Chapter 8

7 0 0
                                    

Papalabas na ako ng bahay nila Kiko ng makasalubong ko sa may pintuan si Giselle.

"Ano pang ginagawa mo dito?" mga salitang nakapagpanting ng pandinig ko.

"Pinuntahan ko si Kiko, bakit?" sagot ko.

Tumawa sya. "Ay, oo nga pala. Ikaw pala ang taga-halili ko. Taga-pagpaligaya kay Kiko kapag wala ako."

"Oo, kasi wala kang ibang alam gawin kundi iwan sya."

"Ang cheap mo lang para ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo."

Tumaas ang kilay ko sa mga narinig. "Bakit Giselle, sino ba sating dalawa ang nagpupumilit? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na dapat hindi ka nakikisawsaw sa relasyon nang may relasyon? O baka naman tinuruan ka pero matigas talaga ang ulo mo? Yan ba ituturo sa anak mo? Nakakadiri ka. Hindi ka lang malandi, pokpok ka pa."

"Sino ba sating dalawa ang nakikisawsaw sa relasyon ng iba? Tanga ka? Ikaw na ex diba?" nakataas na rin ang kilay nya.

"Ikaw ang ex, binalikan ka lang nya kasi akala nya kayo pa, dadating din ang araw na uusad ang ala-ala nya at maaalala nyang hindi ka na parte ng hinaharap nya lalo na ng buhay nya."

Ngumiti sya. "Oh, di mo talaga kilala ang mga lalaki Layne. Napapaikot sila sa mga palad. Gagawin nila lahat ng gusto mo, ibibigay nila lahat ng gusto mo. At kapag sinabi ko kay Kiko na kalimutan ka nya, kakalimutan ka nya na parang hindi ka lumitaw sa mundong ito."

"Hindi mo magagawa yun. Hindi ka ba nagbabasa ng Bible? Matagal ng natalo ang masasama. Matagal ng talo si Satanas"

Naramdaman ko na lang ang isang malakas sa sampal sa kaliwang pisngi ko na sinundan ng sunud sunod na kamot sa mukha at mga braso ko.

Maya maya pa'y narinig kong umawat si Kiko. Hinila nya ko palayo kay Giselle.

"TAMA NAAAA!" sigaw ni Kiko habang niyayakap ako at inilalayo kay Giselle.

Tumigil si Giselle.

"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko ha?"

Napalunok ako sa mga narinig. Girlfriend? Ako? Naaalala na nya ako?

Humarap ako sa kanya. At nakita ko ang galit sa mga mata nya.

"Ano Layne, magpaliwanag ka. Anong ginawa mo kay Giselle? Anong ginawa mo sa girlfriend ko para magkaganyan sya? Lahat ng buhay namin ginugulo mo!"

Napatulala na lang ako sa mga narinig, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Love, inaway nya ko, lumaban lang naman ako e," gamit ni Giselle ng boses anghel nya.

Napalunok ako at kumawala sa pagkakahawak sakin ni Kiko. Pinunas ko rin ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko.

"Ilang beses mo ba akong sasaktan Kiko?"

Inialis nya ang tingin sakin.

"Hanggang kailan mo ko sasaktan?"

Hindi nya ako nililingon.

Tumalikod ako sa kanya at hinarap si Giselle. "Sana. Sana hindi mo na sya iwan gaya ng ginawa mo dati. Kung mangyayari man yun, sana mamatay ka na lang. At mabulok ka sa impiernong malandi ka!" tinapakan ko ang kaliwang paa nya gamit ang takong ng sapatos ko.

Napahiyaw sya sa sakit. Narinig ko rin ang pagsaway sakin ni Kiko pero hindi ko na sila pinansin. Baliw ako? Nang gugulo ako? Sige. Magkakagulo talaga tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon