Chapter 4

14 0 0
                                    

Nakalabas na sya ng ospital, sabi ng mga doktor ayos na ang vital signs nya. Naisip ko na mas maganda nga na nakalabas na sya, atleast kahit papano pwede ko syang dalhin sa mga lugar na lagi namin pinupuntahan dati.

Mali ako, paglabas na pag labas nya kasi ng ospital agad nyang dinalaw si Giselle. Si Giselle na iniwan sya sa ere dati. Si Giselle na may kalive-in na ngayon.

At ang pinakamasakit sa lahat. Isinama nya ko.

At sumama naman ako.

Hinayaan ko syang kumatok sa dating tinitirahan ni Giselle.

Matagal ko ng alam na wala na dun yung babaeng kinahuhumalingan nya.

Hindi ako nagsasalita. Maganda na yung hindi sila magkita.

Maya maya pa ay niyaya nya akong kumain sa isang restaurant. Hindi iyon yung madalas naming puntahan pero nakapunta na kami doon dati. Oo, sinabi nya sakin na yun yung restau na madalas nilang puntahan ni Giselle.

"Dito kami dati kumakain, paburitong paburito nya yung pasta dito" Nakangiti sya habang nagkukwento. With matching pag kislap pa ng mga mata.

Ang sarap umiyak. Gusto ko syang awayin pero hindi pwede, anong magagawa ko? e sa hindi nga nya ko naaalala.

"Nagte-take out pa yun ng pasta e," pagpapatuloy nya sa kwento.

Pasta. Pasta. Peste.

"Alam mo ba na sinabi mo na yan sakin noon?" nakangiting sabi ko.

Ang hirap namang magpanggap na hindi nasasaktan.

Tumingin muna sya sakin. "Gusto ko sya makita ulit."

Tumayo ako, "Halika, alam ko kung san sya nakatira."

"Alam mo?" nagtatakang tanong nya.

Ngumiti lang ako at saka nagmamadaling lumabas ng restau. Ewan ko kung bakit parang ako pa ang magdadala ng katangahan at ikasasama ko ng loob. Bahala na.

.

.

.

Nasa tapat na kami ng bahay na tinitirahan ni Giselle. Hindi pa man kami nakakakatok, bumukas na agad ang pintuan. Si Giselle ang tumambad samin. Maganda pa rin sya gaya ng dati. Buhat buhat nya ang dalawang taong gulang nyang anak na babae.

Nagulat sya ng makita kami sa harap ng bahay nila.

Minsan na rin kaming nagkasagutan dati. Sukat ba namang tawagan at magparamdam ulit sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung ok kami pero nung huli namin syang makita. Isang taong gulang pa lang yung batang buhat nya. Kinawayan at nginitian nya ako noon, ngumiti rin naman ako.

"Oh, bakit nandito kayo?" nanlalaki ang matang tanong nya.

"Gusto ka raw makita ni Kiko," sagot ko.

Pinapasok nya kami sa loob.

"Umupo muna kayo. Ikukuha ko kayo ng maiinom." 

Paupo na ako ng bigla syang nagsalita ulit.

"Layne, pwede tulungan mo ko sa paghahanda?" 

Ngumiti ako at sumunod sa kanya sa kusina.

Naghahalungkat sya ng mga pagkain sa ref at nagtitimpla naman ako ng juice. Nakakailang lagay na ko ng asukal pero parang matabang pa rin. Natawa ako ng maalala yung dati. Isang beses ko lang naipagtimpla ng juice si Kiko, hindi na yun naulit. Matabang daw kasi sabi nya.

"Bakit kayo nandito?" hindi masaya ang tono ng boses nya.

"Gusto ka makita ni Kiko," mahinang sabi ko.

"Bakit?" 

Napaluha na ko. Pinilit kong titigan sya sa mata kaso ang hirap. "May selective amnesia si Kiko."

Sandali kaming tumahimik. Parang naghihintay kami pareho kung sinong susunod na magsasalita.

"And sadly, ako ang napili ng utak nya na kalimutan," hindi ko na nabanggit ng maayos ang huling salita. Naghahabulan ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

Nilapitan nya ko. Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko.

"At akala nya kami pa rin?" tanong nya sakin.

"Nung una yun yung iniisip nya," lumunok ako. Hindi ako makahinga. Hindi na naman ako makahinga. "Sinabi naman namin sa kanya na break na kayo. Matagal na."

"Tutulungan kita."

Napatingin ako sa kanya. Pinagmasdan kong maigi ang mga mata nya. Nagbago na sya. Hindi na sya yung malanding babae na kinaiinisan ko dati. Totoo yung mga sinasabi nya.

"Wag ka ng umiyak. Lakasan mo loob mo. Mahal ka ni Kiko, alam ko yun."

"Salamat ha?" hinawakan ko ang dalawa nyang kamay. "Salamat talaga."

.

.

.

 "Matagal na kong walang gusto kay Giselle, for heaven's sake Layne," nakakuyom na ang mga kamay nya sa gailt.

"Yun naman pala e, e bakit sinasagot mo pa yang mga tawag nya? at talaga namang humahalakhak ka pa habang kausap sya. Ang landi mo rin e." Dinampot ko sa sofa ng sala nila lahat ng mga DVD na dala ko.

Manonood sana kami noon ng pelikula. Nagmamadali pa naman akong pumunta sa bahay nila. Bwisit.

"Bat dinadampot mo yan?" malakas ang boses nya.

"Wag mo kong sigawan! Dyan ka na at makipagtawanan at makipag-usap dyan sa pinaka magandang babaeng nakilala mo sa buong buhay mo!" dinampot ko ang huling DVD at saka nagmamadaling pumunta sa kusina nila para kunin yung mga bitbit kong pagkain

"Umupo ka dito sa tabi ko," nakaupo ito sa sofa.

Palabas pa lang ako ng kusina. "Ayoko! Kausapin mo na sya!"

"Akala ko ba sabi mo, makipag-usap ako sa pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko? Umupo ka na dito, mag uusap tayo."

Saktong nakalabas na ko ng kusina bago nya matapos ang sinasabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

Kinindatan nya ko.

Inirapan ko sya. "Hindi mo ko madadaan sa pambobola mo!"

"Hindi yun bola."

Tinitigan ko sya ng husto. "Mamatay ka na! Impakto! Masamang tao! Walang pakialam sa nararamdaman ko! Bwisit ka!" sunud-sunod ng tumulo ang mga luha ko.

Patakbo syang lumapit sakin. Niyakap nya ko ng mahigpit. "Sorry na, sorry."

Nanuod pa rin kami ng pelikula pagkatapos non, pero hindi ko sya hinatian sa dala kong mga pagkain, kinain ko na lang lahat.

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon