Chapter 5

12 0 2
                                    

"Pupuntahan mo na naman s'ya?" nanginginig ang buong katawan ko habang pilit na pinipigilan ang mga luhang mamaya lang ay alam kong kakawala na sa mga mata ko.

Ito s'ya sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos sinasaktan ako. Gusto kong isipin na hindi nya to sinasadya pero nasasaktan ako.

"Kailangan nya ko, sinasaktan sya ng kinakasama nya, ako lang ang nakakaintindi sa kanya," masama ang tingin nya sakin ng mga oras na yun.

Yung mga matang tumitingin sakin dati ng may pagmamahal ay yung mga matang tumitingin sakin ngayon na para bang isa akong basura.

"Bahala ka na, bahala ka na," pumatak na ang luha sa mga mata ko.

Iniwan nya ko. Nagmamadali nyang kinuha ang mga gamit nya.

Nakatingin lang sakin si Jessica, napapailing sya, hindi ko alam kung dahil ba yun sa nag away kami o dahil sa hindi ko inintindi ang kalagayan nya.

Siguro dapat hindi ako natakot, siguro dapat pinilit ko syang intindihin, siguro kung tinanggap ko yung proposal nya nung gabing iyon, siguro hindi kami nagkakaganito.

.

.

.

Tulala na ako noong gabing naaksidente si Kiko, hindi ko namalayan na address pala ng dati naming bahay ang naibigay ko sa drayber ng taxi. Kinuha ko ang susi ng dati naming bahay sa bag ko, matapos mamatay ni nanay pitong taon na rin ang nakalilipas, hindi ko na nagawa pang bumalik sa bahay na yun. Umupa ako ng apartment at nung napromote ako sa trabaho at tumaas ang sweldo ko, tsaka ako nag loan ng bahay. Kung tutuusin kung gugustuhin ko mang tirhan ang bahay na ito, pwedeng pwede pa naman. Maayos pa ang bahay, bunga to ng paghihirap ng mga magulang ko.

Pumasok ako sa loob. Naalala ko nung namatay ang nanay, pagkatapos na pagkatapos ng burol sa bahay na ko ng tiyahin ko nakitulog. Iniwan ko ang bahay. Kinuha ko lang ang mga gamit ko at saka lumayas na ng tuluyan.

Naglalakad ako sa sala ng madaanan ko ang pintuan ng kwarto ni nanay. Alam mo ba, natatakot ako. Siguro kung hindi ka iniwan ng tatay, siguro hindi ako takot. Sana ipinaglaban mo sya. Sana ipinakita nyo sakin na masaya kayo kahit hindi. Sana lumaban ka nung umalis sya. Sana hindi mo pinakitang miserable ka.

.

.

.

"Magpapakamatay ka na ba?"

High school ako noon ng umuwi ako at nakitang umiiyak sa kusina si nanay. May hawak syang kutsilyo.

Tumingin lang sya sakin.

Hindi ako galit sa kanya, pero galit na galit ako sa mga ginagawa nya sa sarili nya.

"Gusto mo na ba mamatay?"

"Wag kang bastos! Kaya mo na bang mabuhay pag namatay ako?"

"Bakit? Binuhay mo ba ko? May ginagawa ka pa ba para sakin? Simula ng iwanan ka ng tatay wala ka ng ibang ginawa kundi lunurin ang sarili mo sa alak. Wala ka ng ibang ginawa kundi sirain ang sarili mo!"

"Hindi mo ko naiintindihan!"

"Oo, hindi talaga! Sige na, maglaslas ka na pero wag dito, wag mong ipakita sakin kung ganu kamiserable ang buhay mo!"

Humagulgol sya.

Pumatak na rin ang luha sa mga mata ko. "Alam mo nay, ang sakit sakit nung iwan tayo ng tatay, pero alam mo kung anong mas masakit? Yung sinisira mo yung buhay mo! Yung araw araw ipinapakita mo sakin na hindi ako sapat para ipagpatuloy mo ang buhay. Kulang ba ko nay? Kulang pa ba ko?"

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon