naglakad na lang ako.

Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Ang weird kase kung hindi ko siya makikita kapag pumayag ako diba? Pero... Mas napapaisip ako sa sinabe niyang "manly needs" nabuhay ako ng 21 years na hindi nakakaranas ng kahit anong sexual na panga-ngailangan. At ayokong ibigay ito sa taong hindi ko mahal.

Kung sakaling pumayag ako, hindi naman ako papayagan sa gusto niyang mangyare. Pumasok ako Bilang maid at Bilang maid lamang, wala ng iba. Ngayon kung hindi siya makikinig sa mga ayaw ko, hindi ko nalang tatanggapin. Kahit Gaano pa kalaki ang sweldo, basta kapag ayoko. Ayoko.

Makalipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa apartment ko. Laking Gulat ko ng makita ko ang mga damit sapatos at iba pang kagamitan na nasa labas ng pinto. "Hala! Ano to?!"
Sambit ko. Pinulot ko ang mga damit at gamit ko, sinubukan ko buksan yung pinto pero wala nakasarado. Pinalayas naba ako?! Hayy.

Saan naman kaya ako pupunta neto?! Biglang tumawag si jane "hello?" Sagot ko. "Ano Balita?" Sagot naman niya. Bumuntong hininga muna ako, sasabihin ko ba saknya? Yung tungkol sa trabaho? "Pinalayas na ako dito sa apartment ko." Oo yan nalang para maalis sa Isip niya. "Ano?! Saan ka matutulog ngayon?"

"Hindi ko alam." Sagot ko saknya. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong umiiling siya sabay hinga ng malalim. "Susunduin kita jan." Sabe niya. "Hindi na wag na. May trabaho naman na ako dun nalang ako makiki tulog" pagsisinungaling ko saknya. "Ano naman?" Ano ba pwede? Magisip ka Rea. "S-sa salon." Sagot ko. Okay, boset.

"Salon? Ano namang alam mo sa kaartehan?" Sagot niya. Wala. Pero, joke lang naman yun eh. "Tuturuan daw ako ng mga basics muna." Pagsisinungaling ko ulit saknya. "Nagsasabe kaba ng totoo?" Patay na. Hay, Jane kung alam mo lang.  "Oo Sige na. Tinatawag na ako." Yan ang Huli kong binaggit bago ko binaba ang phone. Kahit hindi totoo sana kahit papaano napaniwala ko siya.

Napaupo ako sa tapat ng pinto at sumandal dito. "Hayyyyy"

"Rea?" Napalingon ako kay manang grace na nilalapitan ako. Tumayo ako at nagmano saknya. "Magandang gabi po." Sambit ko saknya. Ngumiti siya pero Bakas saknya ang pagaalala. "Anak, bakit ka naman nandito sa labas? Gabi na" sambit niya saakin. "Wala po." Sagot ko naman. "Pinalayas kana ba ni selda?" Tanong niya muli. Tahimik lang ako at pinilit Ngumiti. "Ang babae talagang yun. Saakin ka muna matulog gusto mo?"

Gusto ko man pero nakakahiya. "W-Wag na po. Baka maabala ko pa kayo eh" sagot ko naman. Ngumiti siya at sabay iling "ano kaba! Sa tagal na nating magkakilala apo na turing ko sayo. Kaya wala ka dapat ipagkahiya" nginitian ko siya pero mas nagmatigas ako. "Wag na po. Pupunta na po kase ako dun sa amo ko eh." TEKA! SAAN NANGGALING ANG MGA SALITANG YAN?! REA? NABABALIW KANA BA?!

"Mabuti naman at tinanggap mo yung trabaho." Nakangiti niyang Banggit. Tumango nalang din ako at nagpilit ng ngiti. "Sige po Mauna na ako." At nag Paalam na din siya saken. Bit bit ko ang mga gamit ko Buti na lang ay kasama niyang inilabas ang maleta ko at pwede ko ilagay lahat.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa loob ng subd. Rea, ito na yun. Papayag ka, wag ka kabahan. Pero kinakabahan talaga ako. Ano kayang pwedeng mangyare?

Joseph

Rea? Asan ka? Sinabe saken ni Lola na pinalayas kana daw sa apartment. Saan ka pupunta ngayon?

Hi, Joseph. Papayag na ako sa trabaho. Salamat sa concern.

Talaga? Mabuti naman, hayaan mo. Magkakaruon ka din ng tiwala saknya.

"Manong dito na lang po." Itinigil Ni manong ang tricycle at nagbayad ako. Huminga ako ng malalim pagbaba ko ng tricycle. Ito na Rea. Ito na yun.

Pinindot ko ang door bell at inantay na pagbuksan ako ng pinto. Ilang minuto bago bumukas ang pinto at tumambad saaken ang Isang matipunong lalake, mas matangkad siya saken kaya dahan dahan ko ginala ang mata ko sa katawan niya pataas. Nagulat ako ng makitang naka boxer lang siya at walang pang itaas.

Pero mas nagulat ako ng magtama ang mga namin. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang buo kong katawa.

Hindi ako makapaniwalang magkikita pa ulit kame. At sa gantong paraan pa. Siya yung lalake na nakita kong nakatingin saken nung Gabe sa may iskenita. Ang kanyang nakakaakit na labi, at mga matang sumisisid sa iyong kaluluwa. Tumayo ang balahibo ko ng ngumisi siya.

Siya nga.

Rea anong Pinasok mo?!

"Sabe ko na nga ba babalik ka." Yan ang mga katagang sinabe niya bago niya buhatin ang maleta ko at pumasok sa loob ng bahay niya.

Rea... Bakit? Hindi mo man lang nahalata? Pamilyar ang boses niya diba? Tanga mo! Sabe mo Di na kayo pwedeng magkita. Eh ano to ha?! Hayyyyy!!!!

Sumunod ako at nilock ang gate niya. Pumasok din ako sa loob ng bahay niya kung saan ko siya natagpuang nakaupo sa sofa. Asan yung maleta ko? "Nasa taas yun maleta mo. Nasa tapat ng pintuan ng magiging kwarto mo" sambit niya. Ang hot niya, sobra. Hindi ko naman inaasahang bumaba ang tingin ko at makita ang- Rea! Tumigil ka nga.

Napatingin ako saknya at ngumisi siya. "You're not bad yourself." Ha? Ano daw? Well nakakaintindi ako ng english pero nabingi ako sa sinabe niya. "Sit here." Singit niya pa habang tinuturo ang tabi niya. Naglakad ako papunta dun at umupo.

Biglang nay kung ano akong nararamdaman sa pagitan ng hita ko. Ito ba yung sexsual attraction sa isang tao? It felt good. Pero bawal. Hinawi niya ang buhok ko pero umiwas ako.

Ayan nanaman siya sa ngisi niya. "Wala akong gagawin wag kang mag alala."

"Maganda ka pala... Pero mas maganda ka Siguro kung wala kang suot."

Nagulat ako sa sinabe niya. Mas lalong lumakas ang nararamdaman ko. Nararamdaman din kaya niya yun? O hindi? Nag crossarm siya at sumandal sa kinauupuan niya.

"I wonder what's so beautiful that's hiding under your clothes." Dagdag pa niya. Hindi ako makatingin ng maayos saknya kaya nakayuko lang ako. "Hey, look at me." Utos niya.

Dahan dahan akong tumingin sa mga mata niya.

Anong meron sayo?

"Are you still a Virgin?"

Nagulat ako sa tanong niya pero imbis na Mahiya. Sinagot ko siya "Yes." Para siyang nakakita ng anghel sa biglang pagtikom ng bibig niya. "May mga babae parin palang tulad mo." Sagot niya.

"Hindi ako tulad ng inaakala mo."

Yan ang Huli kong sinabe bago ako umakyat sa taas.

Hindi naman pala siya ganon ka sungit tulad ng inaakala ko. Pwede naman pala siyang maging tahimik.

Pero hanggang kelan?

His Property (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon