Chapter 6

14 0 0
                                    

Pumunta ako sa bahay nila Kiko. Inimbitahan ko ang sarili ko na pumasok sa loob. May narinig akong umiiyak na bata sa may pintuan pa lang.

Sumilip ako at nakitang naka-upo sa sofa si Giselle, kalung kalong ang anak nito.

Pumasok ako ng tuluyan. Nagtama ang mga mata namin pero agad nyang inilayo ang tingin nya.

"Anong meron?" wala sa loob na tanong ko. Naupo rin ako sa sofa na katapat ng inuupuan nya, may center table na namamagitan samin at nasa gawing kanan ko ang TV.

"Amm, dito muna kami pinatira ni Kiko." hindi ito tumitingin sakin.

Maya maya pa'y lumabas mula sa kwarto nya si Kiko. "Ok na yung kwarto, dun na kayo magpahinga ng anak mo."

Natigilan ito ng makita ako. 

Tinitigan ko lang sya.

Kinuha ko ang remote control at binuksan ang TV. Pinilit kong wag isipin na nandito sila sa bahay ng lalaking karelasyon ko. At ayokong isipin na nakikipag-agawan ako sa atensyon.

Narinig kong sumara ang pinto sa kwarto, pumasok na siguro sa loob si Giselle at ang anak nya.

May naramdaman akong naupo sa tabi ko.

"Wala silang matutuluyan e, pinalayas na sya ng kinakasama nya," mahina ang boses na iyon.

Hindi ko iyon pinansin, pinidot ko nang pinindot ang bawat numero sa remote control. Hindi ko namamalayang kusa ng tumutulo ang luha sa mga mata ko. Pinunas ko iyon gamit ang likod ng palad ko.

"Masasaktan ka lagi kapag nandito ka, humanap ka na ng iba kasi hindi ko talaga alam kung bakit kita," tumigil ito at bumuntong hininga.

Nilingon ko sya. "Hindi mo alam kung bakit mo ko nagustuhan? kung bakit minahal mo ko noon? ganon ba?" nangangatal ang buong katawan ko.

Tumango lang sya.

Napahawak ako sa ulo ko. "Pano mo malalaman? You never gave me a chance to be with you."

Tahimik lang sya.

Hinawakan ko ang mga kamay nya. "Bigyan mo ko ng chance na magpakilala sayo ulit at siguradong maiinlove ka sakin."

Tiningnan nya ko at saka dahan-dahang tumango.

.

.

.

"I'm sorry," mga salitang unang lumabas sa bibig ni Giselle pagdating ko ulit sa bahay nila Kiko. Nakaupo sya sa sofa na inupuan nya kahapon, papaupo pa lang ako.

Nginitian ko sya.

"Alam ko nangako ako sayo na tutulungan kita kay Kiko."

"Alam ko rin na nangako ka sakin, so ano to Giselle? Lokohan?"

Naupo ako sa inupuan ko kahapon, inabot ko ang remote control at saka itinuon ang pansin sa TV.

"Sorry."

Nilingon ko sya. Umiling ako. "Para san yang sorry na yan ha?"

"Sorry kasi hindi na kita matutulungan sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal ko pa rin sya."

Napanganga ako sa narinig. "Wow?"

"Sa tingin ko Layne, tama lang na magbalikan kami, ako lang ang naaalala nya at ikaw hindi. Magiging masaya ba sya sayo?"

"He was happy with me."

"Was, was Layne. He WAS happy with you. You use was."

Ngumisi ako at bumuntong hininga. "Bakit nga ba nagtiwala ako sayo? My God, ang tanga ko pala. Hindi ko akalain na naniwala ako na magiging kaibigan kita."

Nakita kong lumabas ng kusina si Kiko. Basa ang buhok nito. Nasa loob ng kusina ang CR. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Aalis na ba tayo?" malambing ang boses na tanong ko kay Kiko.

Ngumiti sya at tumango pero nakita kong hinahanap ng mga mata nya si Giselle.

"Saan kayo pupunta?" tanong nya.

Nilingon ko sya. "May date kami," nginitian ko sya at saka inirapan.

"Pero babalik din kami kaagad, dito ako maghahapunan kaya magluto ka," napakalaki ng ngiti na ibinigay nito kay Giselle.

Gusto ko syang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. 

.

.

.

Isinama ko sya sa bookstore kung saan kami uang nagkita. Hindi sana iyon ang plano ko, plano ko na ihuli iyon sa mga pupuntahan namin pero mukhang kailangan na nga maalala kaagad ang lahat.

Sinalubong kami ng ngiti ni manong guard. Sya pa rin ang nagbabantay roon.

Ngumiti rin ako.

"Oh, napadaan ulit ang paburito naming love team," ngiting ngiti ito.

Nilingon ko si Kiko, nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya pero nakita ko rin ang pagkubli nya noon.

"Dito tayo unang nagkita dati, naalala mo yung kwento ko sayo?"

Tumango sya. At inip na inip na sinamahan akong mag ikot sa loob, gusto ko sanang ikwento sa kanya kung saan ako nakatayo nung nakita nya ko noon. Gusto kong ire-enact sa kanya yung mga nangyari noon pero bagut na bagot sya habang naglalakad.

Huminto ako sa paglalakad at hinintay syang lingunin ako.

Nilingon nga nya ako. "Bakit?"

Ngumiti ako habang pinipigilan ang sarili na lumuha. "Tara na, uwi na tayo."

Nagmamadali akong naglakad palabas ng bookstore, nginitian at kinawayan ko muna si manong guard. Hindi ko na nilingon pa kung sumunod ba sya, agad akong sumakay ng jeep.

.

.

.

Nakaabang ulit sa door step si Carrot. Naupo ako sa tabi nya, nakatingin lang sya sakin.

"Meow," pagbubukas ko ng usapan.

Nagmeow din sya.

Natawa ako habang hinahayaang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Para akong mababaliw.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at pinagmasdan ang pagkinang ng bato sa singsing na suot. Napakasarap sigurong ikasal sa kanya. Pagkakataon na hinayaan kong dumulas sa mga kamay ko. 

"Carrot, yakapin mo ko."

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon