Chapter 1

95 5 0
                                    

Hamak lang akong baguhan sa academy na ‘to. Tama kayo, transferee ako rito. Kung itatanong niyo naman kung maganda ako? well, HINDI! Sakto lang para sa isang tao. :)

Kulot ang mahaba kong buhok. Sumablay lang ako sa height and weight. Pero hindi ako malnourish ah. Mabilis lang talaga ang metabolism ko. ewan ko lang sa height. sabi naman ng nanay ko, pinainom niya ako ng gamot pampatangkad nung bata pa ako. pero bakit ganun? Waepek! Yung totoo? Generic o branded?

Umupo ako sa dulo dahil alam kong doon din ang bagsak ko. Letter Z ang simula ng surname ko, isunod mo pa ang letrang U na huli rin sa mga vowels. Saan ka pa?

“Miss Zuniga,” agaw pansin ng adviser namin. Nuh ba yan? Dapat tinawag niya ko nung di pa ako nakakaupo. Kung kelan naman ang sarap ng upo ko sa likod, dun niya ko tatawagin.

Kahit medyo tinatamad ako, lumapit na lang ako. may magagawa pa ba? “po?”

“pag may problema, h’wag kang mahihiyang mag tanong sa kanila ah!”

Tumango na lamang ako.

“class, please wait for your first subject teacher.”

Yun lang ang huli kong narinig sa kanya at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

Kahit gaano katagal ang pag tayo ko rito sa unahan, hindi na ako tatangkad. Kaya bumalik na lang ako sa pwesto ko.

Sana naman walang terror teacher. Lalo na sa math! Yan ang lagi kong dasal.

“Psyduck! Psyduck!”

Hindi pa ako nakakaupo nang marinig ko yon.

Who’s that pokemon?!

“psyduck!”

Huh???

  “Ako?” 

“oh yeah! Meron pa bang iba?” Sagot ng impakto na yon na hindi ko alam kung saang lupalop nag mula. Sayang ampogi pa naman kaso mukhang may sapi.

Nanlaki ang singkit kong mata sa gulat. AKO? AKO TaLAGA? AS IN?!

“paano nangyari?” mataray kong tanong.

“ang haba kasi ng nguso mo. Kahit saang anggulo ko tingnan, ang haba talaga!”

At nagawa pa nitong tumawa ng malakas….

Argh! Nakakainsulto ‘tong kumag na ‘to ah!

Langya naman ‘to, di muna ako paupuin bago ako laitin. Sana naman pinaupo niya muna ako diba, para natuwa naman ako sa kanya kahit papaano.

“whatever!”dinedma ko siya. What a funny monkey!

Hindi ko na lang papansinin ang impakto na yun. Tumungo na lamang ako at umaktong tulog. Ang aga-aga sinisira niya ang araw ko!

“hoy psyduck!”

Narinig ko na naman mula sa kumag na yon. Tinakpan ko na lamang ang dalawa kong tenga para hindi ko marinig ang pag tawag nito sa “psyduck” chuchu na yon.

Tae naman! Kung kelan ko kailangan ng earphone tsaka ko di dala. Nakakabadtrip!

Wala ngang terror teacher may paepal naman na classmate.

“psyduck!”

Yung feeling na takip takip mo na yung dalawa mong tenga, naririnig mo pa rin yung pag tawag niya sa hindi mo naman pangalan?

“psyduck, andyan na si ma’am” sabi niya pero hindi naman ako naniwala! Like duhh! Naririnig ko rin ang ingay mula sa iba ko pang classmate.

“Psyduck!” mas malakas na ang narinig ko. naririndi na ako.. konting-konti na lang…. nakuuuuu!

My Personal Enemy No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon