Chapter 3

49 3 1
                                    

Kerwin’s pov

“Ayos ka dude! Ang galing ng acting mo kanina. Pati si ma’am Filipino wasinabi eh.”-si Dayne.

“Expert!” sabi ko. sabay ngiti. “hwag naman kayo masyadong maingay. Baka marinig ni Psyduck. Alam niyo kung ano ang tawag dun? Star magic yun. Pwede na akong mag-artista.”

“grabe ka talaga Dude. Masyado mong pinapabigat yung nararamdaman ni Jenn. kinokonsensya mo masyado.”

Si Errand yun. Bestfriend ko yan. Sobrang matagal na. astig yan. Mangingialam lang yan kapag kailangan na kailangan na talaga.

“yun nga ang gusto ko e. ang makonsensya siya. Buti nalang lagi kong dala ‘tong eye drop ko.”

“pag nalaman niya yan, paniguradong maiinis yan ng sobra. Wanna bet?”-Errand.

“game!”-Dayne.

Abah! Pinagkakitaan niyo pa ang temper ni Psyduck.

Teka nga, parang mas gusto ko yun ah. Mas gusto kong maasar siya kesa makonsensya siya . Hmm! I really like that!

Iniwan ko na sila. Lumapit ako kay Psyduck. Tapos tumungo ako. sabi ko sa inyo product ako ng Star magic. Magaling ako umarte!

“uyy! Sorry na kasi. Hwag ka ng magalit.”

Yan ang sabi niya. Perfect time para isagawa ang napag-planuhan. Nako.. iniisip kopa lang yung mukha niya natatawa na ako.

“akala ko talaga matalino ka. Pero mali pala talaga ako.”

“huh? Anong sinasabi mo diyan?” inosente niyang tanong.

“naalala ko pa nung first day, sabi mo hindi ka na magpapaloko saken.pano ba yan, naloko na naman kita.”

“anlabo mo. direchohin mo na nga ako.”

“ang hina talaga ng IQ mo.” Sabi ko tapos nilabas yung eye drop na ginamit ko kanina.

“ito yun oh!” sabi ko tapos nilahad sa harap niya.

Wala! Wala siyang reaksyon. kulang na lang tanungin niya ako. nako naman! Ang slow!

Ayan na! nag sink-in na siguro sa utak niya. Nako.. ang kupad naman ng system niya.lumalaki na ang butas ng ilong niya.

“Bwiset ka talaga!” sabi niya tapos binatukan ako. aray ah!

“Aray! Ikaw ang may kasalanan. Ang bilis mong mauto. Ang bilis mong maloko. Ba’t ba ang hina mo? Ang bilis tumulo ng luha kong peke. Ni hindi nga kumalat sa mga mata ko yun e. pero napaniwala pa kita. Yung totoo?”

Wala siyang naging sagot. Hahaha!

“hwag mo ng isipin ko paano ko nagawa yun. Baka sumabog! Konti na nga lang mawawala pa. tandaan mo, walang imposible sa henyo!” sabi ko. nanggigigil na siya. Wahahaha! Astig talaga! Binatukan niya uli ako.

“sinayang mo effort ko. bihira lang ako mag-sorry. Alam mo yun?”

Oh? Seryoso? Bihira lang mag sorry yang ganyan?

“hindi e. okay lang yan. Gwapo naman ako e.”

“tss! Ang kapal-kapal-kapal ng mukha mo!”

“minsan kasi, mag-isip ka rin.” Wala! Inaasar ko lang siya. Hahaha!

“sige! Panalo ka ulit. Pero hindi na talaga ‘to mauulit. Hinding-hindi na talaga!”

Tumawa lang ako.

“let’s see then.” Arogante kong sabi sabay pinasok ko ang kamay ko sa bulsa. Tss! Ang gwapo ko talaga. Syempre. Iiwan ko siya.. Take note: asar na asar.

My Personal Enemy No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon