Chapter 5

140 10 0
                                    


[Evan's POV]

Naihatid ko na si Matt sa hospital since dun nya iniwan yung kotse niya.
I looked at Elise na tulog sa likod. Pagod pa siguro sya.

"Elise! Uy gising na!" I tried to wake her up.

"Ano ba Evan.. arghhh panira ka talaga kahit sa panaginip ko!"

Hmmm... so panira pala ako sa buhay niya. Haysss sanay naman na ako kay Elise. I guess, lagi akong nakakasira ng buhay ng ibang tao.

"Uhmm baka kasi gusto mong sumabay kay Matt." Kahit gusto ko syang sumabay sakin, isa lang kasi yung way papunta sa bahay nila Elise.

"Hindi na. Sayo na ako sasabay nandito na din kasi ung mga gamit ko eh."yun lang and natulog na sya ulit.

Haysss..... wala na akong nagawa kundi ihatid sya sa bahay nila.

"Oh Evan musta!" Si Tristan pala.
Siya yung kuya ni Elise at tropa ko din. Mabait nga yan si Tristan kaya di ko alam kung paano naging masungit si Elise dahil mabait din naman sila Tito at Tita.

"Ok lang brad. Si Elise kasi nakatulog na dun sa kotse sa sobrang pagod eh nagagalit naman pag ginigising ko pwede paki gising sya"

"Ahh yun ba sige tara."hinintay ko na lang sila.

Maya maya bumalik din sya siguro gising na.Dala na din ni Tristan  yung mga maleta ni Elise.

"Gising na siya susunod na lang daw." Dinala na ni Tristan ung sang katutak na gamit ni Elise sa kwarto niya. Ang dami naman kasing gamit ng babaeng yun akala mo isang taon tumira sa Paris sa sobrang dami ng dala.

"Uhmm Elise. About dun sa kanina,  nakapag decide na ako. Fine, I will      h-help you with Matt"

I guess wala na man ng ibang choice eh. Kung dun sasaya si Elise, pumapayag na ako.


"Really?! Omygheee thank you Evs.
Here nga pala. Yan yung pasalubong ko sayo!" she handed me two paper bags.


"Ano to suhol?"I joked, ibang klase din ako noh? nasasaktan na nga nagagawa pa mag biro.


"Heh ! Pasalubong ko nga yan ingatan mo ha nakow ikaw kasi una kong naisip ng nakita ko yan"  so talaga palang iniisip nya ako minsan.I wonder, ano naman kayo to. Weird kasi mag regalo yang si Elise eh.




Naalala ko pa tuloy nung high school kami.

[Flashback]

Christmas party namin ngayon kaya naman super excited ako! Sa wakas maibibigay ko na kay Elise kay Max at kay Matt yung mga regalo ko.

Nakita ko agad si Matt kaya tinawag ko na sya.

"Hey bro! Eto nga pala yung regalo ko sayo." I gave him the watch na gustong gusto nya talaga makuha dati pa kaya naman yun ang naisip ko iregalo.

"Thanks bro! Here, I know matagal mo na din yang gusto" WOW Ito yung shoes na gustong gusto ko makuha! Ang angas kasi pumorma at pang basketball ko na din.


"Salamat dito Matt, lalo akong gagaling sa pag babasketball kapag ito ang ginamit ko." Syempre pogi ako kaya dapat maganda din ang sapatos ko.


"Ow masaya ka na pala sa regalo ni Chris eh sige hindi ko na lang ibibgay yung regalo ko :3" a girl from my back said.


"Max!! Ang cute cute cute mo magtampo hahaha akin na nga yan ano ba yung regalo mo?" ayos bagong jersey!!!! Tamang tama bago din yung sapatos ko yipieee!!!




"Ehh Evan naman eh wag mo nga pisilin yung pisngi ko ayan tuloy namumula na :3" hays nagreklamo pa hahaha. Si Matt naman patawa tawa lang sa may gilid.


"Sige na nga ang cute mo kasi eh hindi ko mapigilan hhahaha. Oh eto naman  yung gift ko sayo sana magustuhan mo" ibinigay ko na din yung regalo ko sa kanyang perfume na galing pa sa France. Kinulit ko pa nga si mommy para lang bumili nyan eh. Binigay na din ni Matt yung gift niya kay Max which is necklace naman na ang design ay "Max".


Asan na ba si Elise? Ang babaeng yun talaga kahit kelan laging late. Ibibigay ko na kasi sa kanya tong regalo ko eh kaso ang tagal niya naman. :/


"Hi guys sorry na late ako na traffic kasi eh. Hindi na sana ako pupunta tinatamad ako pero naalala ko na baka may regalo kayo sakin kaya napilitan ako" kahit babae siya saksakan din siya ng yabang.




"Hahaha here yan na ung bag na gusto mo bilihin di ba bagong labas yan kaya nahirapan ako kumuha" si Matt ang nauna mag bigay ng regalo kay Elise. Sayang ako dapat yun. Kaso nahihiya na akong ibigay tong regalo ko, seeinghow happy she is sa regalo sa kanya ni Matt.


Ibibigay ko ba o hindi?

Wag na lang pala...

Pero kasi.... sayang naman pinaghirapan ko pa naman to.

Pero masaya na siya sa regalo ni Matt na mamahaling bag.

Pero ginawa ko naman to ng mula sa puso di ba? so dapat kong ibigay?




Aisshhh!!! Ano ba yan! 

Hindi to pwede.... This can't be arghhhh!!!! 

Ang isang gwapong playboy tulad ko ay hindi dapat nagiging ganito ng dahil lang sa babae lalo na kung kay Elise!!!!!! 




Bahala na si Superman na labas ang brief! Ibibigay ko  na din bahala na kung ano man ang mangyari atleast pinaghirapan ko tong gawin.

Inabot ko na din sa kanya yung regalo ko. Actually yun ay sketch ng mukha niya na ako mismo ang nag sketch. Pinaghirapan ko talaga yun at saka madalang na din ako mag sketch  eh. Gusto ko kasi na yung iregalo ko is something na memorable at hindi basta basta lang so i came up with this idea.


Ngumiti lang siya at nag thank you ni hindi man lang tiningnan yung niregalo ko.Haysss nakakainis sya sayang talaga ung effort ko sa pag gawa nun. Inabot niya na din sakin yung regalo nya na nakalagay sa paper bag.


SERIOUSLY???!!?!?!?!?! WHAT IN THE WORLD AM I GONNA DO WITH A STUFF TOY?


Kakainis aanhin ko naman ang isang TEDDY BEAR?!?!?! Grabe pinagmukha nya akong babae sa niregalo nya sa gwapo ko tong to!!!  -_-  Leche Flan talaga bwusit!!



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon