*Rose Pov*
Tahimik lang ang lahat, naghihintay na pumasok si Glen sa classroom... Tiningnan ko si Kath na sinusubo yung kamao niya... Si Irene naman na iniihipan yung bangs nya, si Laika kini-curl yung buhok niya. Biglang tumayo si Kath na ikinagulat namin at sumilit siya sa bintana na parang butiking nakadikit yung kamay at ulo sa bintana...
Nakita ni Kath na dumaan si Glen at napatalon sa gulat ng makita si Kath sa bintana. Agad naman pumasok si Glen at natawa na lang kami nila Laika at Irene sa pinaggagawa ni Kath.
"Glen.... Glen..... Glen......" sabi ni Kath habang papalapit kay Glen na parang na exorsis... Tawa lang kami ng tawa nila Laika at Irene kay Kath.
~End's Pov~
*Irene's Pov*
Napatingin na naman saakin si Glen
"Pres, di ako na inform na Quarantine pala tong room natin para mag-alaga ng Zombie dito." [Glen] Tumayo naman ako sa kinau-upuan ko at lumapit sakanya. Hinawakan ko siya sa kanang balikat at sinabing...
"Glen... Ikaw na ang bahala sa kaibigan namin."
"Ha??" sagot niya.
"Wag na wag mo siyang sasaktan..." sabi ko ulit sakanya.
"Ano bang sinasabi mo?!" [Glen]
"Mahalin mo siya, Glen! Mahalin mo siya!!" sabi ni Kath na parang nagriritual ang dating.
"Teka! Sino ba tinutukoy niyo?! Kung makahabilin naman kayo parang mamamatay na siya." [Glen]
"Matagal na siyang patay!" [Kath]
"Huh?!" [Glen]
"Matagal na siyang patay na patay sayo!!" [Kath]
"Sino ba kasi siya?!" [Glen]
"Si JEAN!" sabay sabay naming apat na sinabi.
"Jean?? Sinong Je---- SI JEAN?!?!" gulat na sabi nya. "Teka! Teka! Sandali nga lang, meron tayong hindi pagkaka-intindihan dito... Kung dahil ito sa nakita nyo kanina... Ito ay isang napakalaking hindi pagkakaunawaan." pagpapaliwanag nya.
"Asus! Wag mo ng itago! Hiya ka pa e." [Kath] napa-face palm nalang si Glen sa sinabi ni Kath.
"Ano ba kasi ang ibig mong sabihin??" [Rose]"Haist! Ganito kasi yan..." sabi ni glen at ikwenento na ang buong pangyayari.
"Ano?! Hinika si Jean?!" [Kath]
"Hindi Kath! Hindi! Ako yung hinika!" pamimilosopo ni Laika. "Tss! Ang OA mo ah... Ang OA... To the highest level na." dagdag nito.
"Hindi ba pwedeng sinisigurado lang??" sarcastic na sabi ni Kath.
"Bakit kailangan mo pang siguraduhin?? Ikaw pa nga ang unang nakakita na buhat-buhat ni Glen si Jean, hindi pa ba sapat yun bilang pruweba??" sabi ko.
"Tss! Oo na... Sige na, tama na." sarcastic na sabi ni Kath.
"So... Pwede na akong ma-upo sa upuan ko??" [Glen]
"Yes, you may go." sabi ko. Lumapit muna siya kay Kath at hinawakan yung kanang balikat nito. Pagkatapos ay umupo na si Glen sa upuan niya.
<[After 2 hours]>
Nag bell na para sa break time... Napansin kong nag lakad palabas ng room si Kath.
"Kath, Saan is pupunta??" tanong ni rose Pero tinignan lang siya nito at muling naglakad palabas.
"Problema nun?" sabi ko ng makalabas siya ng room.
"Badtrip ata?" [Laika]
"Dahil saan??" [Rose]
BINABASA MO ANG
Lihim Na Pagtingin
Novela Juvenil"Mahal kita pero hindi ko magawang sabihin sayo kasi natatakot ako... Natatakot akong iwasan at layuan mo ako... Natatakot akong bigla ka nalang mawala sa paningin ko ng hindi ko namamalayan... Mas gugustohin ko pang ilihim ang pagtingin na ito hang...