Chapter seven

58 2 0
                                    

REA'S POV

8:27 am na pero tulog parin si JL, naligo na ako at nag almusal na. Habang hinuhugasan ko yung Plato. Pagtapos ay ilalagay ko na sana sa lalagyan pero nadulas as kamay ko at nabasag. Napaatras ako at agad na Pinulot ang nabasag na Plato. "REA?!" narinig ko ang sigaw ni JL mula sa itaas. Nagmadali all pulutin Lahat

"Rea?" Palapit na ng palapit ang boses niya at kumakabog name ang dibdib ko sa kaba. "Agh!" Bigla akong nasugatan sa bubog na sinubukan kong pulutin. "Rea? Anong nangyare?" Inalalayan ako ni JL sa pagtayo, ang laki pala ng hiwa kaya Dugo ng Dugo. "Dumulas sa kamay ko eh. Pasensya na JL" sagot ko saknya. Kinuha niya ang first aid sa kabinet "okay lang. Halika dito gagamutin ko yang sugat mo"

"Paano yung Plato?" Tanong ko saknya. "Ako na bahala jan." Sambit niya umupo kame sa dining table at nilagyan niya ng betadine ang sugat tsaka nilagyan ng gauza sa daliri. "Sa susunod magiingat ka. Pinakaba moko." Tinignan ko siya habang pinapaikot ang gauza sa dalawa kong daliri ng mahaba ang sugat. Hindi ko alam pero suddenly gumaan ng sobra sobra ang loob ko kay JL at parang kumportable na akong kasama ko siya. Ang gwapo talaga niya, gusto ko ulit halikan yung mga labi niya.

Napangiti ako at bigla siyang tumingin saken. "Hindi ba masakit?" Tanong niya. Umiling ako "ginamot mo na eh" sagot ko naman. Ngumisi siya sabay iling. Inayos niya ang first aid at binalik as lalagyan. "Jan kana, ako na magaayos neto." Sambit niya pero tumayo ako at pinanood siyang iligpit ang kalat ko. "Sorry talaga" sambit ko. Itinapon niya sa basurahan yung mga Basag na Plato lumapit siya saken at hinawakan ako sa magkabilang bewang sabay ngisi.

"Wag mo intindihin yan. Ang mahalaga saken, ay ang kaligtasan mo." Kumunot ang Noo ko sa sinabe niya. "Kaligtasan ko? Bakit?" Hindi ko siya maintindihan. "Wala. Basta ipangako mo saken, na kahit anong mangyare.. Mananatili ka sa tabi ko" ang weird niya. Bakit niya saken sinasabe to? Ano bang gusto niyang iparating. "H-hindi kita maintindihan."

Ngumiti siya sabay yakap saken ng mahigpit. Inangat ko ang kamay ko at niyakap din siya ng mahigpit. "Please. Promise me you'll stay by me." Sambit niyang muli. Pero kung gusto niya "promise.. I'll stay." Yan ang sagot ko bago niya ako halikan sa labi ko at ganun din naman ang ginawa ko.  Bumitaw kame sa labi ng isa't isa pero nanatiling magkadikit ang Noo namin. "And I promise, that I'll protect you.. Till death" Sambit niya. Hindi ko man alam ang ibig niyang sabihin pero panatag ang loob ko saknya. Na kasama ko siya dito, ako, siya at kame.

I find him special every single day.

And I think, I like him. No wait..

••••••••••

Lalabas sana ako para magtapon ng basura kung saan ko narinig na may kausap sa telepono si JL.

"Ano?.. Oo, bakit?.. Nandito siya.. Ano ba yon?.. Tangina wag mo nga akong ginagago, sabihin mo na.. Bullshit!.. Bakit hindi ako ang kausapin niya?!.. Hindi ako papayag. Hindi pwede... Tangina talaga.. Oo."

Yan ang narinig ko sa Usapan nila. Bakit Galit na Galit si JL? Sino ba yung kausap niya? Binuksan ko ang pinto at nilingon niya ako. Nakita ko siyang naka black na v neck t shirt at Pantalon. "San ka pupunta ka?" Tanong ko lumapit siya saken at niyakap ako mula sa bewang. Binitawan ko ang basura at hinawakan ang mga balikat niya. "May pupuntahan lang ako. Rea, kahit anong mangyare. Wag ka muna lumabas ng bahay hanggat hindi pa ako nakakauwi." Kumunot ang Noo ko sa sinabe niya. "Bakit?" Tanong ko.

"Basta wag. Yan ang utos ko, Naiintindihan mo?" Madiin niyang bigkas. Tumango ako at Ngumiti, hinalikan niya ako sa Noo at pati sa labi. "Babalik din ako agad." Sambit niya at umalis na siya. Ano bang meron? Bakit hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinapahiwatig ng mga sinasabe niya?

*bigla silang natahimik "Rea! Labas muna kame saglit ah" sambit ng isang kaibigan ni JL. Tumango ako at ngumiti, ano kayang pinaguusapan nila?

Napansin ko habang nagluluto ako, ay nahulog ang unan sa lapag. Kaya lumapit ako para pulutin to, pero hindi ko naman sinasadyang marinig ang iilan sa Usapan nila "Alam niyo hindi ko maintindihan eh. Kung bakit niya pa dinadamay so Rea dito, ni hindi nga sila magkakilala." Sambit ni JL, bakit? Ano bang pinaguusapan nila? Tungkol saken ba? Ako? Anong ginawa ko? "Gagawin daw Lahat ni-" Yung niluluto ko pala. Sheeeeeeeet*

May kinalaman kaya yun sa pinagusapan nila kahapon? Napapaisip ako sa mga kinikilos ni JL.

Bumilis bigla ang tibok ko ng puso ko at nanlamig ng Biglang may nagtakip ng Panyo sa aking bibig. Nakakaantok ang amoy neto kaya di kalaunan, ay nawalan ako ng Malay...

••••••••

30 minutes earlier

JULIUS'POV

Pagkaalis ko ng bahay ay hindi ko maiwasan ang kaba saaking dibdib, na baka Paguwi ko wala an akong datnan. "Cleo?" Sambit ko sa telepono. "Asan kana?" Tanong niya. "Papunta na ako" sagot ko naman saknya "asan na si Paul?" Dugtong ko pa. "Nandito na. Kasama ang iilan sa tauhan niya." Hindi ko pa nakikita si Paul ngayon pero nangigigil na agad ako. Hindi na ako nagsalita at mabilisang pinatakbo ang kotse ko.

Ilang minuto at nakarating na din ako sa pagkikitaan namin. Pagbaba ko ng kotse, nagtama agad ang nagiinit na titigan namin ni Paul. JL kumalma ka, wag ngayon. Isipin mo si Rea, nagaantay sayo sa bahay. Huminga muna ako ng malalim at Huminto na sa tamang Layo kay Paul. "JL! my good man, it's so nice to see you again." Sambit neto ng nakangiti. Nginisian ko lang siya "by the way, what's her name?" Nagtiimbagang ako "Ohh yeah.. Lorean Mandellago" mapangasar niyang bigkas sabay ikot ng tingin sa mga kasama ko.

"Kumpleto kayo ah. Sino naman kayang nagbabantay sa prinsesa ko? Ha JL?" Tangina wag mokong sinusubukan. "Ano bang gusto mo?" Madiin kong sambit. "Si Rea" sagot naman niya. Umiling ako at ngumisi "hindi pwede" ngumisi din siya at mag cross arm. "Talaga ba? Bakit naman?" Sagot niyang muli.

"Dahil akin siya."

"Hindi na ngayon"

Kumunot ang Noo ko sa sinabe niya. Napangisi siya ng mas malaki "oh? Hindi mo alam? Oo nga pala. Wala ka sa tabi niya ngayon." Hindi ko matitiisan to "tangina mo, Paul." Susugurin ko na sana siya ng Pigilan ako nila Glen "bro easy lang"

"Woah. Ako ba? Kinukuha ko lang yung babaeng dapat akin." Nagtining ang tenga ko sa sinabe niya. "Kahit kelan hindi naging sayo si Rea, at hinding hindi siya magiging sayo!" Gigil kong sambit. "Kinuha mo si Dane noon, hindi ko na hahayaang gawin mo ulit yan kay Rea! Pinatay mo siya!"

"Hindi ako ang pumatay saknya JL. Ikaw!! Ikaw dahil hindi mo siya naipagtanggol noon!"

"Wag mokong ginagago! Alam ko kung sinong pumatay saknya." Tumawa siya ng malakas. Baliw kana paul, I have to protect what is mine. And Rea, she's mine. Mine and only mine. "Sana Paguwi mo may maabutan kapa." Nakangising sambit niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasapak ko siya. Agad ako hinila nila Glen at Cleo para mailayo saknya. "Tangina mo talaga. Kapag hindi ko naabutan sa bahay si Rea, papatayin kita" madiin kong sambit sabay punta sa kotse ko at drive palayo.

His Property (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon