Chapter 3

24 0 0
                                    

Ito na siguro yung kabayaran sa nangyari nang gabing yun.

Kung naging matapang kaya ako, kung nagtiwala kaya ako, mangyayari kaya to?

Napakabilis nya akong nakilala, napakabilis din pala para sa kanya na makalimutan ako.

.

.

.

Kapwa kami nasa kwarto ko noon, nakaupo kami sa kama. Inalis ko sa kamay nya ang hawak nyang baril-barilan ipinatong iyon sa mesa sa gilid ng kama.

"Baka mabaril mo ko e," sabay tawa.

Tumawa rin sya. Humiga sya sa kama. "Bakit ka umalis sa party kanina?"

"E kasi hindi mo naman ako pinapansin e," nakasimangot na sabi ko.

Ngumuso sya. "Mahal mo ba ko?"

"Oo naman, mahal kita," humiga na rin ako. Tumagilid ako para nakikita ko sya

Nilingon nya ko. "Gano mo ko kamahal?"

"Sobrang mahal," ngumiti ako.

"Panong sobra?"

"Anong sobra?" nagtatakang tanong ko.

"Gusto ko malaman kung gano mo ko kamahal, kung gano kadami," seryoso sya.

Hindi sya sumeseryoso. Nakakapagtaka.

"Hindi ko alam kung ganu kita kamahal pero alam ko sobrang mahal kita."

"Ganun ba?" itinuon nya nag pansin sa kisame.

Anong meron sa kisame at lately yun lang ang tinitignan nya?

"Gusto mo, itanong mo kay God kung gano kita kamahal, alam Nya lahat diba?"

"Samahan mo ko," nilingon nya ko, this time nakangiti na sya.

"Ayoko pa mamatay no!" tumawa ako ng malakas.

"Ayoko pa rin, kasi gusto ko pa mabuhay na kasama ka," tumagilid din sya at humarap sakin.

Nagtitigan kami saglit.

Lumapit sya atsaka ako hinalikan sa mga labi.

Gumaganti na ako ng bigla syang tumigil.

Umupo sya. Umupo rin ako.

"OK ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko, may mali e.

Sa halip na sagutin ang tanong ko, hinatak nya ko palapit sa kanya at hinalikan muli. Nararamdaman ko ang pagkilos ng mga kamay nya.

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko. nararamdaman kong may isinusuot sya roon.

Kumawala ako sa halik.

Tiningnan ko kung ano iyon. Engagemant ring. Eto rin yung singsing na ibinigay nya sakin noong 1st monthsary namin.

"Kasya pa rin. Hindi ka pala tumataba e," nakangiting sabi nya.

Tinitigan ko lang sya.

"Marry me. siguro naman handa ka na diba?"

"Kiko," bigla na lang akong naiyak. Hindi na ako makapagsalita.

Ayoko pang ikasal. Ayokong pag usapan ang bagay na to. Ayoko.

"Hindi pa rin ba?" seryosong tanong nya.

Tumango ako.

"Bad trip," tumayo sya.

"Sorry," tinatanggal ko ang singsing sa daliri ko.

"Wag mo tatanggalin, isuot mo muna, please. Pag isipan mo to," tinungo nya ang pintuan ng kwarto ko. Nilingon nya ko bago sya makalabas. "Hindi ko alam kung bakit? Sabi mo kasi mahal mo ko e. Kanina kaya kita iniwan sa party para ihanda yung proposal ko sayo, buti na lang pala umalis ka, mas nakakahiya kung iiling ka sa harap nilang lahat habang nakaluhod ako sa harapan mo." atsaka sya nagtuluy-tuloy palabas ng kwarto.

Naiwan ako sa kwarto. Nalilito.

Natatakot.

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon