Beauty and the Beast

361 1 0
                                    

Ito ay kwento ng isang babae na hindi sanay makisalamuha sa maraming tao dahil takot at pinandifitihan sya ng mga tao dahil sa hitsura nya. Ano ang gagawin nya kung dahil sa aksidenting nangyari sa kanya ay makikilala nya ang taong dahilan ng lahat at syang magtuturo sa kanya maging matapang at harapin ang taong nangungutya sa kanya?

Chapter I Lumang Bahay

"Pare pupuntahan namin yong lumang bahay mamaya!" sabi ni Jeffrey. Jeff for short.

"Anong pakialam ko? Kayo lang naman ang nag-eenjoy dun." sabi ko. Ako nga pala si Kevin Nicolas Marteniz. College student and habulin ng mga babae. Ano kurso? Itanong nyo sa nanay ko. Sya nag-enrol sakin. Sya nagpaaral at nagpakain sa akin.

"Whoa!! Si Kevin? Kilalang crush ng bayan ay di nag-eenjoy sa kalokohan? Sinong niloko mo? Eh ikaw nga yong pasimuno ng lahat diba?"

"Pass muna ako ngayon."

"Steve mi kasiyahan daw mamaya dun sa lumang bahay. Punta ka ba?" si Tim yan Kaibigan ni Steve. Narinig namin na nagsalita sya pagdating ni Steve kaya lumingon kami na Jeff para makita kung si Steve nga talaga kausap nya.

"Yun ang napabalita eh. Pupunta ako para tingnan kung sino na naman ipapahiya nila para masabi ko kay Sam na wag palabasin si ate na walang kasama. Alam mo naman mga tao ngayon, mapangkutya."sabi nya. Di ko talaga sya kasundo. Varsity yan, gwapo, matangkad at matalino. Ano namang paki ko? Di ko naman yan kaclose.

"Pare sino ba pinaparinggan mo?" tanong ni Czai. Barkada ko na ubod ng kulit At angas.

"Yong mga taong natatamaan at alam kung sino at ano sila sa mundong ito." pagkasabi nya nun ay umalis na sya agad.

"Bwesit ka Steve." pagsisigaw ni Czai.

"Mirror of you." sabi ni Tim at sumunod kay Steve.

"Bwesit.... Bwesit yong magkaibigan na yon. Bakit ba natin yon nakilala..."

"Chilax lang Czai. Makakaganti din tayo sa Steve na yan." sabi ko. Mi araw ka rin samin Steve..

Pagkatapos ng klase ay umuwi na muna kami para makapaghanda sa gagawin namin mamaya. Mi nagbalita daw kasi na sa lumang bahay malapit sa bangin na mi pangit dun.

"Pare 9PM na. asan na ba yong bibiktimahin natin?" tanong ni Czai.

"Malapit na pare." sabi ko. Madami na kami dito. Mga myembro ng clan namin.

"Hey Steve. Poor are not allowed in here." sigaw ni Jennifer. Pinakamaarte sa clan at mayaman din sya. sabi nga nya 'poor are not allowed here' oo mahirap si Steve. Conclusion lang namin dahil umaasa lang sya sa scholarship. Pero si tim ay mayaman.

"Wala akong pakialam. Ang paki ko ngayon ay wag nyo ng ituloy yong gagawin nyo." parang di sya mapakali ngayon. Kilala nya ata ang target.

"Nagbabanta ka ba? Pwes, hindi kami natatakot..." bigla nalang bumukas yong pinto ng bahay at lumabas yong nakakatakot na babae. Nakatakip sa mukha nya yong buhok nya. Sadako is that you? Napamura nalang si Steve at tumakbo papunta sana sa babae pero pinigilan sya ng marami ganun din si Tim.. The party begin!! Binato nila yong babae ng kung ano-ano habang mi nagvivideo. Hinabol nung tumakbo sya at pinagtatawanan .

BOGHSS...

Natumba yong babae at mi dugo na lumabas. Binato pala sya ng bato talaga at tumama sa ulo nya... Natulala kaming lahat.. Hindi dahil sa pagkatumba ng babae kundi sa pagsigaw ni Steve ng 'ate' at dali-dali silang dalawa pumunta sa babae.

"Hey guys, kumusta ang party nyo? Masaya diba?" sabi ni Samantha. Ang nagtext na pumunta daw kami dito.

"Ikaw ba ang nagsabi sa kanila na andito si ate ngayon sa bahay ha Sam?" sabi ni Steve

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now