Kevin's POV
"hi!" sabi ni Czai, napakabait nya ata ngayon.
"ate bakit ka nagkakaganyan? Higa ka na sa kama para makapagpahinga ka." nanginginig yong kapatid nya tapos tinabunan nya ulit ang mukha nya ng buhok nya.
"m-m-mi a-ano..... Mi t-t-tao s-sa likod ko. Waaaaaaaaaaa!" sabi nya tapos tumakbo sya sa kama nya at nagtalukbong ng kumot.. Nagpanic kaming lahat sa biglaang pagtakbo nya. Tingin dito, tingin don. Mi ikatlong mata kaya sya? Kasi sa kinikilos nya parang di sya ordenaryo. Nakakatakot talaga sya.
"ui wag kang matakot di ka masasaktan nila."HUH???
"Czai, ano yong pinagsasabi mo?" tanong ni Jeff sa kanya. Sabi naman ni Czai na tanging mga magkakauri lang ang nakakaintindi ng mga sinabi nya.
tok
tok
tok
tok
Pagkabukas ng pinto ay may boses na umalingawngaw sa buong kwarto. Sumigaw ng sumigaw ang kapatid ni Steve na si Sadako. Nagkakagulo na kaming lahat, di alam kung ano ang gagawin. Pati si Steve at yong kasama nyang babae, girlfriend nya ata pero my loves ang tawag nya kay sadako. Baka sila ang magsyota. Mi tao pa palang pumapatol sa pangit. Pati sya di din alam ang gagawin. Si Czai at tim naman ay agad na tumakbo palabas para tawagin ang doktor ni Sadako ng mabigyan sya ng pampakalma.
"Steve, iwasan nyong lumabas syang mag-isa dito sa ospital. Alam mo namang pinagdadaanan ng kapatid mo." Tumango lang si Steve "oh sya, aalis na ako't may pasyente pang kilangan kong asikasuhin. Tawagin nyo nalang ako pagnagising na sya, ng matanong natin kung ano ba ang nakita nya't nagkaganyan sya." pagkaalis ng doktor, dumating naman yong si Sister Evangiline.
"sa tingin nyo, yong nakita nya ay yong nangyari sa kanya nong bata pa sya? Naalala lang nya kaya nagwala syang agad." sabi ng kasama ni Steve kanina sa garden.
"sa tingin ko hindi."
"bakit?" Tanong nina Tim.
"galing sya sa may murgi kanina. Dinala sya dun. Sa tingin ko, nandito sya sa ospital na ito." napakaseryo ng paligid.
WAPAK
"ang seryuso nyo. San nyo ba napulot yang mga pinagsasabi nyo?"
sabi naman ni sister, sabay pamiwang. Bakit di sya nakasuot ng damit pang madre? Di bali nalang.
Habang tulog pa si sadako, nag-usap muna kaming lahat para makapagpakilala at napag-usap din namin ang nangyari sa gabing iyon pati ang tungkol sa kay Sam. She's totally insane. Ginamit nya si Sadako para masira kami sa lahat at mamatay si Sadako. Natawagan na din nila ang ama ni Czai para makabalik kaming tatlo. Ayon sa kanila, ayaw ni Sadako na may maparusahan sa nangyari sa kanya.
"alam nyo, mabait pala sila Steve noh? Kilangan lang natin silang kilalanin bago manghusga at magalit." sabi ng mabait na si Jeff. Andito kami sa bahay ni Sadako para maglinis. Napagdisesyonan namin na linisin ito para makabayad man lang ng kaunting sa kasalanan namin.
GIRL'S SCREAM
"ano yon?" nanginginig na sabi Czai sabay hawak sa braso ko. Itong lalaking to talaga, napamatatakotin.
DOOR'S OPEN
Nakakabingi ang katahimikan sa bahay. Kaming tatlo ay nakikiramdan sa paligid habang ginagala ang mga mata sa bawat sulok ng bahay.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ni Czai. "M-mi humawak sa balikat ko." pagkatingin ko, wala namang tao sa paligid.
"baka gagamba lang yan."sabi naman ni Jeff habang mi parang tinitingnan sa isang kwarto sa taas.
wossshhh
Umihip ang malamig na hangin na para bang may nagpapahiwatig ng isang babala.
"mga hijo."
"AAAAAhHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw naming tatlo."dilikadong pumasok sa bahay ng walang pahintulot. Mapapahamak kayo." sabi ng isang matandang babae na ang pangalan ay Pilar. Nagsimula na kaming maglinis pagkatapos nitong sabihin ang mga pwede at hindi pweding linisin at galawin, lalo na ang isang kwarto sa taas na nasa kaliwang dulo na kwarto. Makulimlim na ng matapos kaming maglinis, kapagod ang ganong gawain kaya di ko na yon gagawin ulit. Aksaya sa oras, kadiri pa.
"Manang Pilar, bakit po dilikadong pumasok sa bahay ng walang pahintulot?" nagbabait-baitang tanong ni Jeff.
"pwede kayong makasuhan ng trespassing o kahit ano pang posibling mangyari. Di nyo ba naisip yon." sagot naman ng matanda.