"Sure kana ba sa gagawin mo?" Tanong ni Jane sa kabilang linya. "Oo." Sagot ko, bumuntong hininga siya at ilang segundo ang katahimikan. "Basta magiingat ka ah. Mamaya kung anong gawin sayo nun eh, kapag may mali ng ginawa umalis kana agad. Wag kana mag stay okay?!" Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Sabay irap "Oo na Oo na. Sabe naman kailangan pa daw ng interview eh, masyado atang sagrado ang bahay niya." Sabe ko naman. Tumawa siya sabay mura "Gago ka talaga. Baka pari kaya ganon" natawa naman ako pero agad kong binawe.
"Ewan ko sayo. Sige na" Huli kong Banggit bago binaba ang cellphone ko. Hayy, ito na interview pa lang naman pero kinakabahan na ako. Anu-ano kaya ang mga itatanong saaken? Baka naman halungkatin pa niya buhay ko. Tss, wala naman siyang malalaman na interesado sa talambuhay ko, puro kamalasan at pagsisisi.
Puro- ay Ewan!!! Bahala na kung ano man yung mga yun. Sagutin ang mga tanong kung kaya, kung hindi edi wag. Pero dapat makuha mo padin tong trabaho, grasya na lumalapit.
Naligo muna ako at kumain, mamaya pa naman Siguro yun. Hapon na ako Aalis para Sigurado.
Nang matapos ako maligo ay nakarecieve na ako ng text galing kay Joseph.
Joseph
Good morning Rea :)
Good morning din.
Ang cold naman. Okay ka lang ba?
Oo.
O baka naman kinakabahan ka sa interview mo?
Medyo.
Wag ka kabahan. Mga ilang tanong lang naman siguro yun. ;)
Siguro? Hindi mo din alam?
Hindi eh. Hehehe, Pasensya na.
Okay lang.
Parang masungit ka ah.
Ako? Hindi ah. Hahaha
Sawakas! Kahit sa text Tumawa ka din!!
Ha?
Simula kase nung nagkita tayo di ka tumatawa. Puro ngiti lang kaya parang naisip ko na Mahihirapan ako kausapin ka
Ahh. Pasensya na, hindi kase ako sanay makipagusap sa lalake.
BINABASA MO ANG
His Property (Short Story)
Short StoryLorean Mandellago A very independent woman that have goals in life. To be successful. But she has a difficult time finding a job for her own. She is so desperate to find a job. "I think this is my destiny. To live by my own, struggling alone." - Lor...