Chapter 29

3K 139 26
                                    

Max's POV

NAPAHINTO ako sa paglakad nung nakita ko si Cole na nakasandal sa pader malapit sa school gate. Nakatingin lang siya sa baba at parang anlalim ng iniisip. Itinuloy kong naglakad, kinakabahan ako ng walang dahilan. Tumigil ako sa tabi niya pero parang 'di parin niya ako napansin.

Baka naman hindi ikaw yung hinihintay?

"Ako ba ang hinihintay mo?" Tanong ko sa kanya at gulat siyang napatingin sa akin, inihanda ko na ang sarili ko sa sigaw niya...pero wala.

"Let's go" sabi lang niya't nauna ng pumasok. Nagtaka ako pero sinundan ko parin siya. Baka nagtatampo kasi pinatay ko yung cellphone ko kahapon..na hanggang ngayon eh hindi ko pa inoopen.

Masama parin ang loob ko sa nakita ko kahapon pero inisip ko na saka lang magtatampo kung may something man sa amin, pero since wala, susubukan ko nalang na umaktong normal.

Hindi ko siya pinantayan ng lakad, hindi kasi siya umiimik. Pinagtitinginan din kami nung mga schoolmates namin, lalo na ako na parang pinandidirian pa. Hindi ko nalang sila pinansin.

Hindi talaga siya umimik hanggang sa nakapasok kami sa room, hanggang sa umupo kami. Hindi rin ako umimik, naglabas nalang ako ng notebook at nagreview.

"Hi Cole!" Bati bigla ng babae sa harap kaya ibinaba ko yung notebook ko para tignan kung sino yun. Sina Miah at Fifi.

"Go away" utos ni Cole, mukang masungit talaga siya ngayon.

"Cole naman eh, you know naman that this b!tch is cheating on you" sabi ni Fifi.

"Cheating? Ano ka ba girl, hindi sila." Sabi ni Miah saka tumingin sa akin at pinagcross ang mga kamay sa dibdib, "we all know na this girl likes both Cody and Cole. Si Cole lagi yung kasama pero si Cody ang kayakap 'pag hindi nakatingin si Cole"

"Shut up!" Sigaw ni Cole at umatras ng konti yung dalawa at visible ang pagkatakot sa muka nila, kanina pa tahimik sa classroom.

"Teka," sabi ko at tumingin yung dalawa, "ano'ng pinagsasabi niyo?" I really, really don't know what's happening.

"Kunwari ka pa! Kalat na nga sa facebook ang picture niyo ni Cody na magkayakap eh!" Sigaw ni Miah sa akin at ipinakita naman ni Fifi yung picture mula sa phone niya.

Yung time na iniiwas ni Cody yung tingin ko at inihawap sa dibdib niya, nung nasa roof top kami. Paano kami nakunan ng picture?

"Look at her face, mukang ngayon niya lang nakita yung picture" sabi ni Fifi, half open kasi yung bibig ko. Tumingin ako kay Cole at umiwas siya ng tingin kaya ibinalik ko ang tingin sa dalawa. Kaya pala siya galit sa'kin dahil dito.

"And?" Tanong ko sa dalawa at sabay tumaas ang tig iisang kilay nila.

"Ano'ng 'and'? Tanong ni Fifi.

Huminga ako ng malalim, kunwaring wala akong pake sa kanila, "Ito lang ang ipinunta niyo dito sa room namin?"

Nagtinginan sila saka tumingin uli sa akin pero si Miah lang ang nagsalita, "Hindi ikaw ang ipinunta namin dito, si Cole! Ang kapal ng muka mo, sino ka para pagaksayahan namin ng panahon!?"

"Yun na nga eh, sino ba ako para pagaksayahan niyo ng panahon? Imbes na mag aral kayo, pinagchichismisan niyo ako. Imbes na gawin niyo yung mga assignment niyo, binubully niyo ako. Tapos ngayon, tatanungin niyo yan sa akin?? Hello? Shonga ba kayo?"

"Ano'ng sabi mo!?" Sigaw ni Fifi pero muka namang hindi sila aatake kaya hindi ako gumalaw.

"Ano yan!?" Tanong nung exam teacher namin at tumigil kaming lahat, "Miah and Fifi, get out of this room, now! O gusto niyong mag exam sa Detention room!?"

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon